CHAPTER IV

167 6 0
                                    

"MAKE sure you'll be fine. Fate is not done with us yet."

They both looked flustered. Nakasandal siya sa pinto ng kanyang unit habang nakaharap sa kanya ang binata. Mas nag-umigting ang init na hatid ng alkohol sa kanyang sistema nang madama ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang mukha. Lumikha iyon ng maliliit na kuryenteng gumapang sa kanyang balat.

"Kaya ko na ang sarili ko, Lorenzo. Ni hindi pa nga ako nalalasing talaga."

"You can't drunk yourself to death. It's fine with me na hindi mo inamin ang dahilan ng paglalasing mo pero kung anuman iyang sakit sa puso mo, mawawala rin iyan. Just sleep it off and you'll be good."

Bahaw siyang natawa. "Ganiyan talaga kayong mga lalaki, ano? Akala ninyo gan'un lang kabilis ang magmove-on o kalimutan ang mga problema. Itinutulog lang ninyo ang lahat."

Napangiwi si Lorenzo. "That's stereotyping, sweetheart. Masyado mo namang hinuhusgahan ang gaya ko. Ang bait-bait ko kaya. Hindi mo ba nakikita ang halo sa bunbunan ko?"

Muling kumawala ang tawa sa kanyang lalamunan. She could not count anymore how many times she laughed hard and genuinely the entire night. Hindi iyong pekeng tawa ng mga babaeng pinependeho ng kani-kanilang asawa. O tawa ng mga girlfriend na nagpapanggap na okay kahit tinu-twotime ng kanilang mga boyfriends. O tawa ng mga kabit na umiiyak ang puso.

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob upang gagapin ang magkabilang pisngi ni Lorenzo. May nagtulak sa kanyang gawin iyon. Like it was the appropriate thing to do. Mapungay ang mga matang hinimas niya iyon.

Must be the booze.

And the emptiness in her heart.

"Tell me, Lorenzo. How do you differ from the rest of the men population who take women for granted? Paano kang naiiba sa kanila?"

Hinawakan nito ang dalawang pulsuhan niya. "Why did you ask?"

"G-Gusto ko lang malaman."

Marahan ngunit iglap nitong pinagdikit ang mga noo nila. She could literally breathe him. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang kusang umagwat ang mukha ni Lorenzo. Malamlam ang mga matang tumingin sa kanya.

"I may not be different from them, Georgina. Hindi ako ang dream guy ng mga kababaihan. Hindi ako ang Prince Charming mga prinsesang naghahanap ng true love. Hindi ko alam kung ano ang pagkakaiba ko sa kanila but I could treat you differently. I made you smile and I could make that my mission in life."

Yumuko siya upang ikubli ang pagbalatay ng pait. Muling sinakop ng ala-ala ng pambabalewala ni Rick ang kanyang puso. Tinangka niyang alisin ang mga kamay sa pisngi ng binata ngunit mahigpit nitong kapit ang kanyang pulsuhan. Inangat niya ang mukha upang salubungin ang mga mata nito. Sa ga-dangkal na distansiya, sapat iyon upang mahinuha ni Lorenzo ang nasasalaming pangungulila sa mga iyon.

"Just one kiss, sweetheart. Hindi ko na mapipigil na hagkan ka. I'm aching for it and the hell I'm claiming it now."

"L-Lorenzo..."

Bumaba ang mga kamay niya nang iangat nito ang kanyang baba. He caught her face between his hands. Dinig niya ang paglunok nito ng hangin bago ang lahat.

Pagkadaka'y tinawid nito ang malapit na pagitan ng kanilang mga mukha. Uhaw ang mga labi nitong lumapat sa kanyang mga labi. There was hunger in the way his lips moved against her lips. Sabik nitong iginagawad sa kanya ang mga halik na iyon. Na para bang ang mga labi niya ay hindi na maaring hagkan ng iba. Like it was the last time they would kiss.

Na parang siya ang una at huling babaeng hahalikan nito.

Natangay siya sa epekto ng paglalapat ng kanilang mga labi. She started to breathe him, savored his taste. Her fully charged nerve endings exploded one by one as his kiss deepened. Gumapang ang init na dulot niyon sa kanyang buong katawan. Hanggang sa kanyang kaibuturan.

The Good MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon