The truth

680 17 17
                                    


At the hospital

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ni mom dahil ngayon na yung discharged nya , kasalukuyan kong tinutupi ang mga damit nya nang lumapit sya sakin na nakangiti.

"Kelly anak may problema ka ba ? Bakit parang hindi ata maganda ang timpla ng mukha mo ?" nagtatakang tanong ni mom actually hindi talaga ako okay ngayon pakiramdam ko kinakabahan ako na ewan

"Don't worry mom I'm fine " nakangiting sagot ko

"Tell me what is it ! " Saad ni mom at dahan dahang umupo sa harapan ko nagulat naman ako sa sunod na ginawa ni mom

Dahan dahan nyang hinahaplos ang buhok ko sa loob ng ilang taon ngayon nya lang ginawa sakin ang ganitong bagay feel ko naramdaman ko yung pagmamahal ng isang ina

"Alam ko ang tumatakbo sa isipan mo , natatakot kang malaman ni Dark ang tungkol sa anak nyo , natatakot kang baka kunin nya ang kambal , kelly anak hindi habang buhay itatago mo ang katotohanan malalaman at malalaman ni Dark ang totoo , akoy natutuwa dahil sa lahat ng ginawa naming masasama ng daddy mo nagawa mo parin kaming patawarin , kung sinaktan ka man ni Dark noon alam kong napatawad mo na sya ngayon , anak isipin mo nalang ang mga anak mo , kailangan nila ang kalinga ng daddy nila , ang kalinga ni Dark " mahabang paliwanag ni mom na ikinaluha ko pakiramdam ko tama si mom kailangan kong sabihin kay Dark ang totoo

" Maybe this is the right time to tell him the truth about the twins " Naluluhang sambit ko kay mom

Pareho kaming napatigil ni mom ng may nagsalita

"About the twins " Malamig na boses ang nagpatigil sa amin ni mom pareho kaming napatingin sa nagsalita.

Halos umurong ang dila ko nang makita ko ang blangkong mukha nya , matapang ko syang hinarap

Magsasalita na sana ako ng hinablot nya ang kamay ko at sa pilitan akong hinatak , samantalang bahagya namang nagulat si mom at di kalaunan ay napalitan iyun ng matamis na ngiti , parang alam kona ang ibig sabihin ng mga ngiting yun.

Hanggang ngayon hatak hatak nya parin ako tskk saan ba kasi ako dadalhin ng lokong to

Pilit akong nagpupumiglas mula sa mga kamay nyang mahigpit na nakahawak sa akin

"Ano ba Dark let me go " pagmumumiglas ko diko alam kung saan nya ako dadalhin

"Shut your mouth woman " matigas na singhal nito sa akin

"JUST F*CKING LET ME GO " naiinis kong singhal diko namalayan na dinala nya ako dito sa rooftop ng hospital

Saka nya lang binitawan ang kamay ko ng malamig nya akong tinignan

"NOW TELL ME THE TRUTH ABOUT MY KIDS OR SHOULD I SAY OUR KIDS " Umiigting panga nyang sambit na ikinakaba ko ng husto

"Ano paba ang gusto mong malaman sapat naman na siguro yung narinig mo hindi ba , kung wala ka ng sasabihin aalis nako " inis kong sambit na ikinakunot-noo nya

"Anak ko ba sila ! Please gusto kong malaman ang totoo kelly I'm begging you please " May halong lungkot nyang sambit na ikinadurog ng puso ko biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni mom kanina panahon na para malaman nya ang totoo ,

naramdaman kong tumulo ang mga luha ko

Dahan dahan akong humarap sa kanya at agad kong pinahid ang mga luha ko

"Oo anak mo sila ! Anak natin " Umiiyak kong saad napansin kong napahilot sya sa sentido nya marahil pinipigilan nya lang ang galit na nararamdaman nya , napansin kong may luha sa kanyang mga mata kasalanan ko naman tinago ko sa kanya ang totoo ng ilang taon.

"THEN WHY DID YOU KEEP FROM ME HUH ? WHY ?" galit nyang sigaw

"Dahil Wala kang pakialam , sabihin ko man sayo hindi ka maniniwala dahil palagi nalang si samantha ang bukang bibig mo , sya ang mahal mo kaya wala akong karapatang sabihin sayo na buntis ako non , dahil pakiramdam ko magiging kaawa-awa lang ako sa mga mata mo , at pano ko sasabihin sayo huh ! Bakit may pakialam kaba sa akin , may pakialam kaba sa nararamdaman ko , wala naman hindi ba nong una palang wala ka naman talagang pakialam sa totoong nararamdaman ko , minahal lang naman kita Dark , at dahil ayaw kong makasagabal sa relasyon nyong dalawa nagdecide akong umalis at iwan ka para narin sa kinabukasan ng mga anak ko nagpakalayo-layo ako para mamuhay ng tahimik (sob) " Umiiyak kong sambit

"KAHIT NA TINAGO MO PARIN SAKIN ANG TOTOO " sigaw nya na lalong ikinadurog ng puso ko napakamanhid nya talaga

"BAKIT BA NAPAKAMANHID MO , WALA KA MAN LANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN NG IBA , NAGKAMALI AKONG NAKIKILALA KITA " Umiiyak kong sigaw sa pagmumukha nya

Aalis na sana ako ng hatakin nya ang kamay ko at niyakap nya ako ng mahigpit tila nagslow-mo ang lahat hanggang sa naramdaman ko ang mga kamay nyang dahan dahang hinahaplos ang likod ko hindi ko na talaga kaya at tuluyan nakong umiyak sa balikat nya.

" Look I'm sorry, Sorry kung nasaktan kita" Malumanay na sambit nya habang nakayakap sa akin

Hanggang sa unti unti nakong nahimasmasan dahan dahan syang kumalas sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako sa mga mata

"I'm sorry for what I've done to you ! Can I reciprocate your love if you forgive me tskk maybe you're the only one who loves the two of us tskk me too " Malumanay nyang sambit na ikinagulat ko ano daw mahal nya ako

" And if you don't mind can I hug you tightly " Sambit nya na ikinangiti ko ng palihim magsasalita pa sana ako ng mahigpit nya akong niyakap na parang wala ng bukas

Ilang saglit pa ng kumalas sya pagkakayakap agad nya namang pinahid ang natirang luha sa mukha ko gamit ang kanyang kamay at nakangiti nya akong tinitigan.

Napapikit naman ako ng halikan nya ako sa noo ko bahagya pa akong nagulat pero napalitan naman iyun ng kilig na nararamdaman ko sa mga oras na ito wala eh talagang marupok ako pagdating sa lalaking to.

My Professor is my Secret Husband(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon