Sa personal na karanasan man o sa mga kwentong nababasa at naririnig ko, madalas na kinamumuhian ang mga kabit. No one glorifies an extra-marital affair. Sa isang mapanghusgang lipunan, may justification ba talaga ang pagpatol sa may-asawa? May redemption pa ba ang isang kabit?
Dear readers, hindi ko ipinagtatanggol ang mga keptwoman sa kwentong ito. Pero gusto ko lang i-share sa inyo ang ilan sa mga pinagdadaanan nila, mga rason nila at ang mga malalalim na dahilan na nagsadlak sa kanila sa sitwasyon. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ni Georgina.
Para ito sa taong malapit sa akin na kahit hinusgahan at kinutya ng marami dahil sa pagiging kabit ay buong-puso ko pa ring inuunawa at minamahal. Sana mabigyan ka ng kaliwanagan ng kwentong ito.
BINABASA MO ANG
The Good Mistress
RomanceSa isang lipunang mataas ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng kasal, maituturing na isang social stigma ang pagpatol sa may asawa. Isang sitwasyong hindi kailanman maitatama ng isang justification o ng anumang rason. Ang baluktot ay baluktot. Ngunit...