Nandito kami sa loob ng cafeteria malamang kakain, kasalukuyan kaming nakaupong tatlo ng bigla naman tumayo si yesha tinapunan lang namin sya ng tingin ni Sky.
" Kelly ano gusto mong food?" Tanong ni yesha sakin
" kahit ano basta pagkain " Walang gana kong saad
" ikaw Sky ano gusto mo? Oorder na'ko " Tanong ni yesha kay Sky na kasalukuyang nasa libro ang atensyon tsk bookworm.
" Chocolate cake at orange juice" tipid nyang sagot
" Ok ! Segeh oorder nako please wait your order mga madam ! " masaya nyang sambit at agad pumunta sa mga nakahilerang pagkain.
Tahimik kaming dalawa ni sky ng may naramdaman akong bumuhos ng juice sakin bigla ko naman naikuyom ang aking kamao
" Opps !! Sorry akala ko kasi basurahan pakidampot nalang ah tas pakitapon narin " mataray nyang sambit tumayo naman ako at hinarap sya
" Bakit mo ginawa yun" Sambit ko at tinapatan sya ng tayo akala siguro nito sya ang boss sa university na ito.
" Tsk obvious ba ang landi mo kasi dapat lang yan sayo " saad nya na lalong kinainis ko
" Anong sinabi mo ! Ako malandi bakit may proweba kaba at paano mo nasabi?" Naiirita na talaga ako sa babaeng to
" Duh! Bingi kaba sabi ko ang landi mo para kang higad sa sobrang ka— hindi nya natapos ang sasabihin nya ng malakas ko syang sinampal na ikinatabingi ng mukha nya lahat ng atensyon ng ibang estudiyante dito ay napukaw namin.
Galit syang tumingin sakin habang hawak hawak ang pisnge nyang sinampal ko.
" Wag ako pwede sa susunod na may gawin kapa sakin hindi lang yan ang makukuha mo mula sa mga kamay ko tignan mo muna yang sarili mo kung sino ba sa ating dalawa ang malandi" singhal ko sa pagmumukha nya at inis kong pinunasan ang parte ng ulo ko na binuhusan nya ng juice.
" Hoy Kelly sa tingin mo nanalo kana pwes!!!! Hindi ako papayag na matalo mo sa susunod! Let's go girls " Pagbabanta nya na ikinangiwi ko
" TSK , HANGGANG SALITA KA LANG GAGA " Malakas na sigaw ko na ikinatawa naman ng ibang estudiyante at pati narin ng mga nagtitinda dito .
" That's my friend" Nakangiting sambit ni Sky
Inis ko silang tinignan ng makaalis sila sakto naman dumating na si yesha. Nagtataka syang tumingin sa dereksyon nila Tiffany at gulat na tinignan ako
" Nawala lang ako saglit nagkagulo na ano bang nangyari doon? Bakit basang basa ka Kelly?" tanong nya habang nilalantakan yung cake ni Sky
" WAHHHLANGYA KA YUNG CAKE KO ! BAKIT MO KINAIN?" gulat na sambit ni Sky habang tinitigan ang plato sa lamesa na wala ng laman puro icing nalang ang natira.
" Nagutom ako eh sorry ibibili nalang kita ulit hihihi " paumanhin ni yesha at naiilang na ngumiti may natira pang icing sa gilid ng bibig nya.
" Patay gutom ka talaga eh " singhal ni Sky kay Yesha
" Sorry na nga eh ! Mamaya ililibre nalang kita hindi ko kasi natiis yung gutom ko eh hihihi " Nahihiyang sambit nito at agad naupo
" By the way ano bang nangyari kanina? Nag-away nanaman ba kayo ng brat na yun?" Tanong ni yesha
" Binuhusan kasi ni Tiffany ng juice si Kelly sa ulo kaya ayun nagkasagutan, ewan ko ba dun sa babaeng yun masyadong papansin " Naiiling na sagot ni Sky tahimik ko lang silang pinapakinggan habang pinupunasan ko yung natirang basa sa uniform ko.
BINABASA MO ANG
My Professor is my Secret Husband(Completed)
DiversosDark kelldon Montefalco, the hot professor at the university owned by their family. Will disturb the quiet life of Kelly who will become his wife but this is a secret and only a few people know it is possible that dark's stone heart can soften to a...