CHAPTER III

205 4 0
                                    

AWKWARD silence befell them. May dinukot sa bulsa ang lalaki at inilabas sa wallet ang ilang identification cards nito. "Hindi ako masamang tao, swear! Kung kailangan mo ng police clearance, kukunin ko lang sa motor."

Iiling-iling na natawa si Georgina. Nilingon niya ang tinutukoy na fast food restaurant ni Lorenzo. Ang totoo ay balak niyang mag-take-out ng pagkain bago bumalik sa skin clinic pero tamang-tama ang pagkakataon. Sa pagmamadali kasi niya ay nakalimutan na niyang mag-almusal bago umalis ng condo kanina.

"Hindi mo na kailangang gawin iyon. Okay, sasama na ako. Gutom na rin kasi ako. Saka sagot mo naman, 'di ba?"

Lumapad ang ngiti ng gwapong binata. "Great. Gusto ko sanang i-try mo ang bagong burger nila. Ang alam ko nga ay ipinangalan sa'yo 'yun, eh." Anito habang magkaagapay na silang naglalakad patungong entrance door ng McDonalds.

"Pick-up line na naman ba 'yan?"

He gave out a lopsided grin. "Mukha ba akong hindi seryoso?"

"So, ano'ng pangalan ng burger?"

"McGorgeous."

Umalon ang dibdib niya sa pagtawa. Hindi dahil sa nakakatawa ang banat nito. Sadyang mababaw lamang ang kaligayahan niya ngayong araw na ito. Her funny bone was on full-alert. Siguro masyado lang niyang ini-stress ang sarili sa pag-iisip na nakalimutan na niyang tumawa. And it felt great, to find and hear herself laughing at the cheesiest jokes or pick-up lines. Gayunpaman, hindi maitago sa kanyang mga mata ang nadaramang kahungkagan.

Hindi burger ang solusyon doon ngunit tila guminhawa ang kanyang pakiramdam sa company ng isang lalaking estranghero pa sa kanya.

"Okay, let's go eat McGorgeous."


"YES, bro. Napatawag ka."

Nasa kalagitnaan ng paglilinis at pag-aayos ng bagong apartment na tutuluyan si Lorenzo nang sagutin ang tawag na iyon ni Dave.

"Alam kong busy ka pero alam ko ring magiging interesado ka sa sasabihin ko."

"If it's about lecturing me that Papa may be right, thanks, Dave. Magpipintura pa ako pagkatapos maglinis ng kusina."

"No, of course it's not about Tito Alfaro. Hindi ba kailangan mo ng trabaho?"

Napukaw ang interes ng binata. Itinigil niya ang ginagawang pagpupunas ng tiles ng lababo saka idiniin ang receiver sa kanyang tainga. "Tell me, just make sure it has nothing to do with screwing old married women."

Pumalatak ang nasa kabilang linya. "Pinagmukha mo pa akong bugaw. Seriously, baka lang makatulong 'to sa'yo. I know it's really hard for you, I mean sa transition ng bagay-bagay."

"Salamat, bro. So far I'm enjoying my new life without Papa maneuvering everything I do. Nagagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin na hindi naririnig ang pang-iinsulto niya." Naglakad siya patungo sa living area at naupo sa matigas na sofa. "So, what's this job you want me to know about?"

Saglit na natahimik ang kabilang linya. Dinig niya ang mahinang pagtikhim ni Dave bago ito muling nagsalita. "Three to four months lang ang magiging trabaho but the pay is really good. Fifty thousand a month plus allowances. You get to travel basta hindi lang dito sa Manila. Libre na rin lahat ng expenses habang ginagawa mo ang trabaho."

"Quite lucrative offer, huh?"

"I won't go into details. Mas magandang pag-usapan na lang natin nang personal ang tungkol dito. Pwede ba tayong magkita mamayang hapon? O ikaw na ang dumaan dito sa amin para makilala mo ang magiging employer mo? Ako kasi ang unang inalok niya ng trabaho kaya pupunta 'yun dito."

The Good MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon