Tom & Jerry

1K 26 6
                                    

KINABUKASAN maaga akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock ko. Inis ko iyung pinatay at mumulat-mulat akong bumangon inayos ko muna ang kama ko bago ako dumeretsyo sa cr ng matapos kong ayusin dumeretsyo nako sa Cr.

Ng makapasok ako sa loob una kong ginawa ay naghilamos sunod naman ay nagtooth brush. Pagkatapos ko ay agad na akong lumabas at bahagya kong tinali ang makapal at mahaba kong buhok na pa-messy bun.

Bumaba nako ng aking kwarto nadatnan ko sila mom  dad and  kuya sa living room. Hindi ko na sila pinansin at nagtungo nako sa kitchen para kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain ng tawagin ako ng kriminal kong ama.

" Kelly Come over here " tawag sakin ni dad inis akong napairap sa kawalan agad akong tumayo at agad ko silang nilapitan

" What " malamig kong tanong nakikita ko sa mga mukha nila na seryoso ano nanaman ba ang trip ng mga to. Seryuso lang nila akong tinapunan ng tingin

Naupo ako sa isang sofa at seryuso silang tinignan

"Anak napagdesisyunan namin ng mommy mo at kuya mo na ipapakasal ka sa anak ng kaibigan namin ng sa ganun para maisalba natin ang ating kompanya " Dad said sa sinabi nya lalo lang nadagdagan ang galit ko sa kanila.

bakit ba nila ginagawa sakin ito. Palagi nalang sila yung nasusunod pano naman yung gusto ko palagi nalang silang against sa mga gustong kong gawin.

Malamig ko silang tinignan bago ako magsalita.

" Fine if that's what you want " malamig kong sambit.

Ayaw kong magreklamo kung tumutol man ako wala ring mangyayari baka patayin pa nila ako. Kesang sabihin ko sa kanila na ayaw ko lalo lang madagdagan ang galit at sama ng loob ko sa kanila kesang magreklamo sinabi kong pumayag ako kahit na labag sa kalooban ko.

" Thank you anak bukas mo makikilala ang mapapangasawa mo " masayang sambit ni mom blangko ko lang syang tinignan. Tsk really masaya pa sya sa sitwasyon nato, i really hate her I really hate them.

" Pwede naba akong umalis wala naman ata kayong sasabihin hindi ba ? hindi ko kayang magtagal dito na kasama kayo I guess wala na ata kayong sasabihin pwede naba akong umalis " blangkong sambit ko at agad silang tinalikuran

Napansin kong seryuso silang tumingin sakin pero wala akong pakialam

Dumeretsyo ako sa kwarto ko kasalukuyan akong nagpapahinga ngayon dahil naramdaman kong sumakit ang aking kanang braso. Minsan madalas sumasakit pero tinitiis ko lang baka mapansin nila ako.

Pano kung hindi na pala basta bukol to pano kung cancer na pala to. Pano ku-napahinto naman ako sa pagiisip ng mag-ring ang phone ko .

Kinuha ko naman agad iyun at sinagot ang tawag ni yesha.

~

" Hello Kelly " bungad nya mula sa kabilang linya

" Napatawag ka " saad ko

" Bakit hindi ka pumasok kahapon may sakit kaba miss ka na namin ni sky. nagaalala kami sayo hindi ka man lang tumawag may problema kaba sabihin mo naman samin ?" sunod sunod nyang tanong napakaswerte ko dahil may mga kaibigan akong maaalahanin at mapagmahal.

Bumuntong hininga muna ako bago sya sagutin.

" Yesha I'm fine ok na ok lang ako kaya don't worry " sambit ko kahit ang totoo hindi

" Gaga pumasok kana bukas huh namimiss ka na namin. Ayy wait may ichichika ako sayo hinahanap ka ni Drake kahapon bakit hindi ka daw pumasok ayeeeeee shanaol hinahanap " kinikilig nyang saad. Napangiwi nalang ako

" Bakit daw " tanong ko

" Ewan ko basta bukas pumasok ka huh ! Babye na tinatawag nako ni mommy " sambit nya at pinatay na ang tawag

Tumawag lang sya para sabihin yun. Napailing-iling nalang ako at pabagsak kong hiniga ang katawan sa kama ko

Hmm bakit kaya ako hinahanap ni Drake hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa lalaking yun.

Pakiramdam ko may masamang binabalak ang lalaking yun sakin. Masama ang kutob ko sa kanya. Napabalikwas naman ako ng bangon ng biglang nagkaroon ng crack ang bintana ng salamin ng kwarto ko inis akong bumangon at dumangaw sa bintana,

" HOY BAKIT KA NANGBABATO ? NAGKAROON NG BASAG YUNG SALAMIN NG BINTANA KO " Inis kong sigaw sa makulit kong pinsan sa side ni daddy, nandito nanaman sya

" Hi ATE KELLY SORRY KUNG NATAMAAN DIKO SINASADYA SI KUYA KEFER ANG MAY KASALANAN" Sigaw nya mula sa baba batid kong naglalaro sila ni kuya sa garden.

" TSK WHATEVER" Sigaw ko at padabog na sinara ang bintana ng kwarto ko inis akong napaupo sa gilid ng kama ko.

Hihiga na sana ako para umidlip ng may kumatok ng malakas na ikinagulat ko potaena muntik pa akong atakihin sa puso. At sino nanaman yun ano ba gusto kong magpahinga.

Inis akong tumayo at inis kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at tumambad sa harap ko ang pinsan kong ubod ng kulit arghh bakit nandito ka nanaman.

Nakangiti syang tumingin sakin at bahagya pang nag-puppy eyes tsk muka syang bulldog

" What are you doing here ? " Malamig kong tanong na ikinangiti nya. Tsk hindi ako natutuwa sayo

Hindi nya ako sinagot bagkus ay dere-deretsyo syang pumasok sa loob. Napabuga nalang ako sa hangin at padabog na sinara ang pinto.

Sinundan ko lang sya ng tingin ng bigla syang umupo sa isang sofa inilibot nya ang kanyang mga mata nya sa paligid ng kwarto ko, ngayon lang sya pumasok dito, ayaw ko kasing may ibang pumapasok sa kwarto ko.

" Grabe ate Kelly your room is so big and beautiful look the paintings also look beautiful and pretty " Manghang saad nya na ikinangiti ko ng tipid

" Tell me Baninay ? What are you doing here? " Tanong ko naupo naman ako sa gilid ng kama ko at seryuso syang tinignan

" Sabi ni dad dito muna daw ako kasi may business trip sila ni mom sa japan " Sagot nya habang nakangiting pinagmamasdan ang buong kwarto ko

Napatango nalang ako at saglit natahimik.

" Ate wala kabang video games or anything na pwedeng laruin, gusto kong maglaro" Sambit nya dahilan upang seryuso ko syang tinapunan ng tingin kasalukuyan na syang nakatingin sakin habang maayos ang higa sa sofa, Ayyy feel at home yarn.

" Kung gusto mong maglaro bakit hindi ka pumunta sa park " Mataray kong saad na ikinayuko nya tsk ang kapal din naman ng mukha ng batang to biruin mo nasa 15 palang yung edad nya kung makapagsalita parang ka-edad nya lang yung kausap nya.

" Bakit ba ang init ng dugo mo sakin ah ? Hindi naman kita inaaway eh ! Pasalamat ka nga at pinakikisamahan pa kita" Sambit nito na lalo kong ikinainis agad akong tumayo at nilapitan sya

" Ahh ganun ! Hoy hindi ko ata gusto yang tabas ng bibig mo ! kung ganyan ang pinapakita mo sa mga magulang mo pwes hindi uubra sakin ang ganyang ugali, para saan pa at naging pinsan kita kung ganyan din lang naman ang ugali mo ! Lumabas kana baka kung ano pa magawa ko sayo " Pasigaw na sambit ko na ikinagulat nya, tinaasan nya ako ng kilay nya na kulang nalang ahitin na dahil sa sobrang kapal di bagay sa kanya nagmumuka syang si Lee yung character sa Naruto na makapal ang kilay.

" Ang Sungit mo I hate you na ! Pangit mo Ate Kelly di tayo bati " Sigaw nya at patakbong lumabas ng kwarto ko ano daw sinabihan pa akong Pangit

Hayst para kaming si Tom & Jerry kahit kailan talaga ang batang yun.

Mas naiinis pa ako sa pangalan nyang Baninay diko alam kung ano pumasok sa utak ng kanyang magulang at naisipan ipangalan sa kanya yun di naman bagay.

Natatawa akong napailing-iling.

My Professor is my Secret Husband(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon