ELIANA
SASAMA KA
Bumuntong-hininga ako bago tumingin sa kanya. Gusto ko lang magtanong.
"Lucas..."
"Hmmm," sagot nito. Abala pa rin sa laptop.
"Ano nga ba ulit ang tinatrabaho sa kompanya niyo?" Alam kong nakakahiya man na tanungin ngunit kailangan. Marami kasi silang pinagkakaabalahan. Marami rin silang pananim nang makita ko ang paligid ng mansion nila.
Tumikhim siya bago nagsalita. Sa ngayon ay nasa akin na ang atensyon niya at isinara ang laptop.
"Our family managing a sole proprietorship business: Sandoval’s Splash of Red.
"Actually, my family's business ruined 5 years ago. My mistake." Yumuko ito at parang inaalala ang lahat ng nangyari sa nakaraan.
Ik-in-wento nito na nasunog ang bodega noong isang taon pa lang ang magulang nila sa pagnenegosyo kaya marami rin ang nawala. Lahat ng pera at gamit sa kanilang tindahan noon ay nasunog. Alak ang negosyo nila kaya naman hindi maiiwasang magkalat agad ang apoy. Siya ang may kasalanan sa nangyaring sunog na iyon. Hindi niya man sinasadya ang nangyari ngunit hindi niya masisisi ang kanyang ama kung bakit hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya.
"Gano'n kalaki ang nasayang? Grabe naman."
"Umiinom ka ba?" tanong niya.
"Oo, tubig at juice." Nakita ko na lamang na kumunot ang noo niya nang sabihin ko iyon.
"Softdrinks pa," dagdag ko.
"Kung umiinom ka kako ng alak," natatawang sabi niya.
"Hindi."
"Why? Napakabait mo naman." Halos magpigil ako ng tawa. Inilagay ko ang kamay ko sa aking bibig para hindi niya mahalata.
"Are you laughing?" Umiling ako kahit sa mga oras na ito ay mamamatay na ako sa pagpigil ng tawa. Hindi ko rin alam kung bakit ako natatawa o sadyang abnormal lang ako.
"Tubig dagat iniinom ko," biro ko ngunit sa palagay ko ay naniwala siya.
"What? How? Paano ka nakaiinom ng maalat na tubig?" Tuluyan nang kumawala ang tawa ko. Halos napuno ng halakhak ang buong opisina at nang tignan ko siya ay nakatitig lamang ito sa akin habang blangko ang mukha.
"Masyado kang seryoso, Lucas."
"Eliana," agad akong natigilan nang tawagin niya ako sa ma-owtoridad na boses.
"Sorry po, sir."
Naalala ko tuloy iyong unang pagkikita namin. Lasing na lasing ba naman ang isang Sandoval na may-ari ng mga alak.
Ilang minuto ang nakalipas at tila mabingi kami sa katahimikan.
Naisip kong itanong ang sinabi niya kanina tungkol sa team building, at sa lugar pa namin kailangang ganapin? Sigurado akong makikita ako ng napakagaling kong tiyahin.
"Lucas..." Umurong ata ang dila ko nang tinapunan niya lang ako ng tingin saka binalik ang atensyon sa kanyang ginagawa. Hindi ko napansin na maraming papel pala ang nasa mesa niya.
Hindi siya sumagot. Nanatiling sa papel lamang ang tingin nito. "Itatanong ko lang kung sa Mariveles ba talaga natin gaganapin ang team building?" Tumigil ito sa pagbabasa at nasa akin ulit ang atensyon.
"Yes," simpleng sagot ngunit maraming ibig sabihin iyon.
"Bakit doon? Alam mo naman na roon ako nakatira. Kasabay ba nito ang gusto mong umuwi na ako?" He turned his gaze to me. Mukhang nagulat siya sa tanong ko.
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...