Chapter 15

349 12 0
                                    

Raindrop compose herself after the sudden betrayal of her tears. She can feel that it isn't time to outburst her madness because there's something happening outside and she's so frustrated to know what it is.

“Ayos ka lang ba Rain?” nakuha ng atensiyon niya si Flower nang magtanong ito. Binalingan naman niya ito at nginitian.
“Ayos lang ako. Pero ano ba ang mayroon sa labas? Bakit parang may gulo?”

“Ah. K–kasi ano, full moon kasi ngayon at nagiging aggressibo yung mga lobo kaya hindi safe sa labas. Don't worry at nandoon naman sila alp–mayor para magronda.” Tila nakaramdam siya ng pangamba sa isipang baka may masamang mangyari sa mayor.

Hindi pa rin nawawala ang init na nararamdaman niya pero kaya naman niya itong ikontrol. Nagtataka lang talaga siya kung bakit nararamdaman niya ito.
May kakaiba na rin siyang nararamdaman sa bayan na ito. Feeling niya, napakamisteryoso ang lahat ng mga nakatira rito.

“Nga pala, Rain si Nick, asawa ko. Nick, si Raindrop.” pagpapakilala ni Flower sa kanya at sa lalaking kasama. Tiningnan lang niya ang lalaki at tinanguan. Ganun din ang ginawa ni Nick, nginitian siya at iniwas na rin ang tingin sakanya.

Bigla naman siyang napaigtad nang may kung anong kumalabog sa labas ng bahay. Parang sinisira na ng kung sino man ang pinto ng bahay ng kaibigan. “T–teka a–ano yun?” kinakabahan na talaga siya.

“His wolf completely took over him now.” mahinang bulong ni Flower na hindi naman narinig ni Raindrop.

“Lalabas muna ako. I'll check the situation outside.” saad ni Nick bago lumabas. Hindi manlang tinapunan ng tingin ni Raindrop ang lalaki.

Gustong magtanong ni Flower kung ano ang mayroon sa pagitan ng asawa at ng kaibigan. Pansin niya kasi ang tila malamig na pakikitungo ng dalawa sa isa’t isa. Lalo na si Rain. Pero pinigilan niya ang sarili dahil hindi ito ang tamang pagkakataon. Problema pa nila ang alpha na kasalukuyang nagwawala na sa labas ng kanilang tahanan.

Flower guide her to her room where she’s going to stay temporarily. Feeling niya ay subrang pagod na siya kaya pagkarating sa kwartong kanyang tutuluyan ay nahiga na kaagad siya habang si Flower naman ay iniwan na siya, hihintayin daw ang kanyang asawa.
Kinikilabutan parin siya sa mga nangyayari lalo na sa nararamdaman niyang init. Ngayon nga’y parang may nagsasabi sa kanya na lumabas at harapin ang kung sino man. Hindi niya talaga maintindihan. Parang nahihiwagaan siya sa sarili niya.

Isa pa sa mga bumabagabag sa isipan niya ay si Nick na asawa ng kaibigang si Flower. Napakaliit naman talaga ng mundo. Hindi niya inaasahan na sa ganitong pagkakataon pa talaga sila magkikitang muli. Hindi rin siya makapaniwalang may asawa na ang lalaki. It's just been 2 years since he leave her hanging then malalaman niyang may asawa na ito at mag tw-two years na rin. Ang dami niyang tanong at si Nick lang talaga ang makakasagot.

Nakatulog na lang siyang gulong-gulo ang isip at may bigat na nararamdaman.

Meanwhile, Calm can't control his heat anymore. All he think right in this moment is to mark his mate. His wolf take over him now.

“Mate.” Ang palaging inuusal ni Calm habang nagwawala sa labas ng bahay ng kanyang delta. Gusto na niyang masira ang pintuan ng bahay upang mapuntahan lang ang babaeng itinakda sa kanya. Amoy na amoy niya ang napakabangong amoy ni Raindrop na mas lalong nagpapawala ng kanyang isip.

Pinipigilan siya ni Nick pero hindi nito kayang talunin ang lakas ng isang alpha. Tinutulungan na rin ni Flower ang asawa upang siya’y mapigilan subalit nalalamangan pa rin niya ang dalawa.
Wala na ngang nagawa ang mga ito lalo pa’t tuluyan na siyang nakapasok sa bahay.

Mabilis niyang sinundan ang amoy ni Raindrop at natagpuan niya nga ito sa isang silid. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa’t binuksan na niya ng marahas ang pinto dahilan upang mapabalikwas ng bangon ang dalagang tila nasa panaginip pa rin ang diwa.

“C–Calm?” mahinang sabi ni Raindrop. Akala niya ata’y nananaginip pa siya.

Pero hindi. Nasa harapan na nga niya ang binata at ang hindi niya maipaliwanag ay ang malagintong mata na naman nito.

Nagulat na lamang siya nang bigla itong pumaibabaw sa kanya at biglang hinalikan ang kanyang leeg.

“A–anong g–ginagawa mo?”

“Mate, my mate. You're mine. Only mine.”

“A–ano ba iyang pinagsasab– AAAAHHHH!” hiyaw niya nang bigla nalang may dalawang pangil ang bumaon sa kanyang leeg.

His doctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon