Chapter 32

68 1 0
                                    

She weaved a goodbye before entering the house. Nagkaroon ng agarang meeting si Calm kung kaya't napilitan itong bumalik sa kanilang pack.

Pagkapasok ni Raindrop sa kanyang bahay ay sinalubong kaagad siya ng kanyang mga alagang pusa. Binati niya naman ang mga ito. Nagpahinga ng kaunti bago ang mga ito pinakain.

Alas dos palang ng hapon kung kaya't naisipan nalang muna niyang matulog, kaya after niyang magpakain sa kanyang mga babies ay humiga na nga siya sa kanyang kama, ilang minuto nga lang ay nakatulog na siya.

Alas siyete nang siya ay magising. She heard noises, specifically in her kitchen. Nagtataka siyang bumangon at pumunta sa kusina.

"Ma! Pa!" Saad niya nang makita ang mga magulang na abala sa paghahanda ng dinner.

She's happy seeing them, really!

"Oh honey! Buti at nagising ka na, kaunti nalang at maluluto na rin ang mga 'to." sabi ng mama niya, habang may hinahalo-halo at nakangiting lumingon sa kanya. Ang kanyang papa naman ay linapitan siya at pinaupo sa may mesa.

Nakangiti niyang sinalubong ang mga ito. Beneso niya muna ang papa niya at pumunta sa likuran ng ina.

"Mukhang masarap ah!" komento niya sa niluluto nito.

"Siyempre masarap 'yan 'nak. Aba'y limang taon ang ginugol ng mama mo bago niya ma-master ang pinakbet na 'yan." Pang aasar ng ama na nakaupo lang.

"Kung bibig mo kaya ang i-master ko noh Kidlat?" pinandilatan naman ng mama niya ang asawa nito.

"Easy!"sabay taas ng kamay, tanda ng pagsuko.

Tiklop

"Anong oras po kayo dumating?" tanong niya sa mga ito, na nagpatigil sa bangayan ng dalawa.

"Around 4 'nak." sagot ni Thunder.

"Ahhh. Ba't hindi niyo manlang ako ginising?"

"Ang sarap ng tulog mo eh." Sabi ng ina. Habang sinisimulan nang ihain ang pakbet sa mesa.

"Pasalubong ko nasaan?"

"Wala." Sabay sabi ng mama at papa niya.

Sinimangutan niya naman ang mga ito.
"Hala! Ang daya naman. Wala talaga?" Nagtatampo na niyang ani.

"Joke lang 'nak. Nasa malleta ko pa, mamaya." Sabi ng ina.

"Yaaas!!" Siya.

Mayamaya pa'y nakahanda na ang lahat sa hapagkainan at nagsimula na silang kumain.

A doorbell suddenly rang while they’re in the midst of dining. Tumayo si Raindrop upang tingnan kung sino ang nasa labas at laking tuwa niya nang makita ang best friend na si Bran kasama ang asawa at anak nito.

“Omg! Pasok pasok!” Ang laki ng ngiti niya habang pinapasok ang mga kaibigan. Kinuha niya naman ang anak ng mga ito.

“Hello baby, namiss ka ni tita.” 

Nakipag laro siya sa anak ng mga ito habang papunta sa dining.

The dine hall filled with laughter as soon the married couple arrived with their cute baby, Brandon.

Pagkatapos kumain ay nagkaroon silang magkakaibigan ng kaunting inuman, habang si baby Brandon naman ay natutulog na kasama ang parents ni Raindrop.

“God! Biglang umingay itong bahay ah. Namiss ko talaga ‘to.” Komento ni Raindrop sabay inom.

“It’s been awhile na rin simula ng bumisita kami sayo, namiss kita Rainy.” Sincere na saad ni Eliptica habang malungkot na ngumiti sa kanya –na hindi naman niya pansin.

“I missed you too Eli, may buhay asawa kana kasi ehhh kaya ‘di na talaga tayo nagkakaroon ng girl bonding. Till now, hindi ko pa rin maintindihan bakit ka nagkagusto kay Bran. Still a mystery pa rin hahahaha!” biro niya na kaagad naman siyang nakatangap ng batok mula sa kaibigan.

“Ang sama mo talaga saakin.” Saad naman ni Bran na pinagtawanan lang niya kasama ng asawa nito.

“How’s life pala Rainy? Is there someone already?” Tanong ni Eliptica na may tinig ng panunukso. Tuloy ay parang bigla siyang namula.

“OMG!!! So there is!! Who!??” patuloy nito ng mapansin ang pamumula niya.

“Well, Bran already met him.” Saad nalang niya na may kauting hiya.

“Ahh… the alpha…” mahinang saad ni Bran na narinig naman nilang dalawa ni Eliptica.

“Alpha? What do you mean?” tanong niya.

“Huh? Anong alpha?” tanong rin nito sakanya.

“Sabi mo the alpha, so ano ibig mong sabihin?”

“Wala akong sinasabing ganoon woy!! Lasing ka na, kung ano-ano naririnig mo.”

Nag agree nalang siya sa sinabi ng kaibigan, lasing na nga ata talaga siya. Kung ano-ano nalang naiisip niya na kesiyo alam ni Bran ang tungkol sa lahi nila Calm.

Habang si Eliptica naman ay biglang tumahimik.

‘Right! I almost forgot Raindrop is the Alpha’s mate. How funny knowing your friend is connected to those worthless creature.’ Eliptica’s thought.

Bigla-bigla ay yinakap niya si Raindrop at umiyak ng umiyak sa bisig nito. Si Bran naman ay malungkot na tinitigan ang dalawa.

“Hey Eli!! What’s wrong? Shhh okay lang yan.” Gulat man sa biglang kinilos nito ay hinayaan nalang muna niya ang kaibigan na manatili sa yakap nilang dalawa.

“I’m so sorry Rainy. Sorry talaga! Bakit naman kasi ikaw pa.” Sabi ni Eliptica na hindi naman niya mainitindihan. Naisip nalang niya na lasing na talaga ang kaibigan.

“Shhh I’m fine, no need to say sorry.” Siya habang hinihimas ang likod nito. Maya-maya pa’y nakatulog na si Eli sa mg bisig niya.

Kinuha naman ito ni Bran at dinala sa guest room ng bahay ni Raindrop. Napagpasiyahan nalang nila na dito nalang sa bahay niya magpalipas ng gabi ang mag-asawa. Hindi na rin naman safe lalo pa’t nakainom ang mga ito at may kasamang bata, at hindi rin naman niya hahayaang umuwi pa ang mga ito sa ganitong dis-oras ng gabi.

“Pasensiya ka na sa kinilos ng asawa ko pangit. Lasing lang at kung ano-ano na ang sinasabi.” Sabi ni Bran ng mailapag si Eliptica sa kama.

“Naiintidihan ko pangit. Sige na at matutulog na ako. Good night.”

“Hmm, night.”

****

His doctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon