Chapter 6

414 13 0
                                    

Her mouth gap in awe the moment she saw the Altamir’s residence. If the municipal building is big, then this house is in another level. Doon lamang siya nabalik sa realidad nang salubungin sila sa entrance ng mag-asawang Altamir. Muli ay napahanga na naman siya, dahil naman sa angking kagandahan at kagawapohan ng dalawang mag-asawa. Kung hindi niya lang alam na mga magulang ito ni Chill at Calm ay mapagkakamalan niya ang mga ito na magkakapatid lang. They look so young and definitely gorgeous.

“You must be Raindrop?” nakangiting salubong ni Mrs. Altamir. Bakas sa mukha nito ang pananabik na makita siya.

“Yes po.” nakangiti ring tugon niya.

“Oww you're so beautiful. Halika tuloy ka.” Nakaramdam naman siya ng hiya nang purihin siya nito. Ginaya siya nito papasok sa bahay –na hindi na masasabing bahay kundi mansyon na–.

Si Mr. Altamir naman ay nginitian lang siya, habang ang kasama niyang si Chill ay pangisi-ngisi lang sa gilid.

Pagkapasok ay roon itinuloy ang pagpapakilala. Pinaupo siya sa may dining table. Nakahanda na rin ang mga pagkain sa mesa dahilan kung ba’t siya biglang natakam. Mangha-mangha rin siya sa loob.  The place looks elegant, cozy and at the same time, classic. Medyo may pagkamodern din.

“By the way hija, I’m Soledad Altamir the mother of this home.” Pagpapakilala ng ginang sa kanya. Nakaupo na ito sa tabi niya.

“And I’m Gregorio Altamir. Welcome to the family hija.” Sabi naman ng ginoo na may ngiti rin sa labi. Katabi nito ang asawa. Feeling niya tuloy ay ipinapakilala siya bilang girlfriend ni Chill.

“You already know me Raindrop HAHAHA.” Si Chill na katabi niya.

Pabilog ang dining table, may isang upuan pa na walang nakaupo. ‘That must be Calm’s.’ sabi ng isip niya. Kung titingnan, parang kaharap na niya ang upuan ng binatang gustong iwasan. Wala pa ito na hinihiling niyang sana hindi nalang muna dumating.

“Oh, may isa pa kaming anak. He's Calm, ang panganay. I assumed na nagkakilala na kayo.” Napansin ata ng ginang na nakatitig siya sa blankong upuan.
Napatingin naman siya rito at awkward na nginitian ito. “Yes po. Nakilala ko na nga po ang mayor.”

“Mayor?” kunot noong sabi ni Mr. Gregorio.
Sasagutin niya na sana ito nang maunahan siya ni Chill.

“Opo dad. MAYOR.” May diing sambit ng binata.

“Ah Mayor. I see.”

Nagtaka naman si Raindrop. Parang hindi pa alam ng mga ito na mayor ng lugar nila ang panganay na anak. ‘Weird.’ Pinilig nalang niya ang ulo sa inisip. It doesn't make sense naman kasi.

Nabigla naman siya ng pasimpleng lumapit si Chill at bumulong sa kanya.
“Chill ka lang Rain.”

“I’m chill Chill. At kailan pa tayo naging close para tawagin mo ako sa nickname ko?” pabulong niya ring ani rito.
Mukhang hindi naman sila napapansin ng mag-asawa na nagbubulungan. Busy na kasi ang mga ito sa pagkain at pagkwekwentuhan.

“Ang haba kasi ng Raindrop kaya from now on, Rain nalang ang itatawag ko sayo.” napailing nalang talaga siya sa inaasta ng binata. Nagsimula na rin siyang kumain. Hindi na niya napigilan ang gutom.

Hindi niya napapansin pero pasimple na siyang inaakbayan ni Chill. Binibigyan pa siya nito ng pagkain sa kanyang plato. Kung titingnan sa malayo, para silang magkasintahan. They look so sweet.
Masiyadong nakatuon na ang pansin niya sa pagkain kung kaya’t hindi na niya napapansin ang pinaggagawa ng binata.

“Dahan-dahan lang. Baka mabilaukan ka.” sabi nito sakanya, pabulong.

Ganoong sitwasyon ang naabutan ni Calm. Kalmado itong umupo sa upuan nito na kaharap niya. Pero kahit dumating na ang binata ay hindi manlang niya ito napansin. Tutok pa rin siya sa pagkain.
“Ehem.” doon lamang bumalik ang atensiyon niya sa paligid nang marinig ang tikhim na iyon. Doon lamang din niya nakitang may nakaukopa na sa isang upuang nasa harapan niya.

Ang mag-asawa naman ay kinakausap na si Calm, si Calm na madilim na nakatingin sa kanya. Parang hindi nga nito naririnig ang sinasabi ng magulang. Kung makatingin ito sa kanya ay parang kinakain na siya nito ng buhay. Ang mga tingin nito’y parang nagsasabing ang laki laki ng kasalanan niya.

Nahihirapan na tuloy siyang lunukin ang nginunguya niya.
“Brother, don't be too hard to Rain. You're making her uncomfortable.” Sa sinabing iyon ni Chill ay mas lalo siyang nakaramdam ng panlalamig. The stare she's receiving became intense. Too much to bear.
‘What the hell he's staring at!?’ Tinanggal niya ang titig dito. Kahit ganun pa man ay ramdam na ramdam pa rin niya ang mga titig nito. Tagos sa kalamnan niya.

“Rain huh?” may diing sambit ni Calm.

“Calm anak, try this one. That's your favorite.” Pagbibigay pansin ni Mrs. Soledad sa panganay na anak.

Napahinga siya ng maluwag dahil sa wakas ay tinanggal na nito ang mga titig sa kanya at pinagtuunan ng pansin ang ina.

Pansin niya rin na lahat ng nakahain ay halos mga gulay. Yung ibang luto ay parang alternative sa karne. Kaya ganun na lang din ang pananabik niya sa pagkain dahil halos walang karne ang nakahain. She's a vegetarian that's why. Hindi niya naman kasi kayang sikmuraing kumain ng karne dahil nga sa animal lover siya at isa siyang doctor ng mga hayop. She can't afford to eat such precious creatures. It's also in her mindset that animals were meant to be taken care of not to be eaten.

Napatigil lang siya sa pagkain nang may kamay ang biglang nagpupunas sa kanyang pisngi. Tiningnan niya si Chill na medyo malapit na ang mukha sa kanya habang pinupunasan ang pisngi niya gamit ang mga kamay nito. Nakangiti rin ang binata na mukhang nag-eenjoy pa sa ginagawa.
“May dumi ng sauce sa mukha mo eh.” sabi nito matapos punasan ang mukha niya.

Siya naman ay nakatingin lang dito or more likely nakatulala na sa binata. She just can't explain why the sudden sweetness of Chill towards her.

The atmosphere suddenly change when Calm aggressively put his eating utensils on the table, grab Chill’s tank top and pull the latter outside of the dining area. Leaving her and their parents confuse.

His doctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon