ELIANA
BAR/WAR
I heard the noise coming from the bar. Nasa labas na kami ng mga kasama ko at hindi ko alam bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.
First time ko kayang pumunta sa ganito!
“Hoy! Eliana, ayos ka lang ba?” Kinalabit ako ni Kate at sinuri ako mula ulo hanggang paa.
“Oo naman. Tara na?” Pinakiramdaman ko ang sarili ko; sinasabi ng isip ko na huwag nang tumuloy ngunit mas nangingibabaw ang kasabikan kong maki-halubilo at magsaya.
“Mukha kang balisa, may problema ba?”
nag-aalalang tanong niya. Umiling naman ako ngunit parang hindi siya kumbinsido.Humawak na ako sa kanyang braso saka kami tumungo sa loob. Parang mababasag ang tenga ko dahil sa lakas ng tugtog. Inilibot ko ang paningin sa bar at namimilog pa ang mga mata ko tuwing may nakikita akong naghahalikan.
Ang wild ng mga tao.
“Eliana, let’s go!” malakas na sigaw ni Kate, nakasunod naman ang mga kasama namin na sina Chloe, Tala, Mariz, Sandra, at Rica.
Siguro ay sanay na silang makakita nang ganito dahil madalas sila rito.
“Huwag mo silang tititigan,” ani Mariz, nginuso niya ang mga naghahalikan. Agad akong umiwas ng tingin.
Agad naman kaming nagbayad sa counter para sa aming table and drinks.
“It’s been a months, nakapunta rin sa bar,” ani Chloe at nilagok ang wine.“Kaya siguro hindi tayo nagkakaroon ng jowa kasi puro tayo trabaho.” Napunta naman ang tingin ko kay Mariz na nagsalita.
“True, sis. Kaya nga niyaya ko si Eliana dahil baka rito niya makilala ang magiging jowa niya, hindi ba?” maarteng segunda ni Kate.
“Wala ka ba talagang boyfriend? Sa ganda mong ‘yan?” Natawa naman ako sa sinabi ni Chloe.
“Wala akong boyfriend ngayon. Ayoko rin, eh,” nahihiyang sabi ko kaya sumimangot naman siya. Agad kong naalala si Matthew—iyong ginawa niya. Iwinaksi ko ang iniisip dahil isa naman talaga iyon sa mga dahilan kung bakit ako narito sa Manila.
“Alam mo, sis, mag boyfriend ka na. Sayang ka,” si Tala. Sumang-ayon naman ang lahat maliban sa akin.
“Ano ba kayo, hindi naman ako nagmamadali.” Ininom ko ang natitirang wine sa baso ko at kumuha ulit sa tower. Simula raw ngayon na nasa trabaho na ako, lalong sa kompanya ni Lucas ay hindi na ako naging inosente pa. Akala ko noon kapag nakainom ka lang ng alak ay malalasing ka na agad.
“They are here!” sabay na sigaw nina Sandra at Rica. Halos maibuga ko ang iniinom ko nang makita kong may paparating. Pitong lalaki na matitipuno ang katawan, hindi maitago ang dilim sa kanilang mukha na animo’y may ginawa kaming kasalanan.
“Hi, girls!” Sabay-sabay nilang bati maliban sa isa. Napansin kong nakatitig ito sa akin nang matalim. Iniwas ko ang tingin doon at nagsalin ulit ng wine sa aking baso. Walang sabi-sabing umupo sila sa tabi ng mga kasama ko!
Agad akong lumunok nang mapagtanto ang susunod na mangyayari.
“Ethan, why can‘t you join Eliana. Come on! Sit beside her.” Sumikdo ang puso ko nang tumitig sa akin yung sinabing Ethan. Hindi mawala ang dilim sa kanyang tingin habang nakatikom ang mga labi.
Set up ba ‘to? Halos lahat sila ay may kanya-kanyang partner, kaya ayokong pumunta sa bar eh. Ganito talaga ang palaging eksena.
“May I sit beside you?” sabi no’ng Ethan habang tumuturo sa tabi ko. Wala naman na akong nagawa kaya tumango na lamang ako. “Thanks.”
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...