The pain

1.9K 34 1
                                    

Kasalukuyan akong nagpipaint nang may kumatok mula sa labas ng kwarto ko.

" Señorita , bumaba na daw po kayo hinihintay na po kayo sa baba" sigaw ni manang mula sa labas.

" Sege po bababa na " sigaw ko pabalik nakarinig naman ako ng mga yabag ng paang papaalis na  inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba.

Bumaba nako, nadatnan ko naman sila na nasa dining table napansin naman nila agad ako.

" Kelly anak maupo kana " Sambit ni mom umupo naman ako sa tabi ni kuya kumuha nako ng plato at kubyertos sasandok na sana ako ng kanin ng magsalita si daddy.

" Oh by the way Kelly anak be ready next week we have a special visitors" Saad ni dad habang hinihiwa ang Steak tssk sino naman kaya

" Sinong bisita " tanong ko habang kumukuha ng bacon

" Makikilala mo rin sila , let's eat " sabat naman ni mom at nginitian ako bahagya ko namang tinignan si kuya pero nagkibit balikat lang ang mokong may sekreto ba silang tinatago sakin hay's nawalan nako ng ganang kumain.

Binaba ko naman ang hawak kong mga kubyertos bahagya naman silang nagulat sa ginawa ko.

" I lost my appetite mamaya nalang ako kakain naalala ko busog pa pala ako ! Excuse me " blangkong saad ko at agad umalis hindi kona hinintay kung ano man ang sasabihin nila.

Nagtungo nalang ako sa aking kwarto at ipinagpatuloy ko nalang ang aking papipinta.

Hilig ko talaga ang pagdrawing simula nong bata pa ako pangarap ko ang maging isang Artist.

Habang nagpipaint ako inis naman akong napahinto ng may kumatok nanaman sa pinto.

" WHAT " sigaw ko mula dito sa loob ng kwarto ko

" Kelly open the door " sigaw ni kuya mula sa labas padabog kong tinungo ang pinto at binuksan iyun

" What do you want " blangkong saad ko

" Can we talk " pumasok agad sya at umupo sa sofa

" Why " sinundan ko lang sya at agad akong tumayo sa harapan nya .

" Look bakit ka nagdabog sa harap ng pagkain at samin? " tanong nya

" Nothing " tipid kong sagot 

" I know you have a problem tell me I listen " Sambit ni kuya na ikinalungkot ko, pero hindi ko ipinakita sa kanya na hanggang ngayon nasasaktan parin ako.

" At alam kong galit ka kay mom and dad " dugtong nya pa bumuntong hininga muna ako bago magsalita

" Wala kang alam sa nangyayari kaya pwede ba ! Please lang gusto kong mapagisa " Pagod kong sambit habang nakatayo parin sa harapan nya

Agad naman akong niyakap ni kuya, bahagya pa akong nagulat pero hinayaan ko nalang sya na yakapin ako

" Alam kong masama parin ang loob mo kila mom and dad nauunawaan kita" Sambit nya  na ikinatahimik ko tanging si kuya lang talaga yung kakampi ko, sya lang yung nagpapagaan ng nararamdaman ko.

" Basta kapag may problema ka andito lang ako handang makinig sayo " dagdag nya pa na ikinatango ko

"Lumabas kana ng room ko, ayaw ko ng drama " Blangkong sambit ko na ikinangiwi nya

" Sus ang sabihin mo, gusto mo lang makita yung kagwapuhan ko noh " tumatawang sambit nya na ikinangiwi ko tsk ang hangin nito .

" Oo dahil sawang sawa na'ko makita yang pagmumukha mo " Inis na sambit ko na ikinaseryuso nya

" Haystt bakit ba ang init ng ulo mo ngayon huh? May dalaw kaba?" Nang-aasar syang ngumiti sa akin . Inirapan ko lang sya ng mata.

" Lumabas kana sabi eh " malakas kong hinablot ang laylayan ng damit nya at kinaladkad ko sya palabas ng kwarto ko .

" HOY KELLY ANO BANG GINAGAWA MO? TEKA LANG HOY SANDALI OO NA .....LALABAS NA AKO .... BITAWAN MO NA AKO ANO ......BA " Reklamo nya ngunit hindi ko sya pinansin patuloy ko lang syang kinakaladkad.

Ng malapit na kami sa pintuan malakas ko syang binalibag palabas ng kwarto muntik pa syang matumba pero wala akong pakialam, badmood ako ngayon.

" IKAW " duro nya sakin , blangko ko lang syang tinignan " ANO" nakataaas ang kilay kong sambit.

" MAY ARAW KA RIN SAKIN HAYSTTT MAMA, PAPA SI KELLY INAAWAY AKO , AKO YUNG KUYA PERO INAAWAY NYA AKO " Nagmamaktol na sigaw nya na halos umuecho sa loob ng bahay naiiling akong tumingin sa kanya habang patakbo syang bumaba ng hagdan.

Padabog kong sinara ang pinto ng kwarto ko at agad ko iyong nilock, ayaw ko ng istorbo kapag may ginagawa ako .

Bumalik ako sa aking ginagawa, at ipinagpatuloy ko nalang iyon .

Sa buhay ko ngayon wala akong kakampi kundi ang sarili ko lang, lahat ng taong nakapaligid sa'kin walang pakialam sa totoong nararamdaman ko, kaya bihira lang ako magsalita. At mahirap na rin ako magtiwala sa mga taong hindi naman dapat pagkatiwalaan .

My Professor is my Secret Husband(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon