Second meet

1K 27 4
                                    

 

KINAUMAGAHAN maaga akong nagising dahil may pasok pako ilang araw din hindi ako pumasok kaya ngayun papasok ako ginawa kona ang morning routine ko. Hindi ko parin maiwasang isipin si Baninay na nandito parin sa bahay namin halos isang linggo na sya dito, bibihira lang syang magpakita sakin. Natakot siguro

Pagkatapos kong maligo

Sinuot kona ang aking uniform inilugay ko ang brown kong buhok at naglagay ng konting make up. Humarap muna ako sa salamin at agad ko ng kinuha ang aking bag at bumaba na .

Nadatnan ko naman si manang na naghahain ng pagkain, halos bigla naman kumulo ang dugo ko ng makita ko si Baninay na kasalukuyan ng nakaupo sa harap ng malaki at mahabang lamesa  nakangiti syang tumingin sa gawi ko dinilaan ko lang sya.

" Hi Ate Kelly good morning halika na kain na tayo alam mo ba Ate ang sarap ng niluto ni manang "  Saad nya at sumandok ng adobo

Napangiwi naman akong lumapit sa kanya napansin kong pa-ubos na ang laman ng isang mangkok ng adobo samantalang napangiwi akong tumingin kay manang na tuwang tuwa pa habang pinagmamasdan ang baboy ay este si Baninay na sarap na sarap sa Adobong niluto ni manang.

" Oo nga eh ! Mukang naubos na yung isang mangkok baka bitin ka pa, ubusin mo nalang kaya lahat ! Kaya pala ganyan ka kasi iniwan ka ng mommy mo mag-isa sa kusina " Pangaasar kong sambit tila parang hangin lang ako hindi nya ako sinagot tuloy tuloy lang syang kumakain grabe din ang isang to

Kung isasabak sa eating contest sure na panalo na to ang takaw ba namang kumain, napalunok naman ako ng sumandok pa ng isang mangkok na adobo si nay selya. Nagtataka ko naman syang pinigilan

" Nay tama na baka ma-over sya sa pagkain mamaya naman ho teka nakailang plato naba to ?  " Awat ko na ikinatango nya

" Pang-lima na nya yan eh, halos malapit ng maubos ang niluto ko pero hayaan mo magluluto ulit ako " Saad ni manang na ikinagulat ko

" Limang plato seryuso ho ba kayo so kanina pa sya kumakain dito " Gulat kong sambit agad naman tumango si manang selya

Gulat kong tinitigan si Baninay na sarap na sarap sa pagkain hindi nya kami pinapansin ni manang, napapalunok naman akong pinagmasdan si Baninay

Sandali naman namayani ang katahimikan ng biglang magsalita si Nay selya.

" Ang ganda mo ngayon parang ngayon lang kita nakitang nag-ayos " Saad ni manang na diko inaasahan. Naiilang akong ngumiti

" Ahm nag-try lang po akong mag-ayos nay" nahihiyang saad ko

"Alam mo bagay kayo ng mapapangasawa mo maganda ka gwapo naman sya " saad ni nanay

" Nay selya hindi po kami bagay tao po kami "  pilosopong sambit ko bahagya namang natawa si manang selya

" Ikaw talaga ang hilig mong magbiro oh sya maupo kana at kukuha lang ako ng plato mo sabayan mo na si Baninay kumain "  natatawang sambit ni nay selya agad naman akong naupo at tahimik syang pinagmasdan.

" Alam mo ba mas lalo kang gumaganda kapag nag-aayos ka tignan mo ang sarili mo ngayon ang ganda ganda" natutuwang saad nya napatingin naman kami kay Baninay ng bigla itong dumuwak mukang nabulunan ata, ayan buti nga ang takaw mo kasi

" T....tubig A...te" Nahihirapang sambit nya agad akong kumuha ang tubig at dali dali iyung binigay sa kanya. Samantalang kinakabahan namang tumingin sa kanya si manang selya.

Agad akong tumayo at lumapit sa likod nya malakas kong hinampas ang likod nya agad nya namang naisuka ang kinain nya na bumara sa lalamunan nya.

" SA SUSUNOD DAHAN DAHAN KA LANG KUMAIN, HINDI YUNG PARA KANG HINAHABOL! ANO PAPATAYIN MO BA KAMI SA KABA HA " Inis na sigaw ko sa harap nya agad naman syang yumuko parang nalungkot naman ako ng makita kong tumulo ang luha nya.

My Professor is my Secret Husband(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon