She's a wake

827 21 0
                                    


Four months ago

Ilang buwan na simula nong macoma si kelly at hanggang ngayon wala paring sign kung kailan sya magigising.

nasa hospital ngayon sina yesha at sky sila ang nakabantay kay Kelly dahil busy ang mga magulang ni kelly ngayon.

Tahimik nilang pinagmamasdan ang natutulog nilang kaibigan nang magsalita si sky.

"Yesha sa tingin mo kailan kaya magigising si kelly magaapat na buwan na hindi pa rin sya nagigising " malungkot na sabi nito kay yesha habang kay kelly ang atensyon

Bumuntong hininga naman si yesha bago sagutin ang tanong ni Sky

"Kagaya mo hindi ko rin alam , siguro ipagdasal nalang natin sya sky " malungkot na sambit ni yesha at tinignan si Sky tumango nalang si Sky bilang sagot

Namayani naman ang katahimikan nang maramdam ni yesha ang kamay ni kelly na gumalaw sa ibabaw ng kanyang kamay

Mahina nyang hinampas si Sky na kasalukuyang nasa kabilang side ng kama nagulat naman sya sa biglaang paghampas sa kanya nito.

"Anong problema mo ! Bakit bigla bigla ka nalang nanghahampas " inis na sabi nito kay Yesha

"Sky naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Kelly ! Hindi kaya gising na sya " sambit ni Yesha na nagpakunot ng noo ni Sky

" Wee di nga ! Baka nagjo-joke time kalang eh itigil mo yan " di naniniwalang sambit ni Sky agad naman syang sinamaan ng tingin ni Yesha

"So ayaw mong maniwala edi hawakan mo ang kamay ni kelly " utos nito kay sky agad nya namang hinawakan ang kamay ni Kelly at naghintay kung gagalaw nga ba makalipas ang limang minuto walang nangyari ibaba na sana nya ang kamay ni Kelly nang napahinto sya

Nanlalaki ang mga matang tumingin sya kay yesha

"Yesha gu-gumalaw nga " kinakabahan nyang sambit sumilay naman ang malapad na ngiti sa labi ni Yesha

"Teka lang tatawagin ko lang si Doc " sambit ni Yesha at dali daling lumabas ng kwarto samantalang naiwan naman si Sky na masaya habang hinihimas ang kamay ni Kelly

"Kelly did you hear me it's me sky ! I really miss you , we miss you kelly please wake up " naluluhang sambit ni Sky agad nya namang pinahid ang luha nang pumasok ang doctor at kasabay si Yesha

Tumayo sya at lumapit kay Yesha hinintay nilang matapos i-check si Kelly ng doctor

"It's a miracle she's a wake I'm happy both of you" masayang sambit ng Doctor

Niyakap naman ni Sky si Yesha at ganun din si yesha niyakap nya pabalik si sky masaya silang dalawa dahil gising na si Kelly

"Teka lang tatawagan ko si tita " prisenta ni Yesha na tawagan ang mommy ni Kelly

Agad nyang de-nial ang numero ng mommy ni Kelly

"Hello po tita may good news po ako " nasisiyahang sambit ni yesha sa kabilang linya

"What is it " tanong ng mommy ni Kelly mula sa kabilang linya

"Gising na po si kelly tita " masayang sambit ni yesha at nakangiting tiningnan si Sky na kasalukuyang nakangiting tinitigan si Kelly

My Professor is my Secret Husband(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon