Aish! Ba't pa ba kita napanalunan? Ugh, nakakabwiset naman to'ng stuffed toy na oso'ng to. "Ano ngayon kung may manliligaw na si Sam?tsk" hay nakaka asar, inis na nga ako naka ngiti pa rin to. Kelan nga ba ako huling nag effort? Pangalawa lang naman to.
Hindi ko pa din pinapaandar yung kotse ko. Hinihintay ko pa sila. Baka may gawin to e.
Nakinig muna ako ng music hanggang sa di ko namalayan ay nakatulog na ako.Nagising ako ng may kumatok na guard sa bintana ko. "Iho 11:58 na, may balak ka pa bang umuwi?" Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang 11 na nga, shit nakauwi na kaya sila Sam? Humingi na ako ng pasensya kay manong guard at nagdrive na pauwi.
Papasok na sana ako sa apartment ko nang mapatingin ako sa pinto ng apartment ni Noah. Kakatok pa sana ako kaya lang biglang nagbukas yung pinto, "uy! Gising ka pa pala? Umalis ka? San galing?" Sinundan kayo! Langya to akin ung niligawan mo e. Pero syempre di ko sinabi yan "ah, dyan lang sa tabi tabi,kauuwi ko lang." "Ah. Sige baba lang ako saglit walang signal e, tatawagan ko si Sam" sabay ngiti, wag kang ngumiti asungot ka na sa buhay ko, pero joke lang ulit yan, nga lang Sam nanaman? Ngumiti na lang ako at tumalikod na. "Nate, you weren't in the EK awhile ago right?" "Uh no? Ba't naman ako pupunta dun?" Noah shrugged, "i thought i saw you. Baka kamukha mo lang. Sige goodnight bro." Sabay talikod at umalis na. Hay...
TO:SAM
ano ginagawa mo? Musta date?Sinend ko, matapos ang ilang minuto, tsaka lang sumagot ang bruha,
From:SAM
wala! Tulog na ko e, ano trip mo? Wag ka na magtext matutulog na ako.Sungit talaga, tulog daw if I know katext pa niya bestfriend ko'ng si Noah
TO:SAM
Weh? Di nga? Katext mo si Noah eSumagot din naman siya agad, hahaha matutulog na yang lagay na yan ha?
From:SAM
paki mo ba? Wag ka na nga magtext!Wag pala magtext ha? Okay, edi wag, last na yan.
Ugh! Nakakaasar! Naka ilang amin na ba ako sa kanya? Ba't ang manhid nya pa rin? Nakaka asar, pareho naman kame ni Noah na galing ng states pero si Noah kadate nya agad? Samantalang ako? Ugh bwiset! Naibato ko tuloy yung stuffed toy na bear, syempre nakangiti pa rin. Hay! Ba't ba ang masokista ng mga stuffed toy? Sana ganyan na lang din ako. Shit! Nababaliw na ba ako?(Sam's POV)
Hay! Umaga nanaman, pasok nanaman."Sam! Nandyan na si Nate! Di ka pa ba tapos magbihis dyan?" Mama talaga? Kelangan pa ako sigawan?
Nakayuko si Nate nang makita ko siya, hay naman ba't parang may problema ang isang to?
"Uy! Sinusundo mo ba ako?" Tanong ko, tumingin naman siya sakin, "hindi! Hinahatid kita pauwi, kitang nandito ako e" tsk! Aga aga nagsusungit! AishPagsakay ko ng kotse niya napansin ko agad yung bouquet ng roses sa passenger seat nya. "Kanino yan?" "Para sa patay!" "Ah," wow yaman talaga nito para lang sa patay roses pa yung bigay, "tanga ka ba talaga o sadyang bobo ka?bwiset" aba! Siya to'ng nagsusungit tapos ako yung tatangahin niya? "Ano'ng problema mo? Ikaw yang nagsusungit dyan e. Ang ayos ayos ng tanong ko e." "Tss, sa tingin mo ba bibili ako ng rosas na yan para sa patay? Asan ang utak Sam?" Ugh nakakaasar na to! Ba't ba ganyan yan? "Aba! Malay ko, baka may patay sa inyo e." "OO! tang ina may patay! Patay na yung puso ko, patay na patay pa ako sa'yo, problema lang nakaka gago, tingin mo nagloloko ako." Totoo ba to'ng mga narinig ko? Saglit lang ayaw mag sink in sakin nung mga sinabi niya. "Nate. " "kung ayaw mo nyan akin na itatapon ko na lang." Baliw ba to! "May sinabi ba ako? Akin na. Gusto ko yan" inabot nya naman sakin tapos umalis na din kami.
Pagbaba ko sa kotse nya pagdatin namin sa school, tinawag nya ulit ako "sam" humarap ako at nakita ko'ng may hawak siyang paper bag tapos inabot niya sakin. "Ano to?" Tanong ko pero umirap siya "malamang plastic." Aish! Umamin kanina tapos babarahin nanaman ako, mag thathank you sana ako kaso wala na siya. Tinignan ko yung bigay niya at natuwa ako sa nakita ko, stuffed toy na bear, yung tulad nung nasa EK kahapon. Nakangiti akong naglalakad nang may marealize ako.
EK? Ibig sabihin nandun din siya kahapon? Di ako namamalik mata?
BINABASA MO ANG
Forever in Reality
Teen FictionTrue love? Happily ever after? Forever? sounds like lies diba? kasi hindi naman lahat nagkakaron ng magandang lovestory, e pano kung nahanap mo na yung tamang tao, pero ayaw mo pa rin mahulog? paano kung yung time na narealize mo'ng mali yung desisy...