ELIANA
Nakatitig lamang ako sa ballpoint pen na hawak ko habang nilalaro ito. I can’t focus; it’s all because of Lucas.
“Coffee?” Napatingala ako sa nagsalita. Nakatingin siya sa bintana habang humihigop ng kanyang kape.
Sinulyapan ko muna ang kapeng nilapag niya saka ko ito kinuha.
“Don‘t distract yourself, Eliana.” Halos maibuga ko ang kapeng iniinom kaya inilapag ko ito. Sumilay ang kanyang pilyong ngiti kaya inirapan ko siya.
Bumalik ako sa pag-iinom ng kape ngunit wala pang limang segundo ay nakatingin na siya sa akin habang naka-squat sa harap ng mesa ko. Damn! I can’t focus.
“You‘re too sexy while drinking the coffee I made.” Sa halip na maging kalmado ang isip ko, mas hindi ako naka-focus dahil sa lalaking ito.
Hinayaan ko na lang siya sa harap ko, alam ko naman na titigil na lang siya. Nagpatuloy ako sa paglilista ng appointment ni Lucas bukas nang umaga.
Maya’t-maya ay umayos siya ng pagkakatayo saka pumunta sa table niya. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makaupo ito.
Iiwas na sana ako ng tingin ngunit huli na nang magsalita siya, “My Sunshine, don’t look at me like that. You‘re distracting me. Baka hindi ako makapagpigil sa ‘yo.” Lumunok ako ng laway saka ibinaling ang tingin sa aking ginagawa.
Narinig ko na lamang siyang tumawa habang ako ay namumula na sa inis.
Hindi pa rin nawala sa isip ko ang nangyari sa Mariveles nang gabing iyon. Kung bakit galit na galit sa akin si Angelica nang malamang kasama ako ni Lucas.
“What’s wrong? Hindi ka ba makapag-focus sa ginagawa mo? Just don’t mind it, magpahinga ka muna.” Ang kanyang pag-aalala ay may kasiguraduhan. I stared at him for a seconds.
Tumikhim siya saka nagsalita, “Is it about the girl who talk to you in Mariveles?” Tumango ako bilang sagot. I’m just worried. Malamang ay nakarating na ang balita sa tita ko, at alam ko rin na hindi sila papayag na maging maganda ang buhay ko.Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Lucas sa tabi ko.
“Noong namatay ang mga magulang ko, kinupkop at nanirahan ako sa tita ko,” panimula ko. Medyo ngumiwi pa ako nang banggitin ko ang salitang “tita”. Hindi ko nga alam kung tinuring niya ba akong pamangkin.
Pinigilan ko ang magbabadyang mga luha sa mata ko. They don’t deserve my tears. Napatingin ako sa kamay ni Lucas na nasa aking kaliwang kamay.
“She always scolded me, call me freak, at kung ano-ano pa. Pati mga anak niya nahawa.” Mapait akong tumawa. “At hindi ko alam ang gagawin ko kapag nandoon ako sa lugar na iyon.” Naramdaman kong humigpit ang kamay niya sa kamay ko. Mariveles is such a beautiful place, but the events I have experienced were such a tragedy.
Lumamlam ang mga mata ni Lucas nang tingnan ko ito; ngunit naroon pa rin maamo niyang mukha. Habang hawak niya ang kamay ko ay inilapit niya ito sa kanyang labi saka hinalikan. His lips are soft when he kisses my hand.
“I will save you from any disasters that came in your life, Eliana. I am here to save you.” I didn’t expect that there is someone who will save me from the disasters I have.
“Now, that I’m here, you will experience love and peace, I promise. I know we didn’t know each other wholeheartedly, but let me be by your side to prove that this is not a waste of time for us.”
![](https://img.wattpad.com/cover/318433071-288-k481447.jpg)
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...