Chapter 11: Doubts

20 1 0
                                    

Kali's POV:

First of all...hindi kasalanan ni Adri yung pagiging malamya ko kanina. Totoong nadulas ako dahil hindi ko namalayan na basa pala yung bato, eh hahabulin ko pa naman sana si Adri para kausapan siya nang matino kaso nadulas ako at hindi rin ako marunong lumangoy.

Sa una ay nahirapan akong itaas ulit yung sarili ko, at dahil nakita ko na malalim pala yung tubig ay mas lalo akong nag-panic kaya roon nagsimula yung pagkawala ko ng malay na bumalik pala si Adri para damputin ako.

Yung mga sumunod na nangyari ay medyo hindi na malinaw sa isipan ko, pero may isang ganap na mukhang tumatak sa akin...that's when I felt her lips against mine.

I mean, nagkamalay kaagad ako nang maramdaman ko 'yon, hindi ko naidilat yung mga mata ko dahil sa kaba at gulat. Natandaan ko yung sobrang pag-aalala sa mukha ni Adri, kaya nang uulitin niya sana yung ginawa niya ay ginising ko na agad yung sarili ko.

Siyempre, I acted like I wasn't aware of that for the mean time...walang point na maging malisosya ngayon kasi as if namang type ako ni Adri. Napatawa tuloy ako nang bahagya dahil sa mga ideya na pumapasok sa utak ko.

"Oh, ngayon naman tumatawa ka na mag-isa? Baka naman may sumumpa sa'yo habang nalulunod ka ha."

Ibinato ko kay Adri yung librong hawak ko dahilan nang pagtigil niya sa pagtawa. Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin habang binigyan naman niya ako ng ngiti. Kanina pa ito ngumingiti ah, tila mababanat na yung mukha niya.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto, nagpapahinga dahil nag-alala sa amin yung councillor nang makita niya kaming basa ni Adri.  Sinubukan ko pa nga ibalik sa kaniya yung t-shirt na pinambalot niya sa akin pero tumatanggi siya, ayan tuloy nakita siya ng mga tao na walang suot na pangitaas maliban sa sports bra niyang suot.

To be honest, I was quite fascinated by how she acted toward me pagkatapos ng walang sawa kong pagsusungit sa kaniya. Ngayon, masasabi ko na medyo okay na kami. Medyo.

Sure, she would smile every now and then to all the people she meets, but there's more inside Adri that I want to see. Pero wala pa naman kami sa level na ganon para mag-open up siya, hindi ko nga rin alam kung friends na ba kami or what.

Maybe itong parusa namin dahil hindi ako nasalo ni Adri kanina ay worth it dahil mas makikilala ko pa siya, ayon ay kung pagkakatiwalaan niya ako. I am basically a stranger to her, maybe the last thing she would want in her life is to open up with someone who she will only meet for three days. 

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon