ELIANA
Nakabusangot kong tinunton ang kusina upang magluto ng agahan. Hindi ko alam kung ilang beses akong sinigawan at tinapunan ng malamig na tubig ng pinsan kong si Angelica.
She’s always mad at me! Ka-edad ko lang siya at kahit isang beses ay hindi man lang kami naging malapit sa isa’t isa.
“Bakit ba ang bagal-bagal mo? Late na ako!” Sinundan niya ako hanggang sa kusina. Pinasadahan ko siya ng tingin at mukhang aalis na naman siya.
“Hindi ka ba papasok?” mahinahon kong tanong. Nagpintig siguro ang tenga niya at tumingin agad sa akin na may namimilog na mga mata.
“Ano bang pakealam mo? Magluto ka na lang at maglalaba ka pa pagkatapos!”
“Angelica, hindi mo ako katulong.” Aalis na sana siya ngunit nang marinig niya iyon ay agad siyang napahinto.
“Sumasagot ka pa! What do you want? Pack your things and leave or you will do all the house chores?”
I let a deep sigh. Narinig ko na naman ang paborito niyang linya. That’s how bitch she is. Talagang nagiging kaibigan niya ang pananakot sa akin, ano bang pinaglalaban niya?
Hindi na lamang ako sumagot at tumalikod na sa kanya. Sawang-sawa na rin ako sa buhay rito. I always need to defend myself, because no one can save me from this phase.
Nagtimpla na rin ako ng kape habang nagluluto. Doon ko lang naalala na may pupuntahan pala ako. As usual, they don’t allow me to go outside, so I need to sneak away.
Nakatulala lamang ako sa mensaheng s-in-end ko kay Matthew. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang makipagkita sa kanya matapos ng nangyari. Kailangan ko ba talagang tumakas upang makipagkita sa kanya?
Matthew is my ex-boyfriend. Naghiwalay kami dahil ayaw ng pamilya niya sa akin dahil isa lamang daw akong hampaslupa. What will I expect? They are rich.
Sinabi kong magkita na lang kami sa plaza dahil todo talaga siya mangulit.
Pagkarating ko sa plaza ay nakita ko siyang nakaupo sa labas ng isang coffee shop. Tumayo agad siya nang makita ako saka iginiya ako sa harap niya upang maupo. Ngunit nanatili lamang akong nakatayo dahil alam kong hindi naman ako magtatagal.
“Ana, please, come back to me, please.” Bahagya siyang lumapit at hinawakan ang aking braso gamit ang magkabilang kamay. Nagmamakaawang bumalik ako na alam kong hindi ko na gagawin. Desperado ang kanyang tingin at nagbabakasakaling bumalik ako, pero hindi, buo na ang desisyon ko simula pa noong naghiwalay kami.
“Matthew, listen to me,” puno ng awtoridad kong sabi. Medyo lumuwag ang kanyang pagkakahawak at lumamlam ang mga mata niya. “Please, stop bothering me. I want you to stay away from me, Matthew.”
“Ayoko, please give me another chance. Ipaglalaban kita sa mga magulang ko,” nagmamakaawang sabi niya. Ngumiwi ako nang narinig iyon.
“Edi sana noon mo pa ginawa, kung mahal mo ako edi sana hindi mo hinayaang pagtabuyan ako ng mga magulang mo.” Pinigilan kong hindi pumiyok. “Kung alam ko lang na gano’n ang mangyayari ay sana hindi na lang kita minahal,” puno ng pait kong sabi.
“Gagawin ko lahat, Ana, ngayon ay ipaglalaban na kita, pangako ‘yan.” Ngumiwi ako sa sinabi niya na halos isuka ko ang lahat ng pangako naming dalawa noon.
“Hindi na kailangan, Matthew. Hindi na rin kita kailangan. Kalimutan mo na ako at sana maging masaya ka kahit wala ako, dahil iyon din ang ginagawa ko,” nakangiti kong sabi. Humakbang na ako papalayo sa kanya ngunit agad niyang kinuha ang aking braso.
“Aray ko, Matthew, nasasaktan ako. Bitiwan mo ako!”
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...