CHAPTER VII

152 6 1
                                    

ACCEPT flowers but not hearts.

Rick was never into giving flowers save special occasions like the commemoration of the day they cheated on Bethany. O kapag mag-a-apologize ito gaya ng hindi nito pagsipot sa date nila noon. Romantiko ito pero hindi sa pamamagitan ng mga sweet antics na karaniwang ginagawa ng lalaki sa babae. She was a mistress. Sanay siyang i-appreciate ang mga kaya nitong ibigay sa nakaw na sandaling mayroon ito. Dahilan siguro iyon upang bumaba ang expectations niya sa mga lalaki.

"Baka maubusan na ng mga bulaklak ang organizers ng Panagbengga Festival." Biro niya habang tinatanggap ang long-stemmed pink roses na inaabot ni Lorenzo.

"Swerte na sa hotel na tinutuluyan ko, libreng mamitas ng bulaklak." Kinindatan pa siya nito bago iginiya sa naghihintay na sasakyan.

"May tsikot pa. You're starting to impress me."

"We can have this beauty until tomorrow morning. Gagamitin pa raw ito ng bride bukas ng alas-nueve sabi ng car rental company."

She let out a hearty laugh like she always did whenever she was around Lorenzo. Nangako ang binata na ililibot siya nito sa magagandang lugar sa Baguio. For three weeks already, Georgina agreed to meet with him twice or thrice a week. Alam niyang kailangan din nitong mag-focus sa proyekto nito. Bukas na mag-uumpisa ang Panagbengga at magiging abala na ang binata roon. Siya naman, ang alam ng lalaki ay busy siya sa itatayo "kuno" niyang business.

Pakiwari niya, sa loob lamang ng tatlong linggo ay malalim na ang nabuong "special friendship" nila. Madalas pa rin niyang naiisip si Rick pero nababawasan ang lungkot niya sa presensya ng bagong kaibigan. Minsan ay natatawa siyang isipin na nauna pa ang passionate kiss na pinagsaluhan nilang dalawa kaysa sa pagkapalagayan nila ng loob.

She was into breaking etiquettes lately.

Georgina knew Lorenzo wanted more than friendship. But she could not give more than that right away. She even surprised herself when she realized it was not about Rick, basically.

Ang pinangangambahan niya?

Ayaw niyang masira ang bond na mayroon sila ngayon sakaling malaman nitong isa siyang kabit. Na kaya narito siya sa isang malayong lugar ay upang magtago.

Natatakot siyang malaman nito na baka hindi siya ang babaeng nararapat dito. Oh my, why would she even entertain the thought?


GEORGINA missed being out in the open, lying on her back while watching the stars in a cold evening. Mahalumigmig ang gabi ngunit nakatulong ang init na nagmumula sa katawan ng isa't isa para magapi ang lamig. Nakasandig siya sa bisig ni Lorenzo habang pinapanood ang mga bituin sa kalangitan. Naglatag lamang sila sa damuhan ng makapal na kumot sa People's Park. Doon na rin nila kinain ang biniling mga kakanin katerno ng mainit na kape.

"Mind if I ask you something?"

Pumiksi si Lorenzo, yumuko sa kanya upang tagpuin ang kanyang mga mata. "Anything save any question implicating that I get paid for sex."

Tinampal niya ito braso. Ngunit agad ding sumeryoso ang mukha ng dalaga. Tumikhim muna siya upang bumuwelo. "P-Paano kung...mali ang pagkakilala mo sa akin?"

He raised both his brows. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Paano kung iba pala ako kaysa sa imahe ng babaeng nakikita mo sa akin. That what you think who I am is not the real me."

"Like if you're...married?"

Georgina chortled. Then her lips disappered into a sullen line. "No, I am not married." Pero pumatol ako sa may-asawa, nais niyang isatinig bagaman alam niyang kailangan niya ng ibayong lakas ng loob para gawin iyon. "Ganito na lang. What if I'm a bad person? Na marami akong ginagawang mali sa buhay ko? Sa buhay ng mga tao sa paligid ko?"

The Good MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon