Chapter 16

8 0 0
                                    

(Sam's POV)
Nakaka antok naman sa classroom ngayon, anong oras na ba?

Napatingin naman ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Tatlong araw na ah? Ba't absent pa din si Nate? May practice pa man din, bukas na yung acquaintance, bukas kame kakanta, ano ba yan, kailangan namin magpractice mamaya.

"Huy, class dismissed na wala ka pang balak lumabas?" Bulong sakin ni Red

Dun ko lang narealize na wala na pala ako'ng kasama sa room, ako na lang at ang tatlong lalakeng alipores ko.

Dumiretso kame sa canteen.

"Nakausap nyo na ba si Nate? May practice mamaya" tanong ko sa kanila "hindi e, laging out of coverage area yung cellphone nya"

"Ano kaya nangyari dun?" Tanong ko ulit

"Ayiee! Nag-aalala?" Pang aasar ni Richard, hay etong lalaking to talaga wala ng ginawa kundi asarin ako e

"Tanga! Hindi ah, baka lang di tayo maka kanta ng maayos bukas ng gabi"

"Sus! Deny pa obvious naman" sagot nya ulit bago sumubo ulit ng kanin.

Hay, ano nga kayang nangyari dun? Ay ewan! Ba't ba ako nag aalala?

"Nga pala, nakausap ko si Trey kagabi, napa aga daw bisita nya dito" sambit ni Jordan

"Talaga? Kelan daw punta nya dito?" Tanong ni Red

"Baka daw next month, or kapag daw pinayagan siya ni tita, next week daw dito na siya"

"Oh? Wow, ayos yan, kumpleto ulit yung banda, ano plano natin Sam?" Tuwang tuwang tanong ni Richard sakin

"Kayo? Plano agad? Di nyo muna pagpapahingahin yung tao?"

"Sabagay. Pero mabalik tayo sa usapan. Pa'no rehearsal mamaya?" Tanong ulit ni Red sakin

Paano nga ba? Bakit kasi wala si Nate? Kung kailang kelangan tsaka wala. Tss

After lunch, pumasok na ulit kame sa klase, nakita ko si kenji sa usual seat ni Nate,

Ano nanaman kayang balak gawin nito?

"Hi Sam"

"Hi"

"Ba't wala si Nate?" Tanong niya

"Ba't mo tinatanong?" Hanapan ba ako ng nawawalang tao? Tss

"Wala lang, nagtataka lang." Sus, nagtataka daw, aawayin nya lang yun e

"Baka hindi siya makarating bukas" napatingin ako bigla

"At bakit?"

"Di mo alam?" tanong niya ulit

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Ang bobo naman kausap nito e

"Sabi kasi ni Nichole, 3 days ago daw sinugod sa ospital si Nate, mamaya pa lang siya lalabas ng ospital, tapos kailangan nya daw muna magpahinga ng isang araw." Paliwanag niya. Totoo kaya?

"Ah. Okay" ano nga naman isasagot ko dun? That was a dead end conversation

"Galingan nyo bukas ha. Maraming manonood" nakangiti nyang sabi sakin bago umalis na

Ba't ang hilig nya ngumiti ngayon? Nabaliw na ba?

Ba't kaya na ospital yung halimaw na yun?

"Okay class, gusto ko lang ipaalala sa inyo yung program bukas. Yung No exit ang kakanta. Nichole yung grupo mo be ready sa dance number. And Kenji, yung solo performance paki ready na din ha." Sabi nung teacher namin.

Talaga kakanta siya, at si Nichole sasayaw? Anong sayaw? Pole dancing? Hahahaa

(Noah's POV)
hindi ko alam kung matutuwa kayo kasi may point of view din ako.

Nakatingin lang ako kay Nate habang mahimbing ang tulog, akala ko naging maayos ang pagpunta niya sa states kaya siya bumalik ng pilipinas, but I guess I was wrong.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at nakita si Nichole. Dito din pala to nakatira ngayon.

"Kamusta na siya?" Tanong nya,

"He's fine. Kailangan lang daw ng pahinga at wag ma stress sabi ng doctor" i hate her too pero di ko naman pwedeng ipagkait sa kanya kahit ito'ng impormasyong to lamang.

Umupo siya sa tabi ko at tumingin lang din kay Nate. I know she loves him so much, I can see it by the way she stares at him. I know because I used to look at her like that. Too bad we're both players.

"Why did you do it?" Basag ko sa katahimikan, mukha naman siyang nagulat pero ngumiti na parang alam na niya kung anong tinutukoy ko,

"Do you even want to know?"

"Maybe, I want to know why"

"Useless din naman, wala namang naniniwala" sabi niya tapos yumuko.

"Try me Nich" sabi ko, it made her shrug

"Pareho kaming lasing ni Mike, nagpunta ako sa kanila because I was hoping to see Nate." She paused to look at Nate

"Pareho kame na masama ang loob nun kaya kame uminom. Well, you know me. I loved Nate so much, pero that night i was mistaken, sa sobrang hilo ko nun akala ko si Nate na yung kaharap ko"

Medyo naluluha na siya pero tinuloy nya pa rin ang pag kwento

"I kissed him. Yun lang nung una pero Mike never resisted. Wala ako sa katinuan, Mike resembled Nate so much. It was too late before we stopped, before I got back to my senses."

Tumingin si Nichole sakin, tears swelling. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong maniwala. Pero pa'no kung palabas nya ulit to? The way she made me believed she loved me too?

"Nakatayo na pala si Nate sa may pinto ng kwarto ni Mike, he saw it all. Ang sakit, ang tanga ko. Mike followed him to explain. But it happened. Mike died and I blame myself for that." Tuluyan na siyang humagulgol at di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya.

"Sshh. Tama na. I'm sorry i opened it up,"

"Ok lang. I've always wanted you to know that."

Nanatili akong nakayakap sa kanya hanggang sa nakatulog na siya, tapos dinala ko na siya sa kwarto niya bago ako bumalik sa kwarto ni Nate. Pero laking gulat ko ng makitang naka upo na siya.

"Hey, you're finally up. Musta pakiramdam?" I said cheerfully, pero nang tignan nya ko, puro galit ang nakita ko sa mata niya.

"So you've been my rival all along"

"What do you mean Nate?" He shrugged.

"Una kay Nichole. Tapos ngayon si Sam. Ano'ng gusto mo'ng mangyare Noah?"

If i'm correct, may gusto siya kay Sam?

Nginitian ko siya. Nichole was something but Sam is different. Di ako pwedeng matalo sa laro'ng nag uumpisa pa lang.

"Nate. Hindi ko inaakalang ikaw din pala ang magiging kalaban ko sa taong mahal ko. Well I'm sorry. I can't give her up that easily. Kung talagang mahal mo, ipaglalaban mo siya."

"Umalis ka na Noah, di ko kailangan ng mga traydor na kaibigan" sabi niya.

Tumalikod na ako at palabas na.

"Bawal ka daw ma stress sabi ng doktor. Your medicines are in your bag." Sabi ko pero wala siyang sagot

"I will have her Nate. I will" yan ang huli kong sinabi bago ako tuluyang umalis.

Tinuring ko siyang kapatid. But in times like this. It's hoes before bros. Mahal ko si Sam and I will have her no matter what.

Forever in RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon