Chapter 6

47 3 0
                                    

Chapter 6

(Nate’s POV)

Hindi ako umuwi saamin, sa apartment ko ako tumuloy pagkatapos kong ihatid si Sam kagabi. six thirty na pala! Tae! Mag a audition nga pala ako sa banda nila mamaya! Napag isipan ko na kasing sumali sa banda nila, para mas mapalapit ako sa kanya and since may experience na rin naman ako about being in a band why not diba?

“Okay? Thank you, Red will just contact you.” Sabi ni Sam sa naunang nag audition. Hahaha for sure magugulat yun, hindi naman nya alam na mag a audition ako e. Buti na rin yun. “Sam! Break?” narinig kong tanong ni Richard sa kanya! “Yeah sure! Uy pabili naman ako ng kwek-kwek dyan sa kanto, tapos coke.” Sabi niya ulit kay Richard, haha, kwek-kwek? Anong klaseng pagkain yun? Ang panget naman ng pangalan nay un. “Ano Sam? Tuloy na ba?” Si Jordan naman yung nagtanong, grabe talaga parang napaka protective na rin nila sa kanya. “Maya maya na muna Jordan, kain na muna tayo?” nag agree naman siya kaagad, kinuha ko yung time na yun para i recall yung lyrics sa utak ko.

“Next?” narinig ko na yung boses ni Richard, kaya lumabas na ako sa stage, nakatalikod pa si Sam kasi umiinom pa sya, pero sila Red, halatang nagulat din, Sumenyas naman ako sa kanila na wag silang maingay kaya kumanta na ako.

“tonight  the candle lights the moon

Tonight it’s only me and you,

Your skin like gravity that’s pulling every thought of me

I saw you and I collide”

Napaharap na si Sam, and I swear, muntik na’ng masira yung kanta ko, nung naibuga nya yung coke na iniinom nya. Grabe nagtawanan na din sila Red, habang napangiti naman ako. Dahilan para mag hiyawan yung mga babaeng nanonood ng audition.

“what if I stay forever? What if there’s no goodbye?

Frozen more and more with you inside”

Nakanganga pa din si Sam, habang unti- unti ng nagiging wild yung audience! Nate yata yan noh! Tumatango na si Red at Richard, does that mean they want me in? Syempre! Ako pa.

“if you tell me the sky is falling,you see that the stars collide

The only thing that matters in my life

Is you and I tonight”

(You and I tonight by Faber Drive)

Tinapos ko yung kanta ko with The audience going wild, take note, Audition pa lang yan ha, what more kung sa mga school programs na?

“So?Sam?” si Jordan yung nagtanong sa kanya, siya na lang kasi yung hindi pa nagsasalita. Nginitian nya ako ng nakakaloko, nako, patay! Wag mong sabihi- “Okay thanks, Red will just contact you.” Tapos ngumiti na siya ulit, while I was rooted to my spot, tinignan ko si Richard and Red, pati na rin si Jordan, lahat sila nagpipigil ng tawa, “Seriously? Hindi mo ba nakita yung audience impact ko?” sabi ko sa kanya nung bumaba ako ng stage, “That is exactly my point Mr. Madrigal, too much attraction can cause chaos.” Nakita ko namang nagtatawanan na sila Richard! Langya to, ayaw pa ng audience impact? Ibang klase talaga tong babaeng to e. “And?! Walanjo ka Sam! Ayaw mo nun? Tsaka hindi ko na problema kung magkagulo yung mga audience noh! Kasalanan ko bang maging every girl’s dream huh?” Boom! Namula na siya, and hindi dahil nag blush siya, kasi galit siya. Hahahaha “Ang kapal naman talaga ng mukha mo noh? Ako yung judge dito, I am the one who has the right to decide.”sabi niya habang naka yukom yung kamay niya  “Then, let’s make it different? Why not make the audience decide?” inirapan nya ko, at akmang sasapakin ako!yiee, ang cute nya talaga.  “Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko? Ang sabi ko TATAWAGAN KA NA LANG NI RED!BINGI KA BA? SINABI KO BANG AYOKO?TSS.” hahaha, sumisigaw na siya, sila Red, patuloy lang sa pagtawa, “E YAN DIN YUNG SINABI MO DUN SA NAUNA SAKIN E! EDI AYAW MO NGA!” “Arghh! NATE MAGKAIBA YUNG TATAWAGAN SA AYAW KO! NAKA DRUGS KA BA PARA DI MAINTINDIHAN YUN HA?” tapos nag walk out na siya, lumingon naman ako kila Richard “Seriously dude? Ayaw niya?” tanong ko, tapos tinawanan lang ako ni Jordan, na lalo namang nag paingay ng crowd, “Pumayag yun dude, tahimik nga the whole time na kumakanta ka e.” sabi ni Red, habang nakahawak sa tiyan nya kasi hanggang ngayon tumatawa pa din “Oo nga dude, sinasabi ko na sayo, she loved it. Tawagan ka naming mamaya ha.” Sabin i Richard habang naghahabl pa din ng hininga kakatawa. Tsk, hindi lang pala si Sam yung may sapak e, buong tropa nya pala e.tsk tsk tsk

