CHAPTER VIII

183 7 0
                                    

MATANGKAD si Rick. Mas mataas lang ng isa o dalawang pulgada sa height niyang 5'11". He was probably in his forties. Gayunpaman, mababakas pa rin sa mukha nito ang charisma na kahuhumalingan ng mga babaeng mula sa iba't ibang age bracket. Mga katangiang nagustuhan dito ni Georgina o ng ibang babaeng nabola nito.

Sa isang restaurant sila nagtagpo ni Rick para sa magiging misyon niya. Dave had already given him the details of the job. Mula sa illicit relationship nito kay Georgina Oliver hanggang sa ilang detalye ng gagawin niyang pabor para rito. No, it was not a favor. He would get paid to do it. Gustuhin man niyang tumanggi ngunit may nag-udyok sa kanyang gawin ang ipinagagawa nito. It was definitely not entirely about the money.

"I'm surprised when my cousin Dave told me that you're doing the job. You're the son of Alfaro Montalbo. You need no job. Pero nang makita ko ang profile mo, naisip kong ikaw nga tamang tao sa misyong ito. You have connections. Or maybe, you can do it yourself." Panimula nito. Nauna pang ginalaw ang alak kaysa ang mga pagkaing nakahain sa kanilang mesa.

"Mind if I ask you why are you doing this? Pwede ka namang maging matapat sa kanya. Bakit kailangan mo pa'ng magsinungaling?" Hindi napigilan niyang tanong. May bumangong inis sa kanyang dibdib para sa lalaki. Para sa karuwagan nito. Para sa pagpapaasa nito.

Tumikhim si Rick. "Akala ko ay narito ka para gawin ang trabahong hindi ko magagawa, Lorenzo. I don't need to hear you sounding like nagging me off of what I intend to do. Ito lang ang naisip kong solusyon sa problema ko."

Natahimik siya. Nakalimutan niyang sa kaso ngayon, Rick was calling the shots. Trabaho lang, walang personalan. But for him, Georgina, was personal. "I'm sorry, kailangan ko lang itanong sa'yo. I believe you could spare her a little of her dignity."

Muling sumimsim ng alak ang lalaki. "Georgina and I met more than three years ago. She was young, vibrant and beautiful. Walang lalaking hindi mahuhumaling sa ganda niya."

Lorenzo believed so.

Muling nagpatuloy sa pagkukwento ang lalaki. "My marriage with Bethany was starting to fall apart. Madalas kaming mag-away dahil sa ama niya. Walang bilib sa akin ang biyenan kong lalaki. Somehow, it affected our marital relationship. Hindi dahil sa nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Siguro dahil sa halip na punuin ko ang pagkukulang sa relasyon namin, o sa mga sarili namin, naghanap ako ng ibang magbibigay sa akin 'nun. Georgina brought back my self-esteem. Iba siya sa mga nauna..."

"Did you ever love her?"

"There was this instance that I thought I fell for her wholeheartedly. Hindi siya mahirap mahalin. Katulad nga ng sinabi ko, may personal struggle ako noon and Georgina was right there to make me feel wonderful about myself. Minahal ko siya dahil doon. Ngunit hindi katulad ng pagmamahal ko kay Bethany."

"Bakit sinasabi mo sa akin 'to?"

"Gusto ko lang sabihin sa'yo ang rason ko bago mo ako husgahan."

Lorenzo felt she could not hear anymore. Nasasaktan siya para kay Georgina. She deserved more than what this man was telling him. He thought, she deserved the best. Just like her mother, Laura, Georgina deserved the best.

"Ano'ng kailangan kong gawin?"

Pomormal ang anyo ni Rick Sebastian. Humugot ito ng hangin sa dibdib saka ibinuga iyon. "Isinasalba namin ni Bethany ang aming pagsasama. I realized I cannot live without her. Maling hiwalayan ko siya para lamang i-redeem ang sarili ko. I decided to stick with my wife. Hindi sa anupamang dahilan. Kung hindi dahil sa mahal ko ang asawa ko. But I can't break Georgina's heart just like that. She's precious. Iba siya sa mga nakarelasyon ko na masaya na sa materyal na bagay na ibinibigay ko."

The Good MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon