Ang bilis yata ng oras ngayong araw na to, o dahil isang buong araw akong wala sa sarili?
Kasi naman si Nate, una sinundo ako, tapos nagbigay ng roses, tapos yung stuffed toy, tapos galing din pala siya kahapon sa EK, ano kasi, crush ko lang naman siya, pero bakit ganito? Aish!
"Nakakalunod ang iniisip ha" singit ni Pat "if I know gulong gulo na yan." Sabi naman ni Je, napabuntong hininga na lang ako "e kasi si Nate-"
"binigyan ka ng roses, tapos nalaman mo pa na nandun din pala siya kahapon habang nagdedate kayo ng Noah mo" pagpuputol ni je saakin
"wow ha! Kwento mo na buhay ko" sarkastikong sagot ko "e kasi naman sis, ang haba haba ng hair mo, kakatapos mo lang maka move on kay kenji may dalawang kapalit na agad." "E malay ko bang magkakagusto sakin yung halimaw na Nate na yun, tsaka di ko rin kasalanan na gusto din ako ni Noah" "grabe sam! Sarap mo sabunutan, haba na ng hair kapal pa ng face."
Minsan talaga maaasar ka na lang kausap tong mga to e. "E ano nga?" Tanong ko ulit, grabe ba't eto yung iniisip ko, may quiz ako bukas e, "hay sis, puso o isip?" Tanong ni Pat, "tanga, pinatay na puso nyan, sabog pa utak nyan pano ka'ng aasa na makakagawa yan ng matinong desisyon" sabi ni Je "aray ha! Ang hard mo ngayon" "ang tanga tanga mo kasi, dedma ka ng dedma sa mga lalaking dapat iyo. Noon okay na ako kay Jordan pero pinili mo si Kenji, tapos ngayon okay kame kay Nate pero nauna mo pa'ng payagan si Noah" ano daw? Jordan? "Si Jordan?"Nanlaki naman ang mga mata nya na para bang nagulat siya. "Uh, andyan na sundo ko, bye ingat" sabay takbo "anyare dun?" Tanong ko kay Pat, pero nagkibit balikat lang siya
"speak of the devil" sambit ni Pat, pero bago pa ako magtanong napansin ko na ang mabangong amoy sa likod ko. "Nate?" "Nope. Noah" paglingon ko si Noah nga, yiee! Ang gwapo talaga, ang bango pa "ba't ka nandito?" "Sinusundo kita, gala tayo? Dala ko naman kotse ko." Pero bago pa ako makasagot may humila na sa braso ko, pag tingin ko.
SI NATE, seryoso nanaman ang mukha, "hindi siya pwedeng sumama, may quiz siya bukas" ay oo nga pala buti pinaalala nitong halimaw na to, pero "uh, eh okay lang tara?"
Pinilit ko makawala sa hawak ni Nate pero ang higpit pa din "ano ba? Di ka nga pwede maglakwatsa at lumandi, may project ka pa." "Bro? Kelan ka pa naging tutor ni Sam" singit ni Noah sabay halakhak, "ngayon lang, may problema ka?" Ang sungit talaga nito,
"chill bro, baka atakihin ka ngayon malayo ang ospital." Biro ba yung sinabi ni Noah? E bakit biglang humigpit yung kapit sakin ni halimaw? Tsk, syempre biro yun "so, maybe busy ka, siguro next time na lang Sam." "Sige" ano ba yan, umalis tuloy, nalukot yung mukha ko sa pagtatampo hanggang sa makasakay ako sa kotse ng halimaw na katabi ko ngayon.
"Wag ka ng mag inarte dyan, baka nalilimutan mo, malapit na ang acquaintance party, di pa tayo ng rerehearsal" pagbasag ni halimaw sa katahimikan "kaya nyo na yun, magaling kayo" pabulong na sagot ko sabay irap at lukot uli ng mukha
"Kung mag iinarte ka lang dyan, eto oh" sabay abo't niya sa akin ng fries at burger! Uy ang sarap nagutom ako bigla, pero teka "ba't mo ko binigyan?" "Ayaw mo? Nagmamagandang loob na nga" sagot nya, ano ba to? Daig pa babaeng may dalaw sa kasungitan e
"nagtatanong lang, sungit e" bulong ko pero narinig yata "sa mcdo ka lang din naman nya dadalhin" eh? "Weh?" "Ako nagsabi sa kanya gusto mo dun" "e ba't hinila mo ko?" "Anong gusto mo? Paliparin kita? E may quiz nga tayo bukas, tapos kokopya ka nanaman sakin? Tss" hay ang sungit talaga.
Nanahimik na lang ako buong byahe pero nagulat ako ng mapansin ko na hindi kami pauwi sa bahay ko, kundi sa mansion niya ulet. Naalala ko tuloy yung unang beses na umamin siya.
"Ba't nandito tayo?" Tanong ko "nagtext sakin si tita, umalis sila ng mga kapatid mo, baka daw gabihin sila, dito ka daw muna" "e bat di na lang kila Red o Jordan o Richard?" "Choosy pa? Edi maglakad ka papunta sa kanila" masungit nyang sagot tapos naglakad na papasok sa mansion. Kung di ko lang crush to kanina ko pa nasapak to e. Ugh! Sungit
(Nate's POV)
nakaka asar kasi, ba' ba ang manhid manhid nitong babaeng to? Kala ko ba matalino to?Iniwan ko siya sa labas, nakakabwiset kasi e ang tanga tanga e, ang epic tuloy ng pag amin ko.
"Hoy Nate! Saglit nga!" Tawag nya pero di ko pa din pinansin, "hoy bingi ka ba?" Dagdag nya pa "hoy! Halimaw!" Tumigil ako para harapin siya "hindi ako bingi! Wag mo ko sigawan" inirapan nya naman ako, ang hirap naman sungitan nito e, kahit galit siya ang cute nya pa din "ang sungit mo, ano ba'ng problema mo?" Wrong question sam, gusto mo talaga malaman? "Ikaw! Ikaw ang problema ko! Dumating lang si Noah kinalimutan mo na ako!" Oh shoot ba't ko ba nasabi ko yun? Mali!
Tulala lang siya namumula ang mga pisngi at namimilog ang mga mata, kasi naman ang palpak ko. "H-hndi naman kita kinalimutan e," tumigil siya saglit tapos parang nagkaron ng courage, "e kasi naman, nakakainis ka na, ang sungit sungit mo para kang may dalaw, buti pa si Noah ang bait bait" nakaka bwiset naman talaga e, si Noah nanaman?
Tinalikuran ko na lang ulit siya dahilan para mainis nanaman siya.
Dalawang oras na yata siyang nasa guest room at ayaw lumabas, pinadala ko kay manang yung dinner niya kasi gabi na rin pala pero ayaw nya daw kumain, kung di naman talaga kalahati't tanga to, nag iinarte nanaman ano ba'ng ginawa ko?
Wala ka namang ginawa sinungitan mo lang. Tanga ka kasi
Hay konsensya naman pati ba ikaw?
"Hoy Sam" sabi ko habang kumakatok sa pinto niya "kung susungitan mo ulit ako pwedeng lumayas ka na?" Baliw to, ako nakatira dito ako pinalalayas?
Naglakad ako palayo sa pinto
(Sam's POV)
hay maraming salamat at tinantanan na ako ng halimaw na to, kanina pa katok ng katok nakaka bwiset e, ang ingay.Krukrukru
Shit, tyan ko! Gutom na pala ako? Eh ayoko kumain, makakaharap ko nanaman yung halimaw e, hay itutulog ko na lang to, ba't kasi ngayon pa umalis sila mommy e.
Pahiga na sana ako sa kama ng magbukas yung pinto
"Ba't ka nandito?" Inis ko'ng sabi sa kanya
"Tanga ka ba? Bahay ko to e." Sagot niya, nakakabanas to e,
"Lumabas ka nga dito!"
"shunga ka ba talaga? Guest room ko to."
"Nate?" Pareho kaming napatingin sa babaeng nagsalita
"Nichole" sabay naming sambit, dito pala to nakatira? Tss tapos dito ako pinatuloy
"Oh, hi Sam, nandito ka pala" sabi niya nang nakita ako, bulag siguro to, nakita na nga ako itatanong pa. Tsss
"Oo, pero pauwi na rin ako" sagot ko
"Ah." Tapos lumingon siya kay Nate na wala pa ring imik at mukhang naiinis
"Nga pala Nate, sabi ni tita samahan mo daw ako ngayon"
"Sa'n?" Tipid nyang sagot.
"Uh, alis na ako ha. Bye" singit ko bago ako tuluyang umalis at iniwan sila.
Ano ba yan? Ba't ako naiinis, ang korni ba't naiinis ako nang makita ko yung lintang yun na kausap si Nate. Ugh, ba't ang sakit ng dibdib ko?
(Nate's POV)
Umalis tuloy si Sam, nakakainis naman to'ng babaeng to e."Ano bang gusto mo?" Tamad at naiinis ko'ng tanong sa kanya
"Ay galit?"
"Ano nga?"
"Wala."
"Ano'ng wala?" Bwiset wala naman palang kailangan sisingit singit pa! Hay
"Nagseselos ako, kaya ako lumapit" nakangisi nyang sagot
"Selos? Bakit sino ka ba ano ba kita?" Natigilan naman siya sa tanong ko, pero di nagtagal ay ngumisi siya ulet
"Ex mo kaya ako, at mahal pa kita. Kay nagseselos ako. Eto naman" tapos ngumiti siya ulit at tinalikuran na ako.
bakit kasi sumunod pa siya dito e? Sasaktan at sasaktan ko lang siya. Mahal ko si Sam at di yun magbabago.
Paakyat na sana ako sa kwarto ko nang biglang sumikip ang dibdib ko, ang sakit ang hirap huminga.
Ano to? Bakit ngayon pa? Hindi to pwede. Shit!

BINABASA MO ANG
Forever in Reality
Teen FictionTrue love? Happily ever after? Forever? sounds like lies diba? kasi hindi naman lahat nagkakaron ng magandang lovestory, e pano kung nahanap mo na yung tamang tao, pero ayaw mo pa rin mahulog? paano kung yung time na narealize mo'ng mali yung desisy...