(Sam’s POV)

“tawagan nyo na nga yung mokong na yun, sabihin nyo, practice every Saturday and Friday after class.” Sabi ko kay Red pagkauwi namin. “ Hahaha, grabe nakakatuwa kayo tignan e, pano pa pag kakanta na kayo bro?” sabi ni Red sa kabilang linya ng telepono, at tumatawa pa din ang loko ha. “Ano Red, di maka get over?” “eto na eto na, tatawagan nap o. gagalit ka na e.” tumatawa pa din si Red nung binabaan nya ako ng telepono. Humiga na ako sa kama ko, at di ko namamalayan, naalala ko na pala yung nangyare kagabi? talaga ba’ng umamin siya?gusto ako ni Nate? Totoo bay un? O dahil malungkot lang siya? Kinuha ko yung teddy bear na regalo sakin ni Jordan nung nakaraang pasko, tapos umupo ako at hinarap yun sakin, “May gusto ba talaga siya sakin? Totoo ba yun? Uy, sumagot ka naman.” Pero tinitigan lang ako nung bear ko, malamang e stuffed toy lang naman yun e, humiga na ulit ako then sighed, “Hay nako, ano ba naman to’ng iniisip ko.” Bigla naman ulit tumunog yung cellphone ko, pag tingin ko si Red lang pala ulit, “Oh? Ano na?” tanong ko, tumatawa na ulit siya. “Bro, ayaw maniwala samin e.” “ha? Bakit daw?” “eto sabi nya ‘dude  I won’t believe you unless it’s her who told me.’ O diba? Bro, ininglish pa kame!” bwiset na lalake yan! Kailangan ba talaga ako pa? “wala akong load pantawag ihh.” Sabi ko, “teka, sabihin ko sa kanya.” “teka R-“ langya yan, binabaan na ako ng cellphone? Hay nako naman. Tinignan ko yung orasan, fife thirty pa lang naman pala e, maya maya tumunog ulit yung cellphone ko, text lang naman. Pag tingin ko three new messages agad. Pagbukas ko nung dalawa, e notification lang na naloadan ako. Ha? Sino nagload sakin? Pag bukas ko nung pangatlong message, unknown number.

From: ***********

Did you receive the load? Call me back

Huh? Sino ba to? Nagtype na din ako.

To:***********

Cnu po ito?

Tapos sinend ko na. ano ba naman yan, tatawagan ko na sana ulit si Red, pero nag reply na agad yung mystery textmate ko.

From:***********

Your future husband ;) hahahahha

E may sapak pala to’ng kausap ko ngayon e.

To:***********

Tsk, Wag mo na akong guluhin. :3

Huli na yan, di ko na rereplyan yan, nakaka sira ng gabi e.pero maya maya pa ay nag ring ulit yung cellphone, this time tawag na. yun pa din, di ko na pinansin pero thirty minutes na yung nakakalipas, tawag pa din ng tawag kaya sinagot ko na. ANO KA BA NAMAN Sam?!KANINA PA AKO TAWAG NG TAWAG DI MO SINASAGOT!TSK!” huh? Sino ba to? “Huh? Sino ka ba?” “SINO AKO?! SERIOUSLY SAM! HINDI MO TALAGA KILALA?! Ngayon, naguguluhan na talaga ako, sino ba kasi talaga to? “e sino ka ba kasi talaga? Ha?nagagalit ka, e di naman kita kilala, bababa ko na to!” “UGH! BWISET SAM! SI NATE TO!” ahh, kaya naman pala e,aba, pasensya naman e kung sinabi nya na lang agad diba? “Ahh, sorry naman, malay ko bang ikaw yung tumatawag?”  “tsk, kalimutan mo na nga! Ano? Pasok ba ako sa banda mo o hinde?” “Oo na, pasok ka na. tss, init ng ulo e.” I heard him sigh, finally kumakalma na rin. “What do you say Sam? You and I tonight?”

Huh? Hano daw?! E diba kanta nya yun kanina? Baliw na ba talaga to’ng lalaking to?

“ano?” yan lang naitanong ko, at para nanaman akong sumagot ng tawag straight from hell “WALA! Hayaan mo na nga! Thank you!”

Yung totoo? Kakalma tapos magwawala nanaman? Bakit ba kasi napaka hirap intindihin ng utak netong lalaking to? tapos niloadan pa ako, di naman ako nagpapaload. tss. 

 

 

 

Forever in RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon