Enemies

1.4K 29 11
                                    

KINABUKASAN maaga akong nagising dahil may pasok pa ako kailangan kong pumunta ng library para magresearch sa chemistry subject namin.

Nakakastress magaral kasalukuyan kong inaayos ang aking uniform ng may pumasok.

" Kelly bilisan mo na anak baka malate ka kumain ka muna bago ka umalis sya nga pala may business trip kami ng daddy mo ngayon so 1 week kaming wala at ang kuya mo naman pupunta ng Canada birthday ngayon ng pamangkin mo " Mahabang sambit nya

" Mabuti naman kung ganun " Sambit ko ng hindi tumitingin sa kanya. Batid kong tumingin sya sa akin pero hindi ko sya tinapunan ng tingin

Lalo lang nadadagdagan ang galit ko kapag nakikita silang dalawa mas mabuti naring umalis sila kesa namang araw araw kong nakikita ang pagmumukha nila.

Oo magulang ko sila pero hindi nyo ako masisisi galit na galit ako sa kanila dahil sa kanila nawala ang buhay ni  lolo.

Flashback

5 year's ago

" Dad No !!! Please don't do that I'm begging you please" umiiyak kong sigaw  sa kanila habang nakaluhod at nagmamakaawa

" Sorry sweetie but we need to do this that impostor tried to kill your mom and me " Galit na sambit ni daddy kasabay non ang pagputok nang baril na hawak nya dalawang putok ang pinakawalan nya kasabay non ang pagbulagta sa sahig ni lolo

" NO!!!"  Malakas kong sigaw at dali dali kong nilapitan sila lolo habang humahagulgol syang nilapitan ni lola

" Hindi ko...... gustong lokohin kayo...lalo kana apo ko .......patawarin mo sana ako" Nahihirapang sambit ni lolo.

" No!!! Pakiusap lumaban ka lolo....wag mo kaming iiwan...kaya mo yan dadalhin ka namin sa hospital " Humahagulgol na pakiusap ko habang nanginginig ang aking kamay na hinaplos ang pisnge nya simula pagkabata ko si Lolo at Lola na ang nakasama ko hindi ko naramdaman ang pagkalinga ng aking mga magulang tanging sila lolo at lola lang ang parang naging mga magulang ko dahil sila lang yung nakasama ko hanggang sa paglaki ko.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kay lola kapag iniwan sya ni Lolo hindi ko kakayanin na makita syang malungkot. Kaya pakiusap Lolo lumaban ka para kay Lola.

" Edwardo kaya mo yan wag mo akong iiwan sabi mo (sob) sabay tayo mawawala nangako ka sa akin na magkasama tayo (sob) pero bakit ngayon mukang hindi na matutupad (sob) pakiusap kaya mo yan wag kang bibitaw (sob) hindi ko kakayanin na mawala ka" Humahagulgol na sambit ni Lola habang hinahawakan ang pisnge ni Lolo wala akong magawa kundi ang umiiyak na pagmasdan silang dalawa.

" Apo....ko mangako ka sa akin na aalagaan mo ang Lola mo...mahal na mahal kita Kelly apo ko " Kahit Nahihirapan at nasasaktan ay sinubukan nya paring magsalita mabilis akong tumango-tango

Nakangiti nyang sinulyapan si Lola na walang tigil sa paghikbi

" Annie mahal ko...lubos akong nagpapasalamat dahil hindi ka umalis sa tabi ko simula sa umpisa hanggang sa huli nandito ka nasa tabi ko mahal na mahal kita....ni minsan hindi ako nagkulang na mahalin ka alagaan mo ang sarili mo.... hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko " Naluluhang sambit ni Lolo habang nakangiting tinignan si Lola ramdam ko ang sakit at lungkot sa mga mata ni Lolo. Kasabay non ang paglapag ng kamay ni lolo sa sahig at ang unti unting pagpikit ng mga mata ni Lolo at doon na humagulgol ng malakas si Lola

Kahit sa huling sandali dahan dahan kong hinawakan ang kamay ni Lolo walang tigil sa pagpatak ang aking luha na pinagmasdan ang kanyang kamay

" EDWARDO" Humahagulgol sigaw ni Lola agad ko syang niyakap ng mahigpit.

My Professor is my Secret Husband(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon