Chapter 15: Denial

8 0 0
                                    

Kali's POV:

Is that what she really felt?

Dahil doon sa binasa ni Perry, na alam kong papel ni Adri base sa pagsasalitan nila ng mga tingin, nalaman ko yung dahilan ng pagtatago niya. She got her heart broken before, and maybe that's the reason why she's closed off sometimes.

I mean, let's be honest, you wouldn't be the same person anymore once you got your heart broken. Hindi naman sa na-heartbroken din ako pero alam ko yung feeling kasi nangyari rin iyon sa dati kong kaibigan.

Natutulog na ngayon halos lahat sa amin, pero ito ako ngayon, hindi matapos ang pagiisip. Nakakailang ikot na rin ako sa hinihigaan ko kaya naaasar na siguro si Adri dahil naramdaman kong napaupo siya.

"Can't sleep?"

Busted.

"Yeah."

Bigla namang sumulpot yung mukha ni Adri sa gilid ko kaya medyo ako nagulat, madilim na rin kasi at wala masyadong ilaw. 

"Come on, may naisip ako."

Medyo tutol ako sa plano niyang lumabas nang ganitong oras, pero hindi ako mapakali rito kaya pumayag nalang ako.

Inilapit ni Adri yung daliri niya sa harap ng labi niya at tumango naman ako sa mensaheng gusto niya ipaabot. Dahan-dahan at tahimik kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa pinto ng kwarto.

"Hindi locked." Napahinga ako nang maluwag dahil hindi naka-lock yung pinto. 

Nang makita naming walang tao na nag-iikot sa labas, naglakad kami nang mabilis papunta kung saan man ni Adri gusto pumunta. 

"Teka, bakit parang anlayo na natin?" Napatanong ako nang mapansin ko na paakyat na kami ng mataas na daanan.

"Just trust me, baka makatulog ka pa roon." Pagbibiro ni Adri kaya napahampas ako sa balikat niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, actually, pag-akyat kasi nasa tuktok na kami na kung saan tanaw na tanaw ko yung kabuoan ng camp. Hindi ko mapigilang mamangha sa view na nasa harapan namin ngayon, kahit na malamig ay worth it naman ang pag-akyat namin dito dahil tanaw ko rin yung mga bituin sa itaas.

"See? Ang ganda 'di ba?"

"Paano mo nalaman dito" Hindi ko pa rin inaalis yung mga mata ko sa itaas.

"Nahanap lang namin ni Perry kaninang umaga."

Right, si Perry. Don't get me wrong, they look good together but I don't think they will get along that well. Biglang nagbago ang mood kaya napaupo ako sa lapag.

"Matagal na ba kayong magkakilala?"

"Si Perry? Kaninang umaga lang din kami nagkakilala."

Napatango nalang ako at nanatiling tahimik sa tabi ni Adri. Pero siyempre, hindi siya nagpatalo at nagsimula agad ng usapan.

"Anyway, gusto ko lang na malaman mo-"

Hindi ko na kayang makipaglaruan.

"Are you guys together or something?"

Napatahimik bigla si Adri kaya napatingin ako sa kaniya para malaman niyang seryoso ako.

"Kami ni Perry? Hell no! We totally just hit it off because we have a thing in common."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, come on, hindi ako bulag-"

"Pareho kaming lesbian! It's not like I meet people like me everyday so I might as well make a friend here at least. Bakit mo nga ba natanong?" 

Nagtaka naman ako sa lakas ng boses niya. "Jesus, calm down. Natanong ko lang kasi nakita ko kung gaano kayo ka-close kanina."

Napasinghap si Adri ng hangin bago niya ako tingnan nang seryoso sa mata.

"We're just friends, okay? Can we just enjoy the night?"

"If you say so." Tumango ako at inaalis na ang mga mata sa kaniya. Kaya rin pala magalit eh, which means that I am making progress.

"It was your paper, isn't it?"

Tumango ako nang hindi humaharap sa kaniya.

"Ako yung pinariringgan mo?"

Isang tango ulit.

"Do you consider us friends?"

Hindi ako napatango sa tanong niya dahil to be honest, I don't really know the answer. 

"Kali, do you consider us friends?"

But what else should I call whatever we have going on between us? Definitely just friends.

"We're definitely friends."

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon