CHAPTER 19

2 0 0
                                    

ELIANA

SAFE

I woke up because of the commotion. Iritable akong tumitig sa kisame ng kwarto at padabog akong bumangon para puntahan kung saan nanggagaling ang ingay na dahilan kung bakit naputol ang mahimbing kong tulog.


Ang aga-aga, nakakabwisit.


Bumuntong-hininga muna ako bago ko matunton ang lugar kung saan nakikita ko ang isang matipunong lalaki sa kusina. He's wearing an apron without wearing a shirt?!




Oh my gosh! This man is really hot. I imagine him doing like this in our own house. I shook my head, this is embarrassing. Hindi dapat ako nag-iisip nang ganito. Pero ano iyong nangyari kagabi? Why did that thing happen between us?

Naalala ko kasi dito na niya ako dinala sa kwarto niya sa hotel, dahil nga sa hindi na ako nakasabay sa mga babaeng kasama ko at gulat na lamang akong naka-lock na ang kwarto. Hindi ako makapaniwalang sumama talaga ako sa kanya. Ngunit laking pasasalamat ko nang maalalang sa kama ako natulog at siya ay sa sofa.

"Hindi mo ba muna ako babatiin bago ka matulala at pagnasahan ang katawan ko?"  Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Oh, he's making coffee and pancakes.


Mukhang masarap.



"What's with that noise? Ang ingay, magluluto ka lang naman." Sa puntong ito ay wala akong pakealam kung may magising na kasamahan namin dahil sa may kalakasan ang boses ko. Bumalik ito sa kanyang ginagawa at hawak na nito ang niluto niyang pancake.



“Mas maingay ka kagabi, Eliana.” Nangatngat ko ang sariling kuko dahil sa kanyang sinabi. Why he always do that? Making me awkward every time I’m with him. But deep inside, it’s giving me mixed emotions.


"Coffee?" Lumapit ito sa akin at suot ang matamis nitong ngiti. Tiningnan ko ang oras at ala-sais na pala ng umaga. May isang oras pa para makapaghanda sa mga activities na gagawin maghapon.

"Sakto, gutom na ako. Wala bang lason 'yan?" Umupo ako saka inamoy-amoy ang kape. Ang bango.


"Matapos ng nangyari kagabi, tatanungin mo pa ako kung may lason 'yan?" I gulped. Pinandilatan ko siya ng mata kaya nakita ko ang nakaloloko niyang ngiti. Bakit ba kasi kailangan pang ipaalala?!


"Hindi na ako kakain, wala na akong gana," I lied but my tummy is saying otherwise. Tatalikod na sana ako nang may maramdaman akong humawak sa aking kamay tsaka agad niya akong hinila papunta sa kanya nang hindi natutumba. Para akong estatwa na nakatingala sa kanya na pawang langit na iyon dahil sa aking paningin.



"Wala kang gana kasi gusto mo ng appetizer?" pilyo nitong tanong tsaka inilapag ang pagkain sa lamesa.



Agad na sumikdo ang puso ko nang lumapit siya at  hinawakan ako sa bewang. "Your breakfast is ready. Ayokong nagugutom ka. Dapat sa 'yo ay laging binubusog. You‘re a food lover, right?" Mas lalong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon.


Hindi ko maiwasang hindi kiligin matapos niyang bitawan ang aking bewang saka dumiretso sa c.r. para maligo. Nakaloloka.


Tumitig ako sa pagkaing inilapag niya sa lamesa. Napakibit-balikat na lamang ako tsaka kinuha ang tasa na may lamang kape at ininom iyon. Mukhang masarap naman ang pancake na niluto niya kaya kumuha na rin ako ng isa.

Tumingin ako sa oras at malapit nang magsimula ang activity ngayong umaga. Natigilan ako nang mapansin kong naubos ko na pala ang pancake na gawa ni Lucas.


Whispers of the Sun (Weather Series One)Where stories live. Discover now