CHAPTER 26

15 0 0
                                    

Disclaimer: Those places and its information is based on what I have searched for to give this story real info. I do not own some information regarding the places mentioned below.


ELIANA


Marami rin kaming pinuntahan: we explored the ruins of Baluarte de San Diego and Fort Santiago, we also stroll around The Plaza San Luis Complex, we visited the Belfry Cafe, La Cathedral Cafe, Papa Kape after attending the mass in Manila Cathedral.

Sa sobrang lawak ng Intramuros, Manila, hindi sapat ang isang araw upang malibot mo ito. Kaya naman meron silang mga apartment na matutulugan.

“Dito tayo mag prenup, ah.” Halos maibuga ko ang iniinom na kape sa mukha niya dahil sa kanyang sinabi.



Huwag niya sabihing balak niya nang magpakasal? Umayos ako ng upo saka seryosong tumingin sa kanya. “Balak mo na bang magpakasal? Kanino?” Hindi ko alam kung bakit ko pa tinanong ang huli. But, I just wanna make sure, if he‘s still into Melody or in another girl.

We‘re here in Papa Kape in Intramuros.
Um-order lang ako ng Matcha Tea at isang slice ng matcha cake habang si Lucas naman ay Kape Mocca at Chocolate cake ang in-order.

Agad namang kumunot ang noo niya matapos kong itanong iyon, “Why are you asking? It’s obvious na ikaw ang pakakasalan ko.” Sumimsim siya ng kape matapos niyang sabihin iyon tsaka siya nag de-kwatro ng upo at tumingin sa paligid. Gumagalaw pa ang adam’s apple sa bawat paglunok niya ng kape. He’s f*cking sexy!

Bakit ba ang bilis lang sa kanya ng lahat?

“Sigurado ka na ba sa akin?” Tumingin ako sa cake kong paubos na. Sobrang sarap naman kasi, parang gusto ko pa ng isa.


“Matapos ng nangyari sa Mariveles, matapos mong magmakaawa sa akin, tatanungin mo kung seryoso ako sa ‘yo? Yeah, the answer is ye——,” walang prenong sabi niya kaya namilog ang aking mga mata habang tinatakpan ngayon ang bibig niya. Halos hindi ako makagalaw dahil sa mga matang nakatingin sa amin sa coffee shop, ngumiti lamang ako sa kanila habang nahihiya saka ko binitawan ang bibig ni Lucas. D*mn! Bakit ba padalos-dalos ang bibig niya?

“Alam mo, bahala ka sa buhay mo. Pwede bang tumahimik ka?!” singhal ko sa kanya ngunit hindi siya natinag. He’s teasing me!

“Mahal na mahal kita, Eliana, alam mo ‘yan. I wanna take this seriously, I wanna give you everything, please bear with me.” His glare was full of admiration and assurance. My heart beats so fast when our eyes meet. He held my hand and kissed it.

“Edi ligawan mo lang ako.”

“Yun nga ang gusto ko, ang ligawan ka.” Namumuo ang paghanga sa kanyang mga mata. Alam kong masyado akong nagpapa-hard-to-get, pero yun naman ang dapat. Hindi ko pa siya labis na kilala, sumama lang ako dahil nga gusto ko makapunta dito sa Manila.


I want to know you more, Lucas Sandoval.

Tumingin ako sa relo ko, it is exactly 4:00 o’clock in the afternoon. Napansin ko rin na dumadami na ang tao sa coffee shop. Tumingin ako kay Lucas na tapos na rin sa kanyang pag-inom.


Binayaran lang niya ang order namin saka namin nilisan ang lugar.



“Where’s our next stop?” Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa isang hall way. His hand was soft. Ang sarap sa pakiramdam mahawakan ng kamay niya.

Casa Manila (19th century Mansion).

Nandito na kami sa Casa Manila. Ito na siguro ang last naming pupuntahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Whispers of the Sun (Weather Series One)Where stories live. Discover now