Mabilis na nahabol ni Thunder ang papatakas na rouge. Sa oras na kanya itong napang-abotan ay walang kaabog-abog na pinugutan niya ito ng ulo. “Merciless eh.” komento ng asawang si Sunset.
“Hindi naman talaga dapat pinapakitaan ng awa ang mga katulad nila.” sagot niya sa asawa.
“I know.”
Matapos ang misyon ay bumalik na kaagad ang mag-asawa sa headquarter na pagmamay-ari naman din nila. Pagkarating ay agad agad na nagpahinga ang dalawa sa kanilang kwarto.
“Hon, kumusta na kaya ang dalaga natin?” Si Thunder habang inaalala ang anak na si Raindrop.
“She’s fine I know.”
Tama, si Raindrop ay anak ng kilalang Rogue hunters na sina Thunder and Sunset Illama. Thunder is known as Kidlat and Sunset as Araw. Ang Illama ay tanyag na talaga sa pagpupuksa ng mga rogues mula sa iba’t ibang lahi —mapa-lobo o bambira—. Rogues na walang ginawa kundi gumawa ng gulo. Ang secret organisasiyon na pinamumunuan na ng ilang siglo ng mga Illama ay responsable sa balanse ng mundo. Kahit tanyag ang organisasiyon nila ay walang sino man ang nakakaalam kung sino at ano ang mga namumuno. Ang alam lang ng lahat ay isa itong organisation para sa mga rogues. In short, walang may alam na ang mga Illama ang namumuno rito. The organisation is simply called Rogues’ Nemesis.
Raindrop on the other hand don't also know their family background. Alam lang lang niyang weird ang mga magulang niya. Kung kumustahin siya’y nabibilang lang.
“Do you think kailangan na ni Raindrop malaman ang tungkol sa atin?” tanong ni Sunset sa asawa.
“Hindi niya kailangan malaman hon. Hindi ko gugustohin na mawala sa kanya ang normal niyang buhay.”
Napangiti nalang si Sunset sa sagot ng asawa, “Miss ko na siya.”
“Me too hon, me too.”
***
“Calm naman eh. Bilisan mo naman yang paglalakad mo! Bagal bagal.” si Raindrop sabay hila sa kamay ng kasintahan.
Kasalukuyan silang naglalakad papuntang sinehan. Release kasi ngayon ng bagong paboritong series ni Raindrop. Mukhang napabuti ang hindi niya pagpasok sa trabaho.
“Pag ito hindi ko maabotan ang opening isang linggo kitang hindi papansinin makita mo.” panenermon niya habang patuloy pa ring naglalakad na hila-hila si Calm.Tahimik na lang din nagpapahila ang binata habang ‘di mapigilan ang pag ngiti.
“Cute.” saad pa nito. Calm keeps staring on their hands while walking. He really feel the kilig and seems like the surrounding are in slow motion. Mas lalo tuloy siyang napangiti.He then intertwined their hands and Raindrop are too oblivious about it. Doon lamang ito napansin ng dalaga ng makarating sila sa loob ng sinehan at makaupo sa kanilang puwesto.
Babawiin na sana ni Raindrop ang kamay niya pero hindi niya na magawa dahil ayaw na nitong pakawalan ni Calm.
“I wanna hold your hand for the entire time, so lemme. Shall we?” saad pa nito habang nakatingin ng diretso sa kanya.Hindi niya alam pero talagang ang lakas lakas ng pintig ng puso niya. Para ngang lalabas ito sa ribcage niya eh.
“S—sige.”Nagsimula na ang palabas at nasa movie na ang buong atensiyon ni Raindrop. Habang ang binata naman ay nasa dalaga lang ang tingin na tila ito ang palabas.
“Calm nasa harapaan ang palabas hindi ako.” kahit nasa movie na ang atensiyon ay hindi pa rin niya mapigilan na mapansin ang pagtitig ni Calm.“Nah. Your beauty is indeed the movie I wanted to watch over and over. And in that movie, I could clearly see the whole plots.” Simula nito na siyang ikinalingon ni Raindrop dito.
“S—sira. Hindi ako kinikilig hah!” nasabi na lang niya na ikinatawa ng mahina ng binata.
“Seems like nakikita ko na ang ending ng palabas mo. Palabas na kasama ako hanggang sa pagtanda mo.”
Mukhang hindi na talaga makakapag focus sa panonood ang dalaga.
Ganoon na nga ang nangyari, natapos na lang ang movie na wala siyang may naintindihan.
Paano ba naman kasi itong kasama niya ang daming pagpapakilig na ginagawa. Gustohin man niyang magfocus pero hindi mangyariyari.Sa buong oras na nasa loob sila ng sinehan, ang ginawa lang ni Calm ay sumandal sa kanya at paglaruan ang mga daliri niya. Tapos minsan ninanakawan siya nito ng halik sa pisngi at pag sinasaway niya ay umaarte lang ito ng painosente.
Habang nasa kalagitnaan ng movie ay may inilabas itong bracelet sa bulsa nito. Couple bracelet. Isinuot ito sa kanya at nagpasuot din ito sa kanya. Ang bracelet niya ay may initial na L.R habang ang bracelet naman ng binata ay may initial na A.C. Nagkomento pa nga siya na pambata raw ang mga galawan nito, tuloy ay nakatanggap siya ng halik sa labi na nagpatahimik na sa kanya the entire time —na siyang dahilan ng tuluyan niyang hindi pagkakaintindi sa pinapanood.“Ano pala ang meaning ng L.R?” naisipan niyang itanong dito.
Naglalakad sila ngayon papunta sa isang fast food chain.
“Luna Raindrop.”
“Ang pangit.” nakatanggap tuloy siya ng masamang tingin.
“Huwag kang magalit, sinasabi ko lang naman na pangit talaga ang pinagsamang Luna at Raindrop. Hindi bagay. Pero dahil bigay mo, maganda siya. Promise, I'll take care of this.”
“Hm.”
“Yung A.C?”
“Alpha Calm.”
“Yan ang bagay.” at napangiti na lang siya bigla.
“I really did not expect na may ganyan kang side. I mean, ikaw nakaisip ng ganyan kakorning initials? Hehe.”
Tumigil sa paglalakad ang binata dahilan upang mapatigil din siya.
Hinarap siya nito at bigla-biglang hinalikan siya sa labi. Binitawan lang siya nito ng pareho na silang kinapos sa paghinga.“C—Calm ano ka ba!? Ang daming tao.” pasigaw niyang sabi sa mahinang boses. Namumula na rin ang mukha niya sa hiya lalo na’t may iilan talagang nakatingin sa kanila.
Nginitian siya nito at sumagot, “I’m just being corny.”
Hinawakan na lang niya ang namumulang pisngi. Maya-maya pa’y hinila na siya ni Calm.
“Tara na. Wag mong hayaang gutomin ka ng kilig mo. Ginugutom na rin ako.” saad pa nito. Nanahimik na lang siya, wala na siyang maisagot eh.
BINABASA MO ANG
His doctor
WerewolfRaindrop is a passionate vet who fortunately-b'coz she likes it- been assigned to a medical mission in the very rural area. That's the Altamir pack. A place where she thought everything was normal until the day of werewolves festival. That was also...