Chapter 20: Starting New

26 0 0
                                    

Adri's POV:

"Oh my god! Ang ganda mo pala sa personal!"

Napatawa ako nang mahina dahil sa mga comments ni Zoe nang makita niya si Kali. Pagkadating na pagkadating namin dito sa venue ay agad kinuha ni Zoe si Kali at ayon, hanggang ngayon hindi pa rin mapakali si Zoe dahil nakita na niya si Kali nang personalan.

Hindi pa nagsisimula ang event at mukhang kami yata ang unang nakapunta rito kasi wala masyadong tao. Naglakad naman ako sa food station kung saan nandoon lahat ng mga handa nila at dahil maaga pa naman, kumuha ako ng plato para maglagay ng iba't ibang pagkain na hindi medyo mabigat sa tiyan.

"Ah, hanggang ngayon matakaw ka pa rin pala?"

Nagulantang ako sa boses na biglang sumulpot sa likuran ko kaya naibaba ko muna yung plato para harapin yung nagsalita.

"Pia."

"Adrienne. Akala ko 'di mo na ako kilala." Napatawa siya nang bahagya.

"That's quite impossible, laging nakabuntot sa'yo si Zoe."

"True, pero pagkatapos nitong kasal? I'm afraid that we will only see each other frequently."

Napatango ako dahil tama naman siya, magiging busy na siya sa asawa niya at si Zoe naman sa college, but these two are too close kaya alam kong hindi masisira ang relationship nila.

Binalikan ko ulit yung plato ko para kumuha ng pagkain, nagulat naman ako nang kumuha rin si Pia ng plato kahit nakasuot siya ng puti. "Hindi ba mamamantsahan yung damit mo?"

"Psh, pera ko rin ang pinaggastos sa lahat kaya deserve ko kumain."

Napangiti nalang ako sa attitude niyang kahit kailan hindi pa rin nagbabago, maybe that's one of the reasons why I had such a big crush on her before. 

Busy ako sa pagsasandok ng kakanin nang kalabitin ako ni Pia at itinama niya yung mga mata niya sa direksyon nila Kali. "Kanina pa 'yon nakatingin sa atin ah? Girlfriend mo ba?"

Nanlaki ang mga mata ako. "H-How did you-"

"Adri, hindi ako bulag. It's quite obvious if you'll ask me." Pinalibutan niya ako ng tingin, pero parang mas binigyan niya yata ng atensiyon yung suot kong formal suit. I am not really a big fan of dresses.

"Puntahan mo na girlfriend mo, grabe makatitig baka abangan niya ako sa kanto mamaya."

Napahalakhak ako nang bahagya sa sinabi ni Pia. "Alright. Yung damit mo ha!"

Iwinagayway nalang niya yung kamay niya sa hangin para palayasin na ako sa paningin niya. Maingat ko na hawak yung plato sa isa ko kong kamay dahil may hawak akong inumin sa isa, yung itsura pa lang ng mga pagkain ay sapat na para masabi kong magiging maganda ang takbo ng kasal ngayon.

"Akin ba 'yan?" Natatakam na tinanong ni Zoe kaya napailing ako.

"Samahan mo ate mo roon, baka mamamantsahan yung damit niya."

"WHAT?! PIA!" Napaalis bigla si Zoe sa puwesto niya at tumakbo papunta sa kapatid niyang kumakain na pala.

"I can't with those two." Napabuntong-hininga ako habang nilalapag ko nang maigi yung plato sa table.

"Now I see why you used to like her."

Nagtataka akong napasulyap kay Kali. "I thought we're past that?"

"Are you?" Tinanong niya pabalik. Kumunot ang noo ko dahil kay Kali at sa ganitong usapan na matagal ko nang sinabing closed case.

"Kali, baby, you're the person I want to be with and not her, okay? Just tell me if you're uncomfortable and we will find a way to-"

Napahinto ako nang naramdaman ko ang kamay ni Kali na pumatong sa taas ng kamay ko. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako kung ano ba talaga ang totoo niyang nararamdaman dahil ginagawa na naman niya yung ginagawa niya kapag nasa ganito kaming usapan.

"Adri, of course, I am comfortable, and trust me I know your true and deepest intentions. Something just woke up inside me seeing you that close with someone else, considering that someone else is who you used to like before."

Nag-aalala akong napatingin kay Kali. "Like what you said, it was all before. This is what's happening now...and I have no plans in meddling with someone's marriage, I am not that kind of person."

"I know, Adri. I just...I like you too much."

Napangiti ako at lumapit sa kaniya para bigyan siya ng halik sa noo. "I like you too much too."

"God, we sound like those corny couples." Natatawang sinabi ni Kali habang magkadikit ang noo naming dalawa.

"Well, at least it's much better than that couple."

Sinundan ni Kali ang direksiyon ng mga mata ko kaya nakatanggap ako ng hampas sa braso. "That's so rude!"

Sabay kaming napatawa, dahilan ng pag-ikot ng mga ilang ulo sa amin. Medyo marami na rin pala yung mga tao rito kaya napatahimik muna kami ni Kali at tumawa nalang nang mahina.

"Balang-araw tayo naman yung nasa altar." 

"You mean, sa harap ng altar?"

Hinampas na naman ako ni Kali pero imbes na tarayan na naman niya ako ay ipinatong niya ang ulo niya sa braso ko. Marahan ko rin ipinatong ang ulo ko sa kaniya, inalis ko muna yung braso ko na pinapatungan para ipalibot sa likod niya. 

"I like this." Mahinang bulong ni Kali na ikinangiti ko.

"Me too."



THE END


Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon