ELIANA
DUTCH MILL
"Who are you?" Nagtataka nitong tanong saka bumaling kay Lucas na may nakakainsultong tingin. Pawang tinatanong siya kung bakit may babae rito.
"Oh, I'm sorry. Franco, this is Eliana, my friend and Eliana, this is Franco, my....ex secretary." Ang kaninang galit na galit ay napalitan ng pagiging maamo. Ba't ba ang bilis magpalit ng mood ng isang 'to?
Friend? He’s a stranger to me! Hindi ko alam na kaibigan na ang turing niya sa akin.
"Hi!" He gave me a fake smile while waving his hands instead of shaking hands. It doesn't matter, anyway.
“Boss, what do you mean by 'ex-secretary? Am I f-fired?” He looks weak at the moment.
"Cancel all my meetings, Franco." Tumalikod ito sa kausap saka bumalik sa pagkakaupo sa shivel chair niya. Ako naman ay tulala lamang habang tinititigan siya.
"Pero, boss. Kailangan nila kayo bukas. Maaapektuhan ang project natin kung hindi sila makakausap. I'm sorry talaga, boss. Hindi na mauulit." Nakita kong tumingin ito sa akin saka ako inirapan. Ilang beses akong kumurap dahil baka namamalik-mata lamang ako.
"Talagang hindi na mauulit, Franco. You're always dissapointing me, Franco." Hindi siya humarap sa kausap at nanatiling nakaharap ito sa bintana ng office. "I think it's time to find a new secretary." Sa tono ng pananalita ni Lucas ay naroon ang pagiging sigurado niya sa desisyon. Para bang may nahanap na agad siya.
"Boss naman. Parang iyon lang? Mas marami akong nagawang ikinabuti ng kompanya. Hindi mo ako dapat tanggalin, Boss." Nagmamakaawang sabi niya. Medyo natawa pa ako sa isip nang sabihin niya ang huling linya.
"Everyone can replace you, Franco. Besides, matagal ka na rin naman dito, it's time to change a new secretary."
"Boss...NO!"
"Pack your things and leave," utos niya sa kausap.
"Pero, boss, wala na akong trabaho." I can see his eyes were full of tears.
"Huwag mo nang hintayin na tumawag pa ako ng guard." Dahil sa sinabi ni Lucas ay nanginginig na ang kanyang buong katawan kasabay ng pagkibot ng kanyang mga labi. Tumalikod ito sabay bumuga ng hangin at mabilis na naglakad papunta sa pintuan saka lumabas at isinarado iyon.
"Bakit mo naman siya tinanggalan ng trabaho at pinalayas pa? Kawawa iyong tao. Hay naku, mga lalaki talaga isang pagkakamali mo lang, aayawan ka na."
"What did you say?" Alam ko namang narinig niya ang lahat ng sinabi ko. Tatanong pa, amp.
"Nothing," sagot ko saka bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Binuksan ko na lamang ang TV at itinuon ko na lamang ang sarili ko sa panonood.
"Kailangan ko ng bagong secretary," panimula niya. Grabe talaga kapag mayaman, ang bilis magpalit kapag maraming pera. "Pwede mo ba ako tulungan?" I turned my gaze to him. His face was dealing with me to make me comfortable.
"Ano namang maitutulong ko?"
"Hahanap ka ng papalit kay Franco." Mabilis niyang sagot.
"Then?"
"Then what?" Nagtataka nitong tanong habang seryosong nakatingin sa akin.
"You're trying to say na hahanap ako ng taong magiging secretary mo?" Ang funny ng isang 'to. Balak pa akong pagurin.
"Exactly." Lumiwanag ang mukha niya nang maintindihan ko ang sinabi niya.
"Kung ikaw kaya ang palitan ko." Natigilan siya sa sinabi ko at agad na nagsalin ng wine sa baso at isahang nilagok iyon.
"Joke lang." I gave him a peace sign but his face turned red."Hoy joke lang. Sige, tutulungan kita."
I smiled. He turned his gaze at me."Really?"
"But in one condition..." Tiningnan ko ang kabuuan ng opisina niya. Total, maganda naman dito, masarap ang buhay.
"Anything, basta matulungan mo ako."
