Chapter 2: New Faces

58 6 0
                                    

Maggagabi na nang nakauwi sila mama rito sa bahay dala yung mga pinamili nila sa supermarket. Hindi ko rin namalayan yung oras dahil nasobrahan ako sa tulog, pero worth it naman kasi hindi ko na gaano nararamdaman yung pagod mula sa biyahe kaninang umaga.

"Adri! Baba ka muna rito."

Nasa hagdan nang tawagin ako ni mama dahil sanay na ako sa routine namin sa tuwing inuuwi nila yung mga pinamili. Hindi ko maiwasang maghikab habang naglalakad pababa kaya napatingin sa akin yung dalawang matatangkad na tao.

"Pagod ka pa rin? Maybe you should continue your rest, kami na bahala rito." Mahinahon na sinabi ni papa, ikinatuwa ko naman yung sinabi nila kahit na hindi na talaga ako inaantok.

Umakyat ulit ako at bumalik sa loob ng kwarto ko para tawagan yung bestfriend ko na nakilala ko roon sa huli naming bahay. Yung pangalan niya ay nasa pinakataas ng mga contacts ko kaya hindi na ako nahirapan para hanapin yung pangalan niya, at wala rin naman akong ibang kausap maliban sa mga magulang ko.

Pipindutin ko pa lang ang pangalan niya nang lumitaw kaagad sa screen ko yung pangalan niya. Tinanggap ko yung tawag niya at unang bumungad sa akin ang kisame ng bahay nila, maya-maya naman ay lumitaw yung aso niyang si Willow na napaka-cute.

"Willow!" 

"Really? Yung aso ko talaga yung una mong tinawag?"

Napaikot ako ng mga mata sa kaibigan ko. Kahit kailan talaga lagi siyang nagtatampo sa mga maliliit na bagay.

"Zoe." Mapagbiro kong sinabi gamit yung tono ko kanina.

Narinig kong tumawa si Zoe sa kabilang linya bago niya itinapat yung mukha niya sa camera. Sino ba naman ang hindi magsasawa sa mukha niyang isang tingin mo palang ay makakaramdam ka na ng saya. Isa rin iyon sa mga rason kung bakit kami agad naging close noong una naming nakita ang bawat isa sa classroom.

"Kuwarto mo ba 'yan? In fairness, nag-upgrade."

Tumango ako at pinaikot ang camera ng cell phone ko sa buong kwarto. "I know right, pero mas iba pa rin kapag nakakapunta ka rito katulad ng dati."

Napabuntong-hininga naman si Zoe sa sinabi ko, kanina pa kasi kaming umaga nag-uusap at hindi ko maiwasang mailabas yung lungkot ko sa kaniya dahil matagal kaming hindi magkikita. Ngayon papasok na ako sa kolehiyo, mga ibang mukha na naman ang makakasalamuha ko.

"Adri, we talked about this. Hindi puwedeng ako lang yung tao na makikilala mo sa buong buhay mo, kaya take advantage of your family's moving dahil baka makikita mo riyan yung soulmate mo." 

Nagbago bigla ang mukha ko nang marinig ko yung mga huli niyang salita. Akala ko ito na 'yung pinakaseryoso niyang moment dahil bihira siya magbigay ng pep talk, pero may point naman yung sinabi niya maliban lang talaga roon sa soulmate stuff.

"Nope, I'm good, baka naman ikaw yung nakatagpo na ng soulmate?" Pangungulit kong sinabi sa kaniya na kinaiinisan niya minsan.

"Shut up, mahahanap ko ang soulmate ko pagkatapos mo mahanap yung iyo."

"Alphabetical pala ito?"

Sabay kaming napatawa sa sinabi ko hanggang sa sumeryoso bigla yung mukha ni Zoe. 

"But seriously, give a chance to see new people."

Napangiti at napatango nalang ako sa mensahe ni Zoe. Iniba na namin ang topic ng usapan dahil hindi ko masyado gusto yung mga usapang ganon. 

"Clover Street? Got it, baka makadalaw ako next week friday."

Halos napasigaw ako sa tuwa nang marinig ko iyon mula kay Zoe, pero agad din niya binawi yung malaking ngiti ko sa mukha dahil sa susunod niyang sinabi.

"Under one condition, dapat may maipakilala ka sa akin na bagong kaibigan."

Kilala ko itong si Zoe at napapansin ko na ginagawa niyang hobby yung pagiging determinado ko sa mga bagay. 

"Oh, bakit ang lungkot mo? What happened sa 'I like to be challenged' mo?" 

Bakit ko ba kasi sinabi ko pa iyon noong nagpakilala ako sa harap ng classroom? Kaya tuloy hanggang ngayon hindi pa rin makalimutan ni Zoe yung mga sakto kong salita. Napaisip nalang ako at mukhang hindi naman magiging mahirap yung kondisyon niya.

"Deal."

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon