Chapter 3: Unwinding Stuff

42 4 0
                                    

"Adri! May sasabihin kami sa'yo."

Boluntaryo akong bumaba ulit na kanina ko pa paulit-ulit na ginagawa dahil marami kaming dapat linisin sa bahay. Pagkababa ko ay itinuro ni mama yung upuan sa mesa na sinundan ko naman at inupuan. 

"Look at this, hun." Inabot sa akin ni mama yung envelope na mukhang mamahalin yung itsura.

Tiningnan ko muna siya na may halong pagkakalito bago ko kunin yung envelope mula sa kamay niya. Binigyan ko ng tingin yung magarang envelope at nakita na nakapangalan pala sa akin.

"Acceptance letter ba ito from that college? I thought we already received that last week?"

"It's not an acceptance letter, just open it!" Nagagalak na sinabi ni mama, mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin.

Pagkabukas ko ng envelope ay agad ko kinuha yung nasa loob. Isang papel at ticket? Una ko munang binuksan yung papel at doon ko lang namalayan na isa pala itong letter. Sinumulan ko na mabilisang basahin yung nilalaman ng letter hanggang sa makarating ako sa dulo.

"Boot camp?"

"Yes! We think that it will be a good opportunity for you para makakita ng mga bagong kaibigan bago magsimula ang school year in the next days." Bakas sa mukha ni mama na parang gusto niya talaga ako pumayag. Paano ba naman ako makakatanggi? Pati yung letter at ticket nakapangalan sa akin, para bang fixed na pupunta talaga ako sa boot camp na iyon. 

Tiniklop ko yung letter at sabay na binalik ang ticket sa loob ng envelope. "Sige, ma."

Sa sobrang saya ay napatayo si mama sa upuan niya at lumapit sa akin para yakapin ako nang mahigpit. Nakasanayan ko na rin ang pagiging malambing ni mama dahil nag-iisang anak lang naman nila ako.

"Hindi ka magsisisi anak, I promise."

Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya, kahit na may nararamdaman akong hindi magandang ideya ito dahil hindi ako yung tipo ng tao na dumadalo sa mga social events lalo na kung puro mga kasing edad ko yung mga tao roon.

Bumalik din agad ako sa kuwarto ko dahil hindi ko pa tapos linisan yung mga guest rooms na pinagtatambakan namin ngayon ng mga kahon. 

Habang nagliligpit ako ng mga gamit ay nakita kong nakasilip yung isang litrato sa loob ng karton kaya naisipan kong kunin nalang iyon at itago sa closet ko. Yung litratong iyon ay yung litrato namin ni Zoe kasama yung nakakatanda niyang kapatid na kinababaliwan ko noon. Hindi nga lang alam ni Zoe na may crush ako sa ate niya, pero pinili ko na panatilihin nalang sa ganon dahil nawala rin kaagad yung crush ko nang malaman kong may boyfriend pala yung ate niya.

Alam na ng mga magulang ko na isa akong lesbian maliban kay Zoe. Hindi naman sa natatakot akong sabihin sa kaniya dahil hindi ko naman ikinahihiya sa mga tao kung sino talaga ako, pero dahil na rin siguro hindi pa ako handa na buksan ko ulit ang sarili ko sa isang tao pagkatapos ng nangyari sa huli kong bestfriend. 

Well, past is past and I hope na masaya siya kung nasaan man siya ngayon. 

Sinarado ko ang pinto ng closet at bumalik ulit sa ibang gamit na hindi pa nakaayos.

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon