LUCAS
BYE, BROOM!
“God job, Mr. Sandoval. We are happy to hear the news. Big congratulations!" Matapos ang presentation ay labis ang pagbati nila sa akin.
Sandoval's Splash of Red Inc. now has an additional 4 branches in the United States. Bukod sa 7 branches dito sa Pilipinas, ay dumagdag ito.
"Thank you, Mr. Alleje." Lahat sila ay binati ako. Nang makaalis ang lahat ay agad kong pinuntahan si Eliana sa likod. Nakangiti ito habang pinapanood akong naglalakad.
"Congratulations, Lucas!" bati niya kasabay ng matamis na ngiti.
"Thanks," nakangiting sabi ko at tuluyan nang nasa harap niya.
"Congratulations, man!" There is a familiar voice. Paglingon ko ay tumambad sa akin ang nakangiting si Ralph. Wait?
Ralph?!
"Hey, what are you doing here?" Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at napalitan ito ng pagkunot ng kanyang noo.
Nang makalapit siya ay tinapik ako nito sa balikat. "I thought you were in Dubai. Bakit ka umuwi?" Medyo nagulat ito sa tanong ko kaya napalakas ang pagtapik nito sa braso ko.
"Why not? Hindi mo ako na-miss? You're unbelievable. Bakit, ayaw mo bang makita ko ang mga chicks mo dito sa Pilipinas? I think you and Melody br---" Hindi ko na 'to hinayaang makapagsalita dahil baka kung ano pa ang masabi niya.
I don't give a damn about that girl anymore.
"Ow, excuse me. Let me introduce my secretary, Ms. Eliana Anatola Addison," pakilala ko kay Eliana. Nagkamayan naman ang dalawa at parang nagsisi ako na hindi ko napigilian iyon.
Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ralph ngayon. He knows me, he’s my bestfriend.
"Hi, I'm Ralph Lauren. You can call me babe, baby, or sweetheart." Gumuhit lamang ang ngiti sa mukha ni Eliana matapos sabihin iyon ng aking kaibigan. Kahit kailan talaga basta maganda ang nasa harapan.
"Just shut up, Ralph. I am here to kill you." Popormahan niya ba si Eliana? Hindi pwede kung gano’n.
"Lucas, akala ko ba wala kang balak magpalit ng secretary. What happened?" bulong nito, sakto lang na hindi maririning ng aking kasama.
She's staring at Eliana na parang hindi makapaniwala. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya at hindi ako papayag na maging magkaibigan sila ni Eliana. No way!
"It's none of your business, Ralph," sagot ko dahilan upang mapamaang siya.
"Poor Lucas. You're not the same boy now. Ano ba ang problema mo at hindi ka natutuwang dinalaw kita?" Inilibot nito ang paningin sa paligid.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Ralph Lauren. Ang hilig mo sa surprise, ano?"
"Sa tingin ko, ako ata ang na-surprise. Look at her." Tumawa siya nang mahina ngunit sa palagay ko ay narinig ito ni Eliana kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. I took a glance at her. Nakatulala lang siya at parang malalim ang iniisip.
Not my girl, Ralph.
"Loko ka pa rin, Ralph. At sa sobrang loko mo, iiwan ka rin ng girlfriend mo." Natawa siya sa huli kong sinabi. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at napalitan ito ng malungkot niyang awra.
“Lucas..." Bigla akong natauhan. Agad kong nakalimutan ang presensya ni Eliana kaya agad akong tumingin sa kanya. "Pwede na ba akong umalis?" tanong niya habang nakatingin sa kaibigan ko.
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...