ELIANA
GIRLFRIEND
Nandito na kami sa loob ng yate at hindi pa rin ako makapaniwala na nakasakay ako rito.
"Hanggang ngayon ay hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo." Pagmamaktol niya kasabay ng pagsuot nito ng jacket. Umupo ito sa isang sofa tsaka sumimsim ng kanyang tsaa.
Hindi ako sumagot. Nais ko lang damhin ang lamig na nagmumula lamang sa loob ng yate. Gusto kong makita ang dagat ngunit nabigo ako nang maisip kong gabi na pala.
Ilang oras na ba kaming nasa loob mula kaninang umaga?
"Hindi mo rin naman sinasabi pangala--"
"Lucas." Hindi niya na ako pinatapos at binigyan niya ako ng nagagalak na tingin.
"Lucas pangalan mo?" Nagtataka ko pang tanong.
"Yes, you have a problem with that?"
"Ang common naman ng pangalan mo. Walang thrill." Nakabusangot kong sabi sabay humigop ng kape. He smirked. Napatingin naman ako sa kanya.
Hindi naman siya nakasagot kaya bumaling ito sa labas."Can you please introduce yourself?" Tumingin ako sa kanya. Nakita kong nasa labas pa rin siya nakatingin.
"Why would I? Nasa school ba tayo? Teacher ka ba para utusan ako nang ganyan?" Inirapan ko siya kahit nakatalikod ito at alam kong hindi naman ako nakita. Tumikhim ito ngunit ibinalik ko ang aking sarili sa pag-inom ng kape.
"I just wanna know what name behind that beautiful face you have." Uminom siya ng tsaa. Lumunok ako ng laway.
"Sinasabi ko na nga ba at spy ka!" Sigaw ko kaya medyo tumulapon ang tsaa sa kanyang bibig. Tumingin ito sa akin. His gaze makes me silent.
"Paano kung sabihin kong spy nga ako, anong gagawin mo?" Inilapag niya ang tasa ng tsaa saka umupo sa sofa. Ngayon ay libo-libong kaba ang aking naramdaman dahil magkaharap na kami ngayon. Sobrang lapit ng aming mukha sa isa’t-isa at kaunting galaw ay pwedeng dumikit ang mga labi namin.
Ako na lang ang umiwas at nanahimik sa kinauupuan.
•••
NAGISING AKO SA INGAY NA NAGMUMULA SA LIKOD. Gosh, nakatatamad bumangon. I groaned. I'm trying to open my eyes and try to move but suddenly my back hurts. I was about to move my body but I fell. Nadoble ang sakit ng katawan ko matapos mahulog sa sahig. Doon lang ako natauhan.
Bakit nasa kotse ako?!
"Thanks, I felt relieved." Para akong baliw na nakahawak pa sa dibdib nang sabihin iyon.
Bumalik ako sa katinuan nang maalala kung nasaan ako.
Bakit ako nandito?
Sino ang nagdala sa akin dito?
Shock! That man! I know I'm with him before.
![](https://img.wattpad.com/cover/318433071-288-k481447.jpg)
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...