Chapter 8

50 4 0
                                    

Chapter 8

(Sam’s POV)

Hindi ko na alam kung nananaginip ako o totoo pa rin yung mga naririnig ko. Si Nate at Kenji nag uusap? At ako yung topic?! Mahal ko si Kenji, pero ngayon, hindi ko na alam, hindi ko na rin alam kung bakit ganito pa din ako sa kanya. Naguguluhan na ako, pero still yung isip ko, ayaw na, ayaw na nyang maniwala pa sa mga sinasabi ni Nate. “Rational? How sure you are na ikaw ang tama, at yun yung tamang ginawa mo?” narinig kong sabi ni Nate, wag Nate, hindi ka rin nya paniniwalaan, sumagot si Kenji pero hindi ko yun masyadong narinig dahil nabaling ang atensyon ko sa pagkakahawak ni Nate sa kamay ko, mahigpit yun, na para bang seryoso siya sa lahat ng sinasabi nya. Naalala ko tuloy nung umamin sya sakin nung umuulan na gabi. Alam kong seryoso siya nung sinabi nya yun, pero ako yung may ayaw maniwala, ayoko na nga kasing magpaloko pa, paano ko malalaman kung ano’ng pinagkaiba nya sa ibang lalaki? Kay Kenji?

Hindi ko na narinig lahat ng usapan nila, basta napangiti na lang ako nung ilipat ni Nate yung ulo ko sa may lap nya at hinawan ng mahigpit yung kamay ko. At dahil din sa kanya, nakatulog ako ng mahimbing.

Alam kong hindi pa ako okay na okay, at worse, baka hindi na maging okay, pero Nate believed in me, unti unti nya kong tinutulungan makalimot, unti unti nyang binabalik yung saya sa buhay ko. Ang masama, unti unti nya rin akong tinutulak na mahulog sa kasinungalingan. Ang maniwala sa pag-ibig.

“Hoy!gising na aba! Tulog mantika e!” ano ba yan! Halimaw talaga to oh! Pwede namang mang gising ng hindi naninigaw diba? “eto na, eto na, pwede namang hindi sumigaw e.” naiirita kong sambit sa kanya. Pag lingon ko sa paligid ko, medyo nahiya ako, hindi nga pala kame nag iisa ditto. May kasama nga pala kame. “ehem, ehem” medyo napa ubo si kenji kahit na alam ko namang nagpapansin lang yon. I know you too well Kenji. Pareho naming binaling ang mga tingin naming ni Nate sa kanya,” parating na yung janitor, bubuksan na nila to maya maya.” Sambit nya habang, bakas nab akas sa kanyang pagmumukha ang lungkot, pero bakit? May mga hindi ba ko narinig na sinabi ni Nate sa kanya?

Makaraan pa ang ilang minuto ay nabuksan na ang kwarto, medyo nagulat pa nga ang janitor samin! Aba dapat lang! sino kayang dapat nagpapalit nan g doorknob ditto? Tsk,Ang laki laki ng school, doorknob lang hindi pa mapalitan?! “Sam, una na ako ha, ihahatid ko pa kasi si Nichole.” Sambit ni Nate nung nasa may gate na kami ng campus, ba’t kailangan nya pa’ng ihatid si Nichole? Ako? Hindi nya ako ihahatid? Medyo nalungkot naman ako nung narinig ko sa kanya ang mga salitang ‘paalam’ hindi ko na siya tinanong pa kung bakit nya ihahatid si Nichole, kasi sino ba naman ako para magtanong diba? Sadyang kaibigan lang naman niya ako, buti nga kung tinuturing nya pa akong kaibigan pagkatapos ng pagsusungit ko sa kanya. “Ehem ehem.” Pagkuha ni Kenji ng atensyon ko. Bakit ganun? Ang tagal tagal ko siyang hinanap, tagal tagal ko siyang iniyakan, at pinilit na mag kayos ulit kame, pero bakit ngayon parang wala lang. Parang normal lang? “uh.-“ yan lang ang nasabi ko, hindi ko din kasi alam ang pwedeng kong isagot sa kanya, kasi una sa lahat, hindi naman siya nagtatanong diba? “Hatid na kita sa inyo.” Pang aalok niya. Dapat ba akong matuwa? Kasi matapos ang apat na buwan na pangungulila ko sa kanya, eto na siya? Kaharap ko na?”Hindi na, okay lang, tsaka baka nag aalala na yung girlfriend mo sayo.” Sabi ko ng marahan, ni wala ngang emosyon yun, ewan ko ba, hindi ko na rin maintindihan yung nararamdaman ko. Nakita kong napangiti siya, that same damn smile that made me fall! Ayoko na! “Sam, wala akong girlfriend.” “ah, eh, hehe, sino si Allaine?” lalo pa siyang napangisi, damn! Yung mata niya! Nawawala na ulit! Pero bakit hindi na ako kinikilig tulad ng dati? “Allaine, is just a friend of mine.kaya ngayon, pwede na ba kitang ihatid sa inyo?” natatawa tawa pa siya nung sinagot nya yung tanong ko, pero pumayag na rin ako.

Ilang minuto pa ay nakasakay na kame sa convertible car niya. Kulay gray yun. At tandang tanda ko pa nung pinapangarap niya pa lang yun noon. NOON

Forever in RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon