ELIANA
SUNGIT
Bandang alas nuebe na ng umaga nang makarating kami sa syudad. Ramdam ko ang pagod dala ng mahabang byahe ngunit naroon pa rin ang excitement dahil sa wakas ay nandito na kami.
Mula sa byahe hanggang ngayon ay walang imik ang kasama ko.
“Lucas,” tawag ko dahilan upang mapalingon siya. Halata sa kanyang mga mata ang antok at puyat. Hindi ata siya nakatulog sa byahe at buong byahe niya ata akong binantayan. Sa halip na sumagot ay inalalayan niya akong makababa sa sasakyan niya. “Thank you,” bulong ko, ngunit sapat na iyon upang marinig niya.
“Where do you want to stay?” Batid kong napansin niya ang pagkabigla sa aking mga mata sa kanyang tanong, ngunit hindi ko iyon ipinahalata nang humarap ako sa kanya.
Akala ko napag-usapan na namin ito.
“Ahhh ehhh...hahanap na lang ako ng apartment dito.” Inilibot ko pa ang paningin sa labas ng kompanya niya. Namamangha ko iyong tiningnan na animo‘y ngayon ko lang nakita.
“Tsk!” inis niya akong tinapunan ng tingin saka nag-dial sa telepono.
Ang arte...
“Nandito na kami.” bumuntong-hinga siya pakababa ng telepono tsaka tiim-bagang tumingin sa akin. Sinalubong ko naman ang kanyang titig, ngunit agad itong napawi nang may lalaking papunta sa aming direksyon. Kitang-kita ang mapuputing ngipin at animo‘y masayang makita kami.
Ito siguro ang tinawagan niya kanina.
“Welcome back, sir hehe,” ani ng lalaki ngunit nawala ang mga ngiti nito nang mapansin niya ako sa tabi ni Lucas.
“...and Ma’am.” Yumuko ito upang magbigay-galang sabay pumunta sa likod ng kotse upang kunin ang mga gamit namin.“Si Mang Fillian, personal driver ko.” Nabasa niya ata ang inisip ko kaya sumagot siya.
Tumango na lamang ako kasabay ng pag ngiti kay Mang Fillian na nakangiti habang kinukuha ang gamit.
“Nakausap ko na si Franco, at binigyan ko ang pamilya niya ng dalawang milyon.” Napamaang ako sa kanyang sinabi habang nilalakad ang daan patungo sa kanyang sariling opisina.
Talagang kayang-kayang gawin ito ng isang Lucas Sandoval. Kahit na binigyan niya ito ng pera, isang kahihiyan at insulto iyon para kay Franco at sa kanyang pamilya. Para tuloy nagmukhang pera si Franco.
“Ahhh Lucas...” hahawakan niya na sana ang doorknob nang tawagin ko ito.
“Hmmm?” Sa wakas ay sumagot na siya. Ngunit hindi pa rin ako kampante sa kanyang kinikilos. Bagay na hindi ko kinasanayan sa kanya.
Kinasanayan? Eh wala pa ngang taon nang makasama mo siya.
Bakit ba siya nagkakaganyan? Anong malay ko.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang banggitin sa kanya.
“About last night, I didn--”
“Don’t mention it, it’s okay. Sa katunayan, na-miss ko magtrabaho.” Hindi pa rin ako kumbinsido sa sagot niya. I know he’s mad at me about last night. Dahil sa inasal ko. Kasalanan naman kasi nung Angelica na iyon, e.
Lalong-lalo na ang tungkol kay Matthew. Wala siyang alam sa nangyari sa Mariveles at hindi rin ito ang tamang oras para malaman niya.
Sasagot pa sana ako nang makita kong pumasok na ito sa kanyang opisina. Wala na rin akong magawa kundi sumunod sa kanya.
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...