"Dito na ako sa office mo titira." Ngumiti ako. Hindi ko napansin na ubos na pala ang chips at popcorn na kinakain ko. Naudlot pa tuloy yung panonood ko dahil sa baklang iyon.
"But, no. Hindi ka pwede rito. Sa bahay ka dapat mag stay." Alam ko naman na 'yan ang isasagot niya. But, I want him to surprise, duh.
"At bakit naman? Sarili mo namang kompanya 'to 'diba?" Nakasisiguro ako.
Tsaka, hindi ako pwede sa mansion dahil hindi ko maintindihan ang nais iparating ng mga titig ng nanay niya sa akin.
"Tsaka, hello? Yung favor mo, sige ka hindi kita tutulungan. Uuwi nalang ak--"
"Okay okay." Tumigil ako sa sinabi niya saka dahan-dahang ngumiti.
"Edi goods pala." Komportable akong humiga sa sofa. Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga. "Sarap buhay. Kain, nood, at tulog lang."
"Whatever."
"Bukas, I'm sure na makakahanap ako agad." Naramdaman kong papalapit siya sa akin.
"Are you sure?"
"Yes," walang ganang ani ko. Naramdaman ko naman ang pagngiti niya. Lumapit ito nang tuluyan sa akin sabay niyakap ako nang mahigpit. Ilang segundong blanko ang utak ko bago siya kumalas sa yakap.
Kahit ako ay wala ring ideya kung ano ang gagawin ko at kung sino ang taong papalit sa secretary niya. Bakit ba hilig niyang bigyan ako ng problema?
"Magdilang-anghel ka sana." Hindi na makapaghintay na sabi niya. Siguro ay bibigyan niya ako ng award kung mabigyan ko siya. Well, kahit hindi na. Basta dito ako tumira, okay na.
"Hindi ako anghel. Masama po ugali ko." Napuno ng halakhak ang opisina. Hindi ko rin alam kung paano at ano ang gagawin ko para magkaroon siya ng bagong secretary.
Nang matapos ang eksena ay nawalan na ako ng gana manood. Pumunta na lamang ako sa harap ng fridge at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong dutch mill, kumuha ako ng isa at dumiretso sa sofa.
“Anong partner mo sa dutch mill?” Hindi ko siya tiningnan. Naramdaman ko na lamang na may mabigat na nagmula sa tabi ko kaya malamang ay umupo siya roon.
Narinig ko ang pagsinghap ni Lucas sa tabi ko. Hindi ko alam kung para saan iyon. Nanatili akong nakatingin sa pinapanood ko ngunit wala roon ang atensyon ko kundi nasa katabi ko.
Inabot niya sa akin ang isang pabilog na lata ng chocolate cookies. Nakaramdam ako ng gutom nang maamoy ko ang mabangong aroma nito.
Tiningnan ko lang ang cookies kahit nagugutom ulit ako. Ang nasa isip ko ngayon ay kung bakit niya pinalayas si Franco sa kompanya. I took a sigh, at alam kong napansin niya iyon. Hindi ko alam ang totoong nararamdaman ko ngunit alam kong may kinalaman iyon sa secretary niya.
Bakit niya ba kasi pinaalis?
“You’re bothered by something?” tanong niya habang nakatingin sa t.v. Kumurap ako nang ilang beses bago siya tiningnan.
“Yes, I am. Hindi pala magandang maghanap ng bago dahil alam mong may mawawala.”
Hindi nakaligtas ang pagkunot ng kanyang noo sa sinabi ko. Totoo naman, ah.
Kumuha ako ng cookies dahil hindi ko na talaga nakayanan. Nanatili rin akong nakatingin sa t.v ngunit alam kong nasa akin ang tingin niya.
“Ginawa ko lang ang nararapat, Eliana.” Tumikhim siya matapos sabihin iyon. Doon nabaling ang atensyon ko, hindi ko inaasahang gano’n ang sasabihin niya. Everyone deserves a second chance!
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na ako umimik. Tahimik na lamang akong nanood ng palabas at inubos ang ibinigay niyang cookies.
For me, that’s unfair. I don’t have a choice, I’m not the boss.
lherughhh

YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...