CHAPTER VI

147 4 0
                                    

ISANG singkwentahin at matabang babae ang nagbukas ng gate ng malaking transient house. Agad siya nitong pinapasok sa loob dahil masidhi ang lamig nang gabing iyon. Malaki ang bahay. Ang alam niya at pinarerentahan ito sa mga turista lalo na kapag peak season at ngayong nalalapit na ang Panagbengga Festival. Pero nagbayad ng malaking halaga si Rick para masolo niya ang bahay sa ilang buwang pananatili niya rito.

"Ikaw pala si Georgina. Hindi naman sinabi sa akin ni Ricardo na maganda ang business partner niya na titira rito sa bahay. Ako nga pala si Melba. Tawagin mo na akong nanay Melba. Third cousin ko ang nanay ni Ricardo."

"It's nice meeting you ho, nanay Melba." Inilahad niya ang palad na nangiming inabot ng matanda. Napansin niyang palangiti ito bagaman wala na'ng mga ngipin sa harap.

"Halika, ililibot kita sa bahay at sa magiging kwarto mo habang naghahanda pa ng hapunan ang kasambahay. Dalawa lang kami ni Fidel na nakatira rito bukod sa dalawang kasambahay. Wala kasi kaming anak na mag-asawa." Kwento ni Nanay Melba habang nakasunod siya kung saan ito magpunta. Iniwan na muna niya sa living room ang isang maleta at isang travelling bag na tinulungang bitbitin ng isang kawaksi kanina.

"P-Pumupunta po ba rito si Rick?"

"Naku, hindi pa iyon nabibisita rito. Kapag umaakyat silang mag-asawa ng Baguio, sa hotel sila tumutuloy. Isa pa, hindi naman talaga kaming malapit na kamag-anak. Teka, nabanggit ni Ricardo na naghahanap ka raw ng lugar na pwede mong pagtayuan ng boutique dito?"

Tumango siya. So Rick took care of the details of her "purpose of stay". Business. Dahil business partners sila ni Rick, iyon ang pakilala ng lalaki sa kanya.

"Gaano katagal na kayong magkakilala ni Ricardo?"pagkuwa'y tanong ni Nanay Melba bago pihitin ng seradura ng pinto ng magiging silid niya.

"Three years na po."

Hindi na siya lumayo sa katotohanan.

"Three years? Aba, 'buti at hindi ka napagseselosan ng napangasawa niya. Ang ganda mo kasi. Pwedeng-pwede ka mag-artista."

Nasamid si Georgina sa sinabing iyon ng matanda. She immediately cleared her throat. "Thank you ho."

Binuksan na nito ang kwarto. Pagbukas ng ilaw ay namangha siya sa nakita. Wood finish ang kabuuan ng silid pati ilang furniture. Elegante ang pagkakadisenyo ng mga wood works. Maluwang din ang kwarto para sa kanya. Nakatambad ang maliit na living area na binubuo ng antigong mga upuan at lamesita. Nagsilbing partisyon ang mahabang bookshelf bagaman bukas ang espasyo patungo sa malaking kama na malapit sa glass panel. Derecho iyon sa balcony na overlooking sa malawak na backyard. Naaninag lamang niya iyon sa nag-iisang ilaw sa labas.

Saka na niya titingnan ang view paggising niya.


MAGILIW ang mag-asawa maging ang mga kasambahay na makakasama niya sa transinet house. Paano'y sabik sa bisita sina Mang Fidel at Aling Melba. Taal na taga-Baguio ang dalawa. Ang malaking bahay ang bunga ng pagtatrabaho ni Mang Fidel sa Saudi sa loob ng anim na taon, ayon na rin sa kwento nito. Ang ilang home improvements at finishing touches ay nagmula naman sa kita ng pagpaparenta ng ibang bahagi ng bahay at sa pagawaan ng strawberry jam ng mga ito.

Matapos ang masaganang almusal, kanya-kanya na silang nagpaalam sa isa't isa. Ang mag-asawa ay tutungo sa pagawaan. Maliit lamang daw iyon, kung tutuusin ay parang libangan na lang. Siya naman ay nagdesisyong maglibot muna upang bumili ng mga sweaters. Hindi niya akalaing masidhi ang lamig sa Baguio ngayon.

Nakahalukipkip siya habang namimili ng mga sweaters. Nakabili na siya ng apat. Sinamahan na niya iyon ng anim na bonnets. Isinuot niya ang isa.

Pagkatapos ay tinungo niya ang isang food kiosk upang bumili ng strawberry taho. Kumain na siya n'un kanina mula sa naglalako sa bahay. Nagustuhan niya ang lasa. Nilalantakan niya ang isang basong taho nang mabunggo siya ng isang matangkad na Koreano.

The Good MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon