Beginning

704 19 0
                                    

Kelly POV

Ilang araw narin simula nong makarating kami dito sa U.S masasabi kong medyo gumaan yung pakiramdam ko , gusto kong tuparin lahat ng mga pangarap ko na dito lang matutupad sa U.S , sana maging successful ako , ginagawa ko Ito para sa aking anak napapansin kong medyo lumalaki narin ang tiyan ko.

Wala si yesha inaasikaso nya na yung career nyang maging model ,lahat kami may mga pangarap sa buhay si sky gusto nyang maging chef si yesha naman gusto nyang maging professional model while me pangarap kong maging isang fashion designer.

Matutupad lang yun kung magpupursigi kami , kasalukuyan akong nakaupo dito sa living room habang nanonood ng movie nang nakangiting pumasok si sky agad ko naman syang binalingan ng tingin at bakas sa mukha ko ang pagtataka.

Agad naman syang lumapit sa akin at tumabi sa tabi ko hanggang ngayon nakangiti parin sya, ano bang meron ang weird ah

"Bakit ngiting ngiti ka jan ? Kulang nalang mapunit yang labi mo sa sobrang ngiti ?" Iritang tanong ko

"May bisita tayo " nakangiting sambit nya na ikinakunot-noo ko

"Who ?" tanong ko na ikinangiti nya agad naman syang tumingin sa pinto

"Ms choi please come in " sambit ni sky kasabay non ang paglabas ng isang babaeng di masyadong katandaan may ngiti sa labing tumingin sya samin.

Napakaganda nya naman , kahit na medyo may katandaan sya still parin yung baby face nya.

"I'm Stella Choi I'm your mentor Ms.Madrigal " nakangiting sambit nya feel ko magkakasundo kami

"Hi po ma'am " nahihiyang bati ko sa kanya

"Pinadala ako ng mommy mo actually I'm her best friend so from now on gagawin mo kung anong pinapagawa ko sayo nagkakaintindihan ba tayo " seryosong sabi nya na nagpakaba sakin mukang hindi ata kami magkakasaundo ni Ms choi strict nya naman.

"Atasaka don't call me ma'am masyado nang pormal you can call me tita stella or tita " nakangiting sambit nya nakaramdam naman ako ng saya

"Tita stella kailan po ba tayo magsisimula eh buntis po ako eh pano po yun " nagaalalang tanong ko

"Don't worry iha work from home ka naman dito kita itetrain , bukas na bukas din magsisimula na tayo ready yourself " sambit nya na ikinalaki ng mga mata ko seryoso ba sya bukas na kami magsisimula

"Tita pwede po bang pagkapanganak ko nalang nyo ako itrain kasi maselan po yung pagbubuntis ko eh " Suggestion ko na nagpaiba ng aura nya

"No ! Kung hihintayin ko ang panganganak mo baka hindi kana maging successful ! kung ngayon tayo magsisimula posibleng maging successful kana hindi lang yun ikaw nadin ang magmomodel ng mga sketch mo ! Ano mamili ka hihintayin pa natin yung kapanganakan mo o ngayon na tayo magsisimula ? This is for your career kelly so think about it " seryosong sabi nya na nagpagulo sa isip ko

Tama si tita stella kung hihintayin ko ang kapanganakan ko wala ding mangyayari baka malabong maging successful ako

"Ok po tita stella bukas na bukas din magsisimula na tayo " nakangiting sambit ko na lalong nagpakaba sakin ng lubos ok kelly Kaya mo to fighting lang para Ito kay baby.

My Professor is my Secret Husband(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon