Pagkababa sa sasakyan ay paspasang pumasok si Raindrop sa building. Tila kailangan niya ng napakaraming hangin dahil parang aattakihin ata siya sa puso.
Sa harap ng binata ay nagpapakafeeling strong siya pero ang totoo’y sa loob loob mukhang siya’y bibigay na.
“Jusko ang ganda ko naman talaga. Akalain mong ang gwapo gwapo ng naghahabol saakin. Accckkkk!” kausap niya sa sarili. Hindi niya pansin pero kitang-kita ang kilig sa kilos niya.
“Hoy! Ginagawa mo? Para kang bulate diyan!” pukaw ng katrabaho niyang si Rem at sinabayan siya sa paglalakad.
Napatingin siya rito at nginitian, “Ah hehe wala naman. May naisip lang.”
“Jowa mo?”
“Huh?”
“Tinatanong ko kung jowa mo iyang naisip mo.”
“No way.”
“Aysus.”
Nag-usap lang sila ng kung ano-ano hanggang sa marating na nila ang kanya-kanyang puwesto sa trabaho.
Normal na araw ang lumipas para kay Raindrop. Alas sais na ng gabi nang matapos ang duty niya sa hospital at ngayon ay kasalukuyan siyang nagluluto ng haponan habang ang lahat ng mga alagang pusa niya ay nasa mesa, pinagmamasdan siya.
Sa totoo’y kahit papaano ay nababawasan ang lungkot sa loob-loob niya dahil sa mga alaga niya. Hindi man niya aminin ay namimiss na niya ang buhay niya sa Altamir pack, lalo na ang mga naging kaibigan niya roon.“It’s been days since I left there. Hindi manlang ako nakapag-paalam kay Bulaklak. Haays!” kausap niya sa sarili habang nakatulala. Tuloy ang piniprito niyang talong ay nasunog. Napansin lamang niya ito nang maamoy ang nasusunog.
“Ahhy sheeeet! Sayang ang tatlong talong!” dali-dali naman niyang inayos at tinapon ang nasunog na talong.
“Sheeet! Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?!” pagkalingon niya kasi sa may mesa ay may kalaro na ang mga pusa niya.
“Parang hindi ka na nasanay. Hoy pangit, best friend mo ata itong kaharap mo.”
“Sinasabi ko naman sayo Bran na tigil-tigilan mo ‘yang hobby mong bigla-biglang pumapasok sa bahay ko na parang magnanakaw. Ang totoo, may lahi ka bang magnanakaw?” nakapamewang na siya rito at tinuro-turo pa ito gamit ang sandok.
“Hindi ako sure, pero baka meron nga.”
“Tsk. Oh siya dahil nandito ka rin naman ito yung sandok kunin mo. Ikaw na ang magprito nitong mga talong na ‘to.” paglalahad niya sa sandok.
“Sana ‘di na lang ako nagpunta rito. Wrong timing itong pagbisita ko.” reklamo ni Bran pero kinuha rin naman ang sandok at nagsimula na ring magprito.
Siya naman ay umupo na sa kaninang inuupuan ng kaibigan.
“Naisipan mo atang dumalaw? Anong hangin?” pagkakausap niya sa kaibigan na ngayo’y nagsisimula nang magprito.
“Namiss ko lang kapangitan mo.” sagot naman nito na inismiran niya.
“Sagot ba yan ng matinong tao?”
“Of course. Tanong ba yan ng matinong tao?”
“Lol! Parang tanga naman ‘to. Hoy kinakausap ka ng matino hah.”
“Sige.”
“Ang totoo nga? Ba’t ka pumunta rito ng ganitong oras? Kumusta na si Elíptica? Ang inaanak ko? Bakit ikaw lang ang dumalaw rito? Sana sinama mo na lang sila.” Sunod-sunod na tanong niya rito.
“Dahan-dahanin mo nga lang yang bibig mo. Bukas dadalaw sila. Saka may dinaanan ako malapit dito at tutal malapit lang itong lugar mo kaya nagpunta na ako.” sagot nito habang nagpriprito pa rin.
Natapos na rin magprito ang binata at umupo na ito paharap sa kanya. Bigla naman siyang natense kasi bigla ring nagseryoso ang mukha nito.
“Rain alam kong napalapit na ang loob mo sa mga taong nakilala mo sa Altamir pack, pero maniwala ka saakin kalimutan mo na sila.”
Sa sinabi ng kaibigan ay nakaramdam siya ng kaba. Anong alam nito?
“Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo?” seryoso na rin siya.
“I mean wala ka na roon diba? Kaya kalimutan mo na kung ano man ang koneksiyon mo roon. Move on ka na.”
Pinagtaasan naman niya ito ng kilay, “You’re being weird Bran. Like huh? ‘d kita gets.”
“Tsk. Knowing you, madali kang maattach at pagnaaattach ka sa isang tao o sa isang lugar ang hirap mo makamove-on. Baka gabi-gabi umiiyak ka dahil sa weird mong attachment, eh di nadepress ka. Pagmadepress ka hihina katawan mo, at paghumina ang katawan mo, mamamatay ka. Inaalala ko lang ang kalusugan mo.”
Binatukan naman niya ito, “Ang lala mo na. Lumayas ka na nga baka ikaw pa maging sanhi ng maagang kamatayan ko eh. Shu layas!” pagtataboy niya rito.
“Oo ito na. Naglalambing lang eh.” tumayo na ito at nagsimula nang maglakad palabas ng bahay. Hinatid naman niya ito palabas.
“Aalis na ako. Yung bilin ko huwag mong kalimutan. Seryoso ako doon. Literal na mamamatay ka pag hindi mo kinalimutan ang koneksiyon mo roon. Sige bye.” huling sabi nito bago umalis.
Inilingan na lang niya ang sinabi nito. Kahit kailan talaga loko ang kaibigan niya.
Pagkatalikod kay Raindrop ay biglang sumeryoso ang mukha ni Bran.
‘Mukha mang biro ang sinabi ko Rain pero totoo ang lahat ng iyon. Sana lumayo ka sa kanila dahil sa pagitan niyong dalawa ng asawa ko alam mo kung sino ang pipiliin ko.’
BINABASA MO ANG
His doctor
مستذئبRaindrop is a passionate vet who fortunately-b'coz she likes it- been assigned to a medical mission in the very rural area. That's the Altamir pack. A place where she thought everything was normal until the day of werewolves festival. That was also...