"YOU'VE been thinking a lot lately, Gee. Iyon lang 'yun kaya kung ano-ano na ang nakikita mo. Hindi pa naman nagku-krus ang landas ninyo ni Bethany, hindi ba? Malay mo naman na napadaan lang siya o talagang pinaglaruan ka lang ng guni-guni mo kahapon."
Tinitigan ni Georgina si Brianna. "Kaya? Iba ang pakiramdam ko, eh. I have qualms that she finally found out about me."
"Come on, naging maingat ka naman sa relasyon ninyo ni Rick. Tulad ng hinala ko, baka nagkataon lang na napadaan sa tapat ng boutique mo ang sasakyan ni Bethany. Very coincidental but it's not nearly impossible."
Still not conviced, Georgina took a sip of caramel macchiato. "Yeah, baka nga nag-o-overthink lang ako."
"Anyway, who is this guy you mentioned a while ago?"
Pansamantalang nawala ang alalahanin ng dalaga. "His name's Lorenzo Javier Montalbo."
Nangunot ang noo ni Brianna. Parang may nais alalahanin. It took her a while before her friend could react. "I, uh...I heard that name before. Hindi kaya...is he into photography?"
Tumango siya. Sumunod ang walang tinig na "ahh" ng kaibigan. Pagkuwa'y sinuyod siya ng tingin habang humihigop ng kape nito. Saka nagsalita habang ibinababa ang tasa. "Kilala ko nga siya. Ang bastardo ng yumaong sikat na fashion stylist na si Laura Montalbo."
Si Georgina naman ang napakunot. "Bastardo? Ano'ng bastardo?"
"Hindi ba niya nabanggit sa'yo? Well, baka nga hindi siya naniniwala sa tsismis but this gossip is running around in social circles for quite some time now. Alam mo namang kapag ang tsismis ay hindi mamatay-matay, probability is that there are snippets of truth about it.
"Si Laura Montalbo, ang namatay na ina ni Lorenzo, dating theater artist 'yun. Naikwento saa akin ni Luis minsan. Pero ito ang catch. Si Laura ang sinasabing nagloko noon. Her marriage with Alfaro was arranged so she never really loved her husband. Sumama siya sa first love niya na kalauna'y naging kalaguyo niya..."
"May kalaguyo ang ina ni Lorenzo?"
"Yes. Si Lorenzo ang bunga ng pagtataksil ni Laura. Pero ginawa ni Don Alfaro ang lahat para makuha ang asawa niya. Binayaran niya ang lover ni Laura saka binantaan ang buhay nito nang hindi pumayag. Eventually, namatay rin ang pobreng lover dahil sa sakit. Prostate cancer, I heard. Don Alfaro loves her wife so much kaya tinanggap niya ito sa kabila ng pagtataksil nito noon. Inako na rin niyang kanya si Lorenzo."
Georgina felt ambivalent about it. Hindi siya basta naniniwala sa usap-usapan o tsismis. Ngunit hindi niya maiwasang ma-curious pang lalo sa pagkatao na mayroon si Lorenzo. Gumapang din ang awa sa kanyang dibdib para sa lalaki sakali ngang totoo ang tsismis.
"So, kumusta naman ang platonic relationship ninyo? Ni Lorenzo." Nakangising untag sa kanya ng kaibigan.
Andap pa ang ngiting hinarap niya ito. "Ano'ng klaseng tanong 'yan?"
"Ano'ng klaseng sagot 'yan? Is he good in bed? Dakota Harrison ba?"
Pinamulagatan ni Georgina ang kaibigan. Brianna was plain outrageous. She could not handle her sometimes. Hindi na muna siya umimik. Hindi niya kailangang i-depensa ang sarili sa pang-iintriga nito.
"What?" hindi natinag nitong pangungulit. "Don't feel guilty and act like you're a cheating wife, Gee. Hindi mo obligasyon ang maging matapat kay Rick. Halos dalawang linggo ka na niyang iniignora, dapat lang na maghanap ka ng dibersyon, no!"
"Lorenzo is just an acquaintance."
"I can hear "fucking buddies" between the lines." Nanunudyo ang mga ngiting pinukol nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Good Mistress
RomanceSa isang lipunang mataas ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng kasal, maituturing na isang social stigma ang pagpatol sa may asawa. Isang sitwasyong hindi kailanman maitatama ng isang justification o ng anumang rason. Ang baluktot ay baluktot. Ngunit...