Natapos na ang klase namin at maraming estudyante ang nagsisiuwian na! kasalukuyan akong nasa canteen hinihintay ko sila yesha at sky bigla namang sumulpot sa harap ko si drake.
"Uuwi kana ba ! Hatid na kita " alok nya sa akin nakaramdam naman ako ng pagkailang
"Ahm no need ! Kasabay ko kasi sila yesha at sky ! Thank you nalang " naiilang kong sagot napansin kong huminga sya ng malalim
Aalis na sana sya ng biglang sumulpot ang dalawang kurimaw. Humihingal silang lumapit sa pwesto namin ni Drake.
"Kelly pasensyana kana ! mauna ka nang umuwi may pinapapunta pa kasi samin si ma'am Sebastian " humihingal na sabi ni yesha agad ko naman silang sinamaan ng tingin
"Ilang oras akong naghintay sa inyo ! tapos sasabihin nyong mauna nakong umuwi ! tskk nakakapagod kayang tumayo dito " inis kong singhal sa kanila ewan ko ba kung bakit ang init init ng ulo ko
"Atsaka ang baho nyo ah ! Naligo ba kayong dalawa amoy bawang kayo eh " dugtong ko pa naaamoy ko kasi na ang baho nila eh kanina pa ako nakakaamoy ng mabaho.
Kunot-noo naman nila akong tinignan at parang nagtataka
"Hoy anong amoy bawang ka diyan ! Excuse me nagpabango kami ! hindi naman kami amoy bawang ah " nakangusong sambit ni yesha habang inaamoy ang sarili
"Ano bang nangyayari sayo kelly ang init ata ng ulo mo ngayon ! May problema ka ba ? " Nakakunot-noong tanong naman ni sky inirapan ko lang sila
Sandali kaming natahimik ng sumingit si drake.
"Girls ok easy lang hehe ! Ahm if you don't mind ako nalang ang maghahatid kay kelly " pagaawat nya samin sumilay naman sa mga labi ni yesha at sky ang makahulugang ngiti
"Ayeeeiii thank you Drake ikaw na ang bahala kay kelly ah ! mauna na kami " nakangiting sambit ni yesha at pinulupot ang kanyang kamay sa braso ni sky
"Ayeeiiii ang sweet mo naman drake ! Sanaol bye kelly ingat kayo ah " pangungutya ni sky haysss masstress ako dito sa dalawang kurimaw na to
Agad na silang umalis samantalang naiwan kami ni drake na tahimik
Tumingin ako saglit sa relo ko time check 4:30 pm since maaga pa naman daan muna kami sa park
Maglalakad na sana kaming dalawa ng bigla kong maalala ang libro na binigay sa akin ni Sky na nasa room pa namin. Nakalimutan kong kunin. Agad naman akong huminto , bigla naman syang napahinto at agad akong tinignan
" Ahm Drake mauna kana sa labas may look kukunin Lang ako sa loob ng room nakalimutan ko yung libro ni Sky" Saad ko na ikinatango nya
" Gusto mo samahan na kita " Pagpresinta nya ngunit mabilis akong umiling
" Hindi na mabilis lang ako hintayin mo nalang ako sa labas " Nakangiting sambit ko tumango nalang sya kasabay non agad ko na syang iniwan.
Nagtungo nako sa room, habang naglalakad ako bigla namang humarang sa harap ko ang tatlong asungot, blangko ko lang silang tinignan.
" Tabi dadaan ako ! " Imbes na tumabi nanatili lang silang nakatayo sa harapan ko na parang walang narinig. Inis ko silang tinignan isa isa. Tsk hindi ba sila napapagod kakabuntot sakin
Bubungguin ko na sana sila ng bigla akong pinatid ni Chloe na ikinadapa ko sa lupa
Napadaing ako sa sobrang sakit ng tuhod ko hindi pa sila nakuntento ng mabilis naman akong sinabunutan ni Tiffany na ikinadaing ko ng sobra, dumadaing akong napahawak sa aking buhok na hawak hawak ni Tiffany
" ARAY ANO BA BITAWAN MO AKO ! ANO BA ANG KASALANAN KO SAYO HA ! " Dumadaing sigaw ko na ikinangisi nya
" Hindi mo alam ! Lahat nalang ng lalaki dito sa campus nilalandi mo una yung boyfriend ko ngayon naman pati si Drake, alam mo hindi ka talaga nababagay dito eh ang dapat sayo tinuturuan ng leksyon bitch " Nanggigigil nyang bulong sa tenga ko napadaing ako sa sakit ng mas hinigpitan nya ang hawak sa buhok ko
" Tiffany pwede ko bang sampalin ang malanding yan nanggigigil ako, parang gusto kong sampalin ng mag-asawang sampal ang babaeng yan " Natatawang saad ni Chloe, kasalukuyan nakong naluluha dahil sa sakit ng pagkakasabunot ni Tiffany sa buhok ko
" Please tama na ! Kung ano man yung iniisip mong kasalanan ko sayo, okay I'm sorry " Naluluhang sambit ko tumawa lang sya at agad tumingin kay Chloe
" Chloe your turn"
Magsasalita pa sana ako ng sampalin ako ng mag-asawang sampal ni Chloe naramdaman ko ang kirot sa mga pisnge ko hindi ako makalaban sa kanila dahil sa mahigpit na nakahawak sa buhok ko si Tiffany tapos nakabantay pa sa harap ko ang dalawang asungot talagang wala akong ligtas, hindi ko na kaya ang mga pinaggagawa nila, hindi na tama Ito. Sumusobra na sila.
" Tama na pakiusap " Mahinang saad ko na halos ibalibag na'ko ni Tiffany ng bitawan nya ang buhok ko. Napasubsob naman ako sa lupa at doon nalang umiyak ng umiyak.
Batid kong pinantayan ako ni Tiffany, pero hindi ko sya tinapunan ng tingin
" nakakaawa ka naman kelly " Natatawang sambit ni Tiffany at agad tumayo bago pa man sila tuluyang makaalis malakas nya akong sinipa sa tiyan na ikinadaing ko sa sobrang sakit.
" Tskk tama lang yan sayo masyado ka kasing malandi! Let's go girl's " Sambit nya agad na silang umalis at iniwan akong nakabulagta sa lupa habang namimilipit sa sakit.
Ng mawala na sila sa paningin ko kahit masakit ang katawan ko, pinilit kong tumayo ng makatayo inayos ko muna ang sarili at agad nakong nagtungo sa room, dahan dahan lang ako sa paglalakad.
Hanggang sa marating ko ang room buti nalang hindi pa naka-lock agad kong pinihit ang door knob at paika-ika akong pumasok agad akong lumapit sa desk ko ng makalapit ako agad kong kinuha ang libro ni Sky na nasa ibabaw lang ng table.
Pagkatapos non lumabas na rin naman ako sinarado ko muna ang pinto ng room at agad nakong naglakad

BINABASA MO ANG
My Professor is my Secret Husband(Completed)
AcakDark kelldon Montefalco, the hot professor at the university owned by their family. Will disturb the quiet life of Kelly who will become his wife but this is a secret and only a few people know it is possible that dark's stone heart can soften to a...