Chapter 6: Hot!

30 1 0
                                    

"So, bakit ganon ka makatingin doon sa babae kanina? Lover's quarell ba?" Pangungulit ni Perry. Napailing nalang ako at hinayaan siyang magsalita tungkol sa mga bagay-bagay. Sigurado akong kapag nagkita sila ni Zoe, mapapalitan ako. 

Nandito na kami ngayon sa isang malaking kuwarto na nilalaman ng halos mga bunk beds at cabinets. That also means na makikita ko araw-araw ang mukha ni Kali na kanina ko pa iniiwasan dahil baka hindi ako makauwi na may kumpletong katawan.

Pareho kami ng kama ni Perry dahil kami nalang yata ang walang partner at ang iba ay may kanya-kanya nang kama. Umakyat ako sa taas habang si Perry naman ang matutulog sa baba. May katabi rin kaming cabinet na pinaglagyan na namin ng mga damit namin.

Yung mga cell phone rin pala namin kinuha ng councillor dahil nasa policy daw. Maraming mga hindi natuwa kaya halatang sila yung mga hindi nagbasa ng letter. 

"Team 7, bibigyan ko kayo ng 20 minutes para magpahinga and after that, balik na kayo sa assembly hall for our first activity of the day."

"Yes, ma'am!" Malakas na sinabi ni Perry kaya binigyan siya ng ngiti ng councillor dahil siya lang yung sumagot.

"Ganito ka ba lagi?" 

"Only if someone's hot."

Sinipa ko nang mahina yung braso niya habang nakangiti, pero bago niya pa hilahin yung paa ko pababa ay itinaas ko na agad pabalik sa kama. 

"Huwag mo 'kong masipasipa Ms. Castro." Sinabi ni Perry gamit yung tono ng boses ng councillor namin, hindi ko mapigilang matawa sa palpak niyang panggagaya.

"Matulog ka nalang nga."

"Girl, kakatulog ko lang kanina. Tara, labas tayo." 

Sumunod nalang ako sa sinabi niya dahil wala rin naman akong magawa sa loob ng kwarto. Tumalon ako pababa at sumunod sa likod ni Perry. 

"Saan naman tayo pupunta?" Napatanong ako habang naglalakad kami sa kung saan-saan na direksyon.

"Balita ko may hot spring dito..." 

"You mean, gusto mo mag-swimming?"

"Ay, hindi, gusto ko mag-ipon ng tubig para may mainom tayong lahat doon." Pambibiro ni Perry habang napailing nalang ako sa kalokohan niya.

Sunod lang ako nang sunod sa likod niya habang naglalakad kami. Feeling ko nga nakita kami ng councillor pero nang kinindatan lang siya ni Perry ay bumalik ulit siya sa ginagawa niya na parang hindi niya kami nakikita.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarinig ako ng tubig. 

"Ayon na ata." Sinabi ko habang tinutuo yung direksyon kung saan ko narinig yung tubig.

"Buti nalang may kasama akong compass." 

"Buti nalang may kasama akong nanggagayuma."

Tawa kami nang tawa pero naalala ko na hindi ako nakasuot ng swimming attire kaya kinalabit ko si Perry.

"Huy, wala pala akong dalang extrang damit."

"Sinong nagsabi na kailangan natin ng swimsuit para mag-swimming?"

Medyo nagulat naman ako sa kumpiyansa niya pero hindi naman ito yung unang beses na maliligo ako nang walang damit dahil nagawa na namin iyon ni Zoe.

Tumatakbo na pala si Perry palapit sa tubig habang hinuhubad na niya lahat ng damit niya. Napatawa ako sa takbo niya kaya hinubad ko na rin nang mabilisan yung mga damit ko at sinundan si Perry para lumusong na sa tubig. 

"ANG INET!"

Biglang napatili si Perry kaya mas lalo akong natawa. Tila siya isda na hindi humihinahon sa tubig kaya naisipan kong lapitan siya para sabihan na mawawala rin yung init. Maya-maya ay kumalma na siya kaya lumangoy pa ako nang mas malalim sa tubig.

"Alam mo, sa una akala ko hindi ka sasabay sa mga trip ko."

Napaahon ako sa tubig nang marinig kong magsalita si Perry.

"Bakit naman?" 

"Siguro hindi ko lang nakita ang outgoing vibe mo...pero seeing how you willingly joined my company, you're not so bad yourself." Sinabi niya sabay ngiti, napangiti rin ako sa sinabi niya dahil hindi naman ako laging nasasabihan ng mga ganong salita.

"Outgoing lang ako sa mga taong pinagkakatiwalaan ko."

"Or sa mga taong bakla rin kagaya mo?" 

"Sure." Napatango nalang ako habang si Perry ay tumatawa nang mahina na may kasamang pagpalakpak.

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon