KINABUKASAN nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Tatayo na sana ako ng maalala ko na sa sofa pala ako natulog kagabi , nagtataka naman akong bumangon ng mapansin kong nasa isang malaking kwarto na ako, teka paano ako napunta dito, imposible namang naglakad ako ng tulog.
Pero paano pilit kong inalala ang nangyari kagabi pero ang tanging naalala ko lang ay ang paghiga ko sa sofa at diko na alam ang sumunod na nangyari
Naiiling akong tumayo at nagtungo sa cr para maligo dahil may pasok pa ako medyo late nako sa lesson namin .
Pagkatapos kong maligo sinuot kona ang aking uniform at inayus kona ang aking sarili agad nakong bumaba, hindi ko nakita si Dark nasaan na kaya yon, saan naman yon pupunta
Pumunta ako ng kitchen tinignan ko naman ang aking relo its 6:30 am maaga pa naman mamayang 7:00 pa ang class kaya kakain muna ako .
Bubuksan kona sana ang refrigerator ng may napansin akong sticky note na nakadikit kinuha ko naman iyun at binasa
" Your food is already cook eat first before you go "
basa ko sa nakasulat omg parang mga kabayong nagkakarera sa pagtibok ang aking puso pa-fall yarn .
Enebe derk eng sweet me ehe hehehe, napakagat naman ako sa aking labi pinipigilan ang kilig na nararamdaman.
Ngumiti naman ako ng malawak dahil sa mga design sa sticky note talagang sinubukan nya pang lagyan ng mga design yung note in fairness well may talent .
Pagkatapos kong kumain umalis nako ng bahay isinarado ko muna yung bahay baka may magnanakaw charr ang laki laki ng bahay dalawang tao lang yung nakatira.
Sumakay nako sa aking sasakyan na nasa garahe pumasok ako sa loob at inistart ko na ang makina at pinaandar ko palabas ng bahay ng nasa labas nako sandali akong bumaba at nagtungo sa malaking gate ng bahay namin para isarado.
Ng masara kona agad nakong bumalik sa loob ng sasakyan ko at mabilis pinaharurut papuntang university.
A few minutes ago
Nakarating na ako ng university nagtungo muna ako sa parking lot para i-park ang sasakyan ng matapos akong mag park pumasok nako ng university.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng may papalapit sa akin na dalawang lalaki, nagtataka akong tumingin sa kanila ng pareho silang huminto sa harap ko
" Hi miss can I have your number ? " Tanong ng lalaking may braces sa ngipin, malakas naman syang tinabig ng kasama nya muntikan pa syang matumba
" Hi Beautiful pwede ko bang malaman ang pangalan mo ? " Tanong nya naman at nagpa-cute pa sakin. Nakatanga lang ako sa kanila hindi ko sila sinagot, nanatili lang silang nakatayo sa harap ko at excited marinig ang sagot ko.
Sasagot na sana ako ng may biglang nagsalita sa likod nilang dalawa.
" STAY AWAY FROM HER ! " Isang pamilyar na boses ang nagpakaba sa akin agad naman tumalikod sakin ang dalawang lalaki at nagtataka silang humarap sa lalaking kakadating palang
" At sino ka naman bro pasensya na pero kami ang nauna dito " Saad ng isang lalaki I feel nervous on my body when I see his eyes, His deadly look's bahagya akong napaatras.
" I AM YOUR F*CKING PROFESSOR SO IF YOU DON'T WANT TO HAVE A 65 IN YOUR GRADES BETTER GO NOW I DON'T WANT TO SEE YOUR F*CKING FACE " Umiigting ang pangang saad nya na ikinagulat ko agad naman napatingin sa isat isa ang dalawang lalaki at maya maya ay bigla nalang silang napayuko at humingi ng pasensya kay Dark na malamig akong tinitigan.

BINABASA MO ANG
My Professor is my Secret Husband(Completed)
DiversosDark kelldon Montefalco, the hot professor at the university owned by their family. Will disturb the quiet life of Kelly who will become his wife but this is a secret and only a few people know it is possible that dark's stone heart can soften to a...