Chapter 1: Clover Street

114 9 0
                                    

"Bagong lipat, bagong buhay, bagong bahay."

Ayan lagi ang mantra ng mga magulang ko sa tuwing lilipat na naman kami ng bagong lugar para lang sa trabaho nila. Isang engineer si papa at si mama naman ay isang college professor, kaya siguro naisipan nila rito kumuha ng lupa dahil mas lapit sa siyudad.

Clover Street. 

Iyon ang mga letrang una kong nakita nang madaanan namin ang direksyon kung saan kami maninirahan, hindi ko lang siguradokung ilang taon kami rito pero sigurado akong hindi kami magtatagtal dito nang dalawa o tatlong taon. Ngayong magkokolehiyo na ako, naisipan din nila na manirahan malapit sa mga magagandang eskwelahan dito sa Pilipinas. 

Kahit na medyo nakakapressure dahil hindi naman ako gaano kagaling pagdating sa akademiks, kailangan ko pa rin magtino dahil ayaw kong mapunta lang sa wala lahat ng pinaghirapan ng aking mga magulang. 

Medyo kinakabahan din ako dahil bagong lipat kami at wala pa akong kakilala rito. Ang tahimik din ng mga kapitbahay namin kaya parang impossible na magkaroon ng kakilala rito, pero ang alam ko ay may kakilala rin dito si mama at pupuntahan daw nila mamaya.

Sinabi ko na hindi ako sasama dahil nga hindi pa rin ako tapos sa pag-aayos ng mga gamit ko, minsan nga ay naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako kakalma hanggang sa hindi nakaayos lahat ng gamit sa paligid ko. Sinisigurado ko na malinis yung paglalagyan nila, walang sira, at dapat nakaayos sila ayon sa kung nasaan dapat sila. 

Yup, kaya napapadalas ang self-diagnose ko sa Google kung may OCD ba ako o kahit na alam kong hindi rekomendado na mag self-diagnose. Pero baka gaya ng sinabi ng mga magulang ko, baka nasanay lang ako sa malinis na paligid dahil bata pa lang daw ako ay hindi nila hinahayaan na madumihan ako kahit kaunti lang.

Tumingin ako sa orasan at napansin ko na halos isang oras na ako nagaayos ng mga gamit ko kaya naisipan ko munang pumunta sa kusina para magluto ng makakain. Umalis na rin pala yung mga magulang ko at pumunta roon sa bahay ng kakilala ni mama, kaya napangiti ako sa wagi dahil sa akin muna ang bahay ngayon.

Nagpatugtog ako ng kanta sa cell phone ko at nilakasan ang volume para marinig ko kahit nasa kusina ako. Naisipan ko naman na gumawa ng cheese sandwich dahil tinapay lang at queso yung nasa ref. Kaya siguro nila ako hindi pinilit sumama para ako ang pumunta sa supermarket at bumili ng groceries nila.

Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero pagod na pagod ako ngayon mula sa biyahe at gusto ko nalang matulog. Habang hinahantay ko na matunaw yung queso, nagpadala muna ako ng text kay mama na dumaan nalang din sila sa supermarket.

Umupo muna ako sa sofa para buksan ang TV at maghanap ng pelikula, pero aabutin yata ako nang isang taon bago makahanap ng pelikula kaya pinagpatuloy ko nalang ang pakikinig sa kanta. Nang makuha ko na ang sandwich ay bigla namang tumunog ang cell phone ko.

Nakita ko na sumagot si mama sa text ko na may kasama pang litrato na sa tingin ko ay kinuha niya roon sa bahay ng kaibigan niya. Hindi ko inakala na marami silang nakaupo sa isang mesa, pero medyo malabo yung mga mukha kaya hindi ko rin nakita nang maayos yung mga kasama nila.

Ibinaba ko ang cell phone ko at humilata sa sofa para lang tumulala sa kisame. Isang malalim na hinga ang inilabas ko bago kunin ang remote para bumalik sa paghahanap ng pelikula.

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon