Chapter 5
(Sam’s POV)
Hinintay kong makarating sa tapat ng room ko si Nate, the next morning, nauna na akong pumasok kina Red, pero ganun pa din yung tingin at paghanga ng mga tao sakin.
“Nate!” tinawag ko na siya nung Makita ko na siyang naglalakad, naka uniform na din siya ngayon, pero halata mo pa rin yung abs niya. Hahah, nako nahihibang na ako! Pero hindi siya lumingon sa direksyon ko. “Oy! Nate!” tawag ko ulit, this time napansin kong may babaeng nakasunod sa kanya. Naka civilian pa sya, so it’s either transferee siya or visitor lang din. Maraming tao na rin yung nakatingin sa kanila, habang ako? Nakatitig lang din, kasi pamilyar yung mukha nung babae. I took one step backward para na rin makapagtago sa mga mga tao, pero bago pa ako tuluyang umalis, nakita ko siyang napatingin sa akin, alam kong may gusto siyang iparating sa akin, pero hindi ko siya nagets, umiling siya sa pagkadismaya nung nalaman niyang hindi ko siya naintindihan, kaya lalong kumunot yung noo niya, habang yung babae sa likod niya e tuluy tuloy lang sa pagsunod sa kanya na parang aso.
After one hour….
Umupo na siya sa tabi ko, sa English class namin. Wala pa rin siyang imik, galit pa rin kaya siya sakin dail sa nangyare sakin kagabi? Ang O.A. naman niya. Nung pumasok na yung teacher naming, nagpakuha siya kaagad ng papel at may surprise quiz daw siya. “Tsk, nalimutan kong magbasa kagabi!” bulong ko sa sarili ko, and I cursed silently, pero I think narinig ko yung mokong sa tabi ko na tumatawa. “tumatawa ka ba ha?” tanong ko sa kanya ng pabulong, ayokong mapagalitan nanaman no! “what do you think am I doing?” he answered sarcastically, bwiset talaga to kahit kelan e. “ewan ko sayo!” yan ang huling sinabi ko, bago magsimula yung quiz. Siguro nasa test two na sila pero yung utak ko, naghahanap pa rin ng isasagot sa mga blangko ko sa test one, ano bay an, bakit kasi kahapon pa ako nagpuyat e. sumulyap ako sa katabi kong mokong, ang seryoso nyang tignan, alam kong alam niya lahat ng isasagot niya sa quiz, buti pa siya “mamaya mo na ako pagurin sa pagtakbo diyan sa kukote mo, pag nakahanap ka nan g isasagot mo sa quiz.” Naglat ako nung sinabi nya sakin yun, Bakit ba ang kapal kapal ng pagmumukha nitong taong to? “e sino ba may sabi sayo’ng iniisip kita ha?” tinigil niya saglit ang pagsusulat at nilingon ako “masyado ka lang ba talagang obvious o sadyang tanga ka lang talaga?” masungit na sambit niya sakin! E bakit ba naman kasi ang init ng dugo nito sakin ngayon? “ano ba’ng problema mo ha?” for sure, malapit na kaming mapansin ng teacher namin, pero lumapit nanamn siya sakin, bakit ganito? Bakit parang gusto ko na ulit mahulog? Ay hindi! Ayoko! Manloloko lang siya, “Ikaw Sam, ikaw ang problema ko.” Bulong niya sa akin, naramdamn kong bumibilis nanaman yung tibok ng puso ko, siguro dahil sa kaba? Na baka mahuli kame ng teacher namin? O kaba dahil alam ko sa sarili ko na pwedeng mahulog ako sa kanya? “Ms. Escalona and Mr. Madrigal, did we interrupt something?” nako! Eto na nga ba’ng sinasabi ko e, napakamot ako ng ulo, pero si Nate? As usual, tahimik lang, Edward Cullen lang ang peg? “Uh, sor-“ pinutol agad ni Nate yung explanation ko, “Sorry ma’am, hindi ko lang po kasi mapigilan titigan si Sam.” Lahat ng kaklase namin ay natigilan at lahat ay lumingon sa amin. Pati si ma’am medyo nagulat din sa sagot ni Nate, lalo naman ako, na napanganga lang. matapos ang ilang minuto e, medyo naka recover na si ma’am at ngumiti, “Mr. Madrigal, you can continue courting Ms. Escalona after the test.” Yung mga babae sa klase, medyo tulala pa rin, yung iba hindi maipinta ang pagmumukha, parang gusto nila akong sugurin, pero hindi nila magawa kasi Icon din ako ng school, habang yung mga lalaki naman, e medyo tulala lang. Nakita ko si Red na ngingiti ngiti na parang tanga sa first row at nag thumbs up pa ha, tapos nabaling ang tingin ko kay Jordan na nasa second row naman, nakangiti din siya at tila nang aasar din. Teka nga? Hndi naman ibig sabihin nun e may gusto siya diba? Galit nga siya sakin e, diba? Dahil sa ginawa ko kagabi? “ pwede ka ng huminga dyan, mukha ka ng natatae.” Bulong niya sakin, at para akong bulkan na gusto ng sumabog, naramdaman ko na din na namumula na yung pisngi ko, hindi dahil nag b blush ako, galit ako! Galit ako kay Nate. Tumingin ako sa kanya ng nanlilisik yung mga mata ko, “We’re not done yet.” Tapos umupo na ako at nag isip na ulit, maya maya pa ay napansin kong may sinusulat yung mokong sa tabi ko, e nakapag pasa na naman siya e, di bale, bahala siya. Pero napansin kong marahan nya yun’g ipinapasa sakin, tinignan ko siya, pero seryoso yung mukha niya’ng nakatingin lang sa harapan. Kinuha koi to at pasimpleng tinignan. Gusto kong matuwa! Ay teka, oo masaya ako at gusto ko ng magtatalon sa tuwa! Kasi naman, yun yung mga sagot silmula test one hanggang test three e! yes! Dali dali ko yung kinopya yun ng palihim.
BINABASA MO ANG
Forever in Reality
Teen FictionTrue love? Happily ever after? Forever? sounds like lies diba? kasi hindi naman lahat nagkakaron ng magandang lovestory, e pano kung nahanap mo na yung tamang tao, pero ayaw mo pa rin mahulog? paano kung yung time na narealize mo'ng mali yung desisy...