Chapter 9: Blindfolded

24 1 0
                                    

"Wear your blindfolds."

This is crazy. Paano kung hindi ako saluhin ni Kali? Actually, ang lakas ng feeling ko na hahayaan lang niya akong bumagsak sa lupa. 

Bago ko sinuot ang blindfold ko ay pinauna ko muna si Kali dahil baka ma-disqualify kami kapag hindi siya sumunod. Pagkatapos niya suotin yung sa kaniya ay sinuot ko na rin sa akin. Itim nalang ang nakita ko at tanging tibok nalang ng puso ko yung naririnig ko.

"Kapag ako talaga hindi mo sinalo." Pagbabala ko kay Kali pero katahimikan lang ang natanggap ko. Nasa likod ko pa rin ba siya?

Para sigurado, ipinunta ko yung kamay ko sa likod ko para maramdaman kung may tao.

"Jesus! Keep your hands to yourself!"

Oops, maling parte ng katawan yata yung nakapa ko. Well, at least alam ko na nasa likod ko pa rin siya.

"On my count of three, the person standing in front will freely let themselves fall to be caught by the person behind."

Naglabas ako ng malalim na paghinga at inihanda ang sarili. 

"1...2...3, fall."

Ipinikit ko nang todo ang mga mata ko at inihanda ang sarili na bumagsak sa lupa pero mali ako, dahil nasalo ako ni Kali. Isang malapad na ngiti ang ipinakita ko dahil hindi ako bumagsak sa lupa.

"Good. Now change, the person behind will go front and the person in front will go behind."

Nagulat ako nang bigla akong ibalik ni Kali sa kinatatayuan ko, parang nahilo pa yata ako kaya napahawak ako sa braso niya para umalalay.

"Castro...if you won't keep your hands to yourself next time..."

Mahina akong napatawa sa tono ng boses niya. Alam niya ba na hindi bagay sa kaniya ang galit na boses?

"Sorry na boss." Pangaasar ko bago tumayo sa likod niya.

Siguro kung hindi kami naka-blindfold at kung walang nagbabantay, kanina pa siguro niya ako sinabunutan o sinuntok. Hindi ko nga rin alam sa sarili ko kung saan ko nakukuha yung enerhiya para guluhin siya lagi, basta ang alam ko ay madali siyang mainis.

"On my count. 1...2...3, fall."

Crap.

"Castro and Ferrera, to the side."

Malay ko ba na ibabagsak ni Kali yung katawan niya pagkatapos ng pangalawang bilang, ayan tuloy hindi ko siya nasalo.

"I am so sorry-"

"Whatver, Castro. Kahit saan ka talaga pumunta, gulo lagi ang dinadala mo." Masungit niyang sinabi at galit na inalis yung blinfold mula mukha niya.

Napahinto naman ako at napataas ng kilay sa mga sinabi niya. Ouch?

"Excuse me? Ikaw itong bumagsak pagkatapos ng two? 'Di ba pagkatapos ng three?" Napatiklop ako ng mga braso at seryosong tumayo sa harap niya. Tila siyang bata na nagtatantrums habang naglalakad palayo sa akin.

Gustuhin ko mang manatili sa assembly hall at panuorin silang lahat, may konting pag-aalala pa rin ako kay Kali dahil baka maligaw siya o baka madapa siya. I am not a vain person, I still care a tiny bit to the people, even to those who crossed my lines.

"Kali! Wait!"

Hindi ko na alam kung saan nagpunta yung babaeng iyon. Sinundan ko nalang yung mga yapak sa lupa na sana hindi ako dalhin sa maling lugar.

Napansin ko na nagiging familyar na yung daan na sinusundan ko, doon ko lang nalaman na naglakad papunta si Kali sa pinuntahan namin kanina ni Perry.

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon