CHAPTER 1

62 3 5
                                    

ELIANA

TAKAS

Sabado ngayon kaya agad kong tinipon sa isang tray ang mga labahan. Pati na rin ang mga damit ng aking pinsan.


“Oh, ito pa!” Narinig ko ang tinig ni Angelica kasabay ng pagbato niya ng labahan sa planggana.
“Bilisan mo at paparating na si mommy! Gagamitin ko ‘yan bukas,” maarteng dagdag niya.

Bakit ba ganito ang trato nila? Halos ako na lang ang gumagawa ng gawaing-bahay. Puro sila utos, hilata, at reklamo. Hindi na bago ang ganitong senaryo, sa sobrang higpit ng aking tita, hindi imposibleng pagalitan na naman ako. Simula noong namatay ang mga magulang ko ay sa kanila na ako nanirahan. Lahat na lamang ginagawa ko; sawang-sawa na nga ako sa sermon ng tita ko, dagdagan pa ng mga pinsan ko.

'Kumusta na kaya iyong lalaki kahapon? Okay lang ba siya?'


Agad kong iwinaksi ang naisip na iyon. Naiinis pa rin ako sa inasal niya kagabi. Kahit naman lasing siya, alam niya ang ginagawa niya.


Humigpit ang aking hawak sa damit na sinasabon ko.

Ipinagpatuloy ko na lang paglalaba nang may marinig akong sunod-sunod na katok na nagmumula sa sala. Tumingin muna ako sa paligid dahil baka bisita nila ito ngunit lumipas ang ilang segundo ay napagtanto kong wala silang balak na buksan ang pinto.

“Sandali lang,” sabi ko habang pinapahid ang mga kamay sa aking damit.

Nang buksan ko ang pinto ay kumunot ang noo ko nang makitang may lalaking nakatalikod.


'Lalaki?!'


Sigurado akong manliligaw ito ni Angelica. Teka, bakit ba hindi siya pumupunta rito at kausapin ang manliligaw niya?


“Kayo po ba iyong manliligaw ng pinsan ko? Tuloy po kayo at tatawagin ko siya.” Nakatalikod pa ito kaya hindi ko makita ang mukha niya.


“No, I’m not.” Tatalikod na sana ako nang magsalita siya.


“Ah kung hindi po ang pinsan ko, sino pong pinunta niyo rito?” Madalang lang naman may pumuntang lalaki sa bahay, at kung meron man, si Angelica ang laging dinadalaw dahil sa hindi maubos na manliligaw nito.


“Ikaw,” sagot ng lalaki.


Teka?!


“A-Ako?” Wala naman akong natandaan na may gagawin kaming group project. Wala rin akong inimbitahan sa bahay. Bakit may ganito?



“Oo, ikaw.” Humarap siya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako ng laway nang mapagtanto kung sino ito.


Si Mr. Beer!


Pero, bakit siya nandito? Lumunok ako ng laway nang sumilay ang kanyang nakalolokong ngiti.


“What are you doing here? Balak mo na naman ba akong sukahan?” Nagpanggap akong nadidiri. Sumilay naman ang hiya sa kanyang mukha kasabay nang pag-abot ng sobre.


“Ano ’yan? Suhol?” natatawa kong tanong ngunit nanatili siyang seryoso.


“Take this,” he demmanded.



“Hindi ako tumatanggap ng kapalit, lalo na kung pera. Mas mabuting magpasalamat ka na lang, tapos ang usapan.”


“I will give you an opportunity in Manila.”


What were he saying? Napalunok ako nang mapagtanto ko ang sinabi niya.


Manila? For real? Doon ba siya nakatira?


Whispers of the Sun (Weather Series One)Where stories live. Discover now