(Sam's POV)
TRUE LOVE? hahahahh, wala namang ganyan e, sa fairytales lang meron nyan, kaya kung ako sa inyo, wag nyo ng pag aksayahan pa ng oras kaiisip yang tungkol dyan. It's all but a lie.
(Nate's POV)
TRUE LOVE? oo meron nyan, pati nga forever at infinity e. Bitter lang ang naniniwalang walang forever, masaya magmahal, lalo na kapag worth it naman. tsaka, maikli lang ang buhay , bakit di na lang tayo magmahalan diba?
(Author's POV)
What if magkatuluyan sila? What if kung hindi maging sila? What if kung itong storyang to e fantasy lang ulit? E pano naman kung reality na to. Kayo? naniniwala ba kayo sa forever?
Chapter 1
(Sam's POV)
Araw araw mo na lang kailangan gumising ng maaga para pumasok sa school, araw araw ka ding puyat dahil sa loads ng schoolworks at activities, aminin ko, oo masaya maging high school pero tough lalo na ngayong graduating na ako. Pero cyempre bago ang lahat, ako nga pala si Samantha Escalona, panganay sa tatlong magkakapatid, sa pamilyang di naman mahirap, at lalong di naman mayaman, kumbaga, tama lang? 17 years old na ko, late kc ako nag aral kaya ngayon pa lang ako g graduate. at sa ngayon late din ako sa klase. Nilalakad ko lang ang daan papunta sa school namin, walking distance lang din naman kasi tsaka para bawas gastos din. " Oi sam! bat ngayon ka lang? late ka na sa flag ceremony, patay ka nanaman kay ma'am." yan, yan si Patricia,Patty for short, isa sa best friend ko. mabait yan, super die hard fan ng Exo, at tulad ko ,may tama rin minsan. " Okay lng yan Patty, di ka na nasanay sakin. " sagot ko, lumapit naman ang isa ko pang kaibigan, si Jeremy, babae yan ha, Je for short. " oi, kayong dalawa, alam nyo na ba?" tanong nya, "ang ano?" nagtatakang tanong namin ni Patty. " may transferee daw ah? lalaki, galing ng states, sa Thompson high yata yun? Girls, baka gwapo yun." kinikilig kilig pa yan nung sinabi nya yan, napabuntong hinigna tuloy ako "alam mo Je? so what kung gwapo yun? lalaki pa rin yun." "and?" sabay na tanong nila, yung tonong alam na nila kasunod na sasabihin ko? kaka asar no? " AND! manloloko pa din yun. Girls, Boys will be boys. " inirapan ako ng dalawang loka loka, " And since when ka pa naging Guy hater Sam?" " Since nung day na alam nyo naman yung nangyari? tara na nga late na tayo oh?" sabi ko, sabay pilit na tawa. ayoko kasing topic yung tungkol dun. " Hay nako Sam, tatanda kang dalaga nyan e. " sabi ni Patty habang naglalakad na kami papunta sa first class namin, " Okay nang tumandang dalaga kesa naman maagang maloko ng forever na yan." " Ayaw mo pa kasing kalimutan na lang." bulong ni Je , napatigil ako sa paglalakad ko " Girls, hindi ako bitter, matagal ko na syang nakalimutan, at naka move on na ko. Now can we lease drop the topic na? " sabi ko sa kanila, medyo naiirita na. Oo, di naging maganda ang past relationship ko, and enough reason na yun para di na umasa, OA man sa iba ang naging desisyon ko, pero diba, pag nasaktan ka, mahirap nang ibalik yung dating ikaw? magbabago at magbabago ka talaga.
(Nate's POV)
Hindi ko alam kung ma e excite ako o kabahan, first day ko kasi sa bagong school, transferee ako ,galing ako ng states and this is my second time in the Philippines. Sana naman this time wala ng klase ng tao sa school na tititigan ka because of your face, and yung mga fans club kaht di naman talaga ako sikat. Bago nga pala ang lahat, ako nga pala si Nathan Madrigal, Nate for short.
"Sir, andito na po tayo sa school nyo." sabi nung driver namin, tumingin ako sa labas at tinignan ang bago kong school. " Sige. bababa na ko. and tell dad, wag akong tawagan every minute okay?" "yes sir. may kailangan papo ba kayo sir?" nakababa na ko ng kotse namin, nag aayos ng uniform ko, at kinuha na ang bag ko. " None, i'm fine. Okay na, sige na. " and with that, umalis na yung driver ko.
The next minute, nasa loob na ako ng english class, and as usual pinakikilala ng teacher. Nakita ko nga yung mga girls sa class ko and lahat sila nakatitig sakin, yung iba parang nag da daydream pa. wala nga akong naintindihan sa sinabi ng teacher dahil sa pag o observe ko, ang naintindihan ko na lang e yung "You may sit beside Ms. Escalona." napangiti naman akong parang eng eng dun, " Ma'am, who is Ms. Escalona?" tinuro nya yung isang seat dun sa last row, na wala pa namang nakaupo. " hmm." tapos biglang nagbukas yung pinto ng room namin, at standing there ay isang magandang babae, maliit lang cya siguro mga 5'3 lang ang height, medyo maputi mahaba ang buhok na kulay brown. ang cute nya nga e. "Aah, Ms. Escalona, Late again?" sabi nung teacher sa tabi ko. " Sorry Ma'am, napasarap po sa tulog." sabi nya tapos lahat ng classmate ko sa room nagtawanan. Not all girls will admit that right? "Anyway Ms. Escalona, this is Nate Madrigal." inabot ko yung kamay ko para makipag handshake pero tinignan nya lang, kaya napatigil sa pagsasalita yung teacher namin. "Ano yan? hahahahha! ang pormal mo naman." sabi nya tapos tinaas nya ng konti yung sleeves ng blouse nya. Ano ba to? feeling swag? o feeling cool? tapos kinuha nya yung kamay ko and may ginawa syang handshake. " Samantha Escalona. Sam for short." sabi nya habang nakangiti ng todo. May sapak ba to? sayang maganda sana, kaso may posibilidad pa yatang mapunta ng mental. " You both can take your seats now." Sabi nung teacher. " thank you ma'am." sabi nya ulit bago siya umalis, papunta sa last row, habang ako naman kasunod nya. pag upo namin, tumungo siya sa table. " Hey, do you mind if I ask? what exactly are you doing?" tanong ko, inirapan naman nya ko, " Hmm, what do you think? " "Sleeping?" tanong ko naman, tapos ngumiti siya ulit ng nakakaloko, " alam mo naman pala e, galing ka nga ng amerika, kala ko sa outer space pa at pati pagtulog di mo alam e." I scoffed " Classes are not for sleeping." " And you're in Philippines, you can speak our language dude." sabi nya, aba! may sapak na nga, maldita pa, okay to'ng babaeng to a? parang di babae? " seriously? di ka makikinig?" " alam mo naman pala pa'no magsalita ng tagalog e." " Excuse me Ms. Escalona and Mr. Madrigal, did we interrupt something?" ngumiti yung girl sa tabi ko, " Wala po ma'am." aba! ipapahamak pa talaga ako ng baliw na to?
BINABASA MO ANG
Forever in Reality
Teen FictionTrue love? Happily ever after? Forever? sounds like lies diba? kasi hindi naman lahat nagkakaron ng magandang lovestory, e pano kung nahanap mo na yung tamang tao, pero ayaw mo pa rin mahulog? paano kung yung time na narealize mo'ng mali yung desisy...