Her POV
Umiiyak akong nakatingin kay Samantha habang mahigpit ang hawak nya sa anak ko, samantalang nasa likod ko naman ang ibang tauhan ni Dark ang pinagtataka ko lang ay hindi man lang nakita ng dalawang mata ko si Dark, nasaan kana ba, kailangan ka namin ng anak mo , mamaya pa ay may narinig na akong dalawang putok ng baril hindi ko alam kung saan nanggaling napayuko at napahawak ako sa sarili kong ulo , hahabulin ko na sana si samantha dahil tuluyan na nyang natangay ang anak ko ,
Hindi pa naman ako nakakarating sa sasakyan nya nang may sasakyang mabilis na huminto sa harap ko na muntik ko pang ikamatay .
Naaninag ko ang mukha ng taong kanina ko pa gustong makita , dali dali nyang binuksan ang pinto ng sasakyan , at hindi na ako nagaksaya ng oras agad nakong sumakay sa sasakyan nya at mabilis nya iyung inikot para mahabol namin ang sasakyan ni Samantha.
"Dark pakibilisan naman baka saktan nya si Kellsey " kinakabahang sambit ko na ikinaseryuso nya
"I won't let her hurt my daughter " tanging sambit nya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan
Ilang minuto na ang nakalipas sinusundan parin namin ang sasakyan ni Samantha
Bigla namang nai-preno ni Dark ang sasakyan nya ng biglang huminto si samantha hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng babaeng yun.
Samantalang bigla naman akong nataranta ng bumaba sya sa sasakyan nya na ikinagulat ko bitbit nya si Kellsey at batid kong may hawak syang baril na lalong ikinakaba ko , at dahil sa kaba at nerbeyos bigla nalang akong napahawak sa maskuladong braso ni Dark
Bubuksan na sana ni Dark ang pinto ng sasakyan nya ng tumingin ako sa mga mata nya parang alam ko kung ano ang nasa isip nya hinayaan ko nalang syang matapos makalabas at ganun din ang ginawa ko lumabas din ako sa sasakyan.
Nakita kong palihim na tinago ni Dark ang baril nya sa likod nito na lalong ikinakaba ko, pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin yun ng tinignan ko mula sa di kalayuan ang anak kong nahihirapan sa kalagayan nya.
"NGAYON MAMILI KA DARK ITONG ANAK MO O SASAMA KA SAKIN NG MATIWASAY "sigaw ni Samantha na ikinalingon ko kay Dark wag nyang sabihin na sasama sya sa baliw na babaeng yun.
Hindi ko lubos maisip kung ano ba talaga yung tumatakbo sa isip nya , nahihirapan akong basahin ang nasa isip nya
"PLEASE LET MY DAUGHTER GO , I'll COME WITH YOU JUST LET HER GO " Malumanay na sagot ni Dark samantalang bigla nyang nilagay ang kanang kamay nya sa likuran nya nagpapahiwatig iyun ng sign sakin kung ano ba ang maaari kong gawin sa sitwasyon namin ngayon.
Hanggang sa tuluyan kong nalaman ang pinaplano nyang gawin ko.
"Maghintay ka dito hanggang sa tuluyan na nyang pakawalan si Kellsey kapag nakuha mo na ang anak natin isakay mo agad sa sasakyan at umalis na agad kayo " bulong nya sapat na para marinig ko
"Teka paano ka , paano kung-
di nya ako pinatapos ng magsalita sya
"Just follow what I told you , I'll take care of my self " saad nya habang naka-focus ang atensyon kay Samantha.
Hindi nako naka-imik nang magumpisa na syang maglakad papunta sa gawi nila Samantha ,
samantalang samo't saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na to , hindi halos ako mapakali pakiramdam ko may mangyayari di maganda
Diko na namalayan na nakarating na pala si Dark sa gawi ni Samantha , pinagmasdan ko lang sila , hanggang sa nakita ko si Kellsey na tumatakbo sa gawi ko masaya ko syang sinalubong ng yakap habang binabanggit nya ang salitang "mommy"
Hanggang sa mahigpit ko syang niyakap at hinalikan sa pisngi naalala ko naman ang sinabi ni Dark agad na kaming sumakay sa sasakyan ni nya at dali dali kong pinaandar bago pa man kami tuluyang umalis sinulyapan ko muna si dark.
"Magiingat ka pakiusap " bulong ko sa hangin bago ako magpasyang umalis ,
Meanwhile
hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa gawi ni Samantha.
"As I said before , let her go and I promise I will come with you " Saad ko para pakawalan nya ang anak ko
Tskk hanggang ngayon patay na patay ka parin sakin Samantha , hinintay ko munang makalapit si Kellsey sa mama nya bago ko idespatsya ang babaeng Ito.
Pasimple akong sumulyap sa reflection ng sasakyan nya na nagkokonekta kila kelly hinintay kong makaalis sila bago ko gawin ang binabalak ko sa babaeng Ito ,
Ilang segundo pa ang nakalipas ng tuluyan ng makaalis mag-ina ko ,
Binalik ko naman ang atensyon ko sa babaeng kaharap ko malamig ko syang tinignan ,
"Sumama kana sakin, magsimula ulit tayo, diba pangako mo sakin bubuo pa tayo ng pamilya diba " nakangiting sambit nya na ikinangiti ko ng pagak tsk hanggang imagination kana lang ngayon Samantha dahil may pamilya nako.
Bubunutin ko na sana ang baril na nasa likod ko nang tututukan nya ako ng baril sa ulo na ikinangiti nya ng malawak
"Sa tingin mo ba mauuto mo ako tsk diyan ka nagkakamali Dark , alam ko na ang plano mo , alam ko naman na hindi ka sasama sakin eh " Nakangiting sambit nya
" kung Mahal mo ako hahayaan mo akong maging masaya " blangkong sambit ko na ikinangiwi nya
"Papatayin nalang kita total hindi na kita pwedeng pakinabangan " Saad nya at ipuputok na sana nya yung baril ng may narinig akong putok din ng baril agad naman akong napayuko at napahawak sa ulo nang maaninag ko ang sasakyan na papalapit sa amin , sasakyan ni Blake at kasama pa ang dalawa buti nalang dumating ang mga kumag na to.
"Bro ayos ka lang ba , sinabi kasi samin ni Kelly ang nangyari dito kaya dali dali na kaming pumunta dito , btw nasan na si samantha " saad ni Nathan at lumingon pa sa paligid namin
"Fuck that woman she's escaped as fast as we could " malutong na mura ni Tyron at patakbong hinabol si samantha at ganun din ang ginawa ni blake sumunod nalang din sya kay Tyron samantalang naiwan naman kami dito ni Nathan.
"Ano bro ok ka lang ba binaril kaba ng baliw na Babaeng yun? " Nagaalalang tanong ni Nathan umiling nalang ako bilang sagot.
"Bilis habulin nyo sya hindi sya makakalayo, at hindi sya pwedeng makatakas" Nahihirapang sambit ko at diniinan ang hawak ko sa kabilang braso ko na may daplis ng bala pinipigilan ang pagdurugo.

BINABASA MO ANG
My Professor is my Secret Husband(Completed)
RandomDark kelldon Montefalco, the hot professor at the university owned by their family. Will disturb the quiet life of Kelly who will become his wife but this is a secret and only a few people know it is possible that dark's stone heart can soften to a...