Chapter 16: Day 2

6 0 0
                                    

Simula nang makabalik kami ni Adri sa kwarto ay hindi na niya ako pinapansin. I must have upset her when I said those words last night.

"We're definitely friends." As if namang may something sa amin dalawa, right? I just don't want to get my hopes up and end up getting my feelings hurt, I'm delicate enough for that. 

Naguusap sila Adri at Perry buong umaga roon sa bunk ni Perry, siguro para maiwasan lang niya ako. Buong umaga rin akong nagpapanggap na tulog kasi wala rin naman akong magawa habang nagaantay sa announcement ng councilor.

"Hey, kumusta? Alam kong kanina ka pa gising."

Binuksan ko nang kaunti yung kaliwa kong mata para lang makita yung babaeng naging una kong bunkmate. Napapikit ulit ako ng mata dahil baka guluhin na naman niya ako gaya ng ginawa niya kahapon.

"Seriously? Hindi ka na naman mamamansin? Alright, your loss."

"Fine! Anong kailangan mo?"

Lumiwanag bigla yung mukha ng babae. "Kailangan ko ng kausap."

Napatango ako inantay siyang magsalita. 

"Ganito kasi-"

"Team 7! Please gather outside."

Napayuko yung babae at biglaan din siyang umalis sa paningin ko bago ko siya masabihan na mamaya nalang ulit. Bumaba na rin ako sa kama para sundan yung mga naglalakad na palabas, pero hindi ko maiwasang mapatingin sa direksiyon ni Adri.

"Trust me, it will be worth it."

"I still can't do it."

Narinig ko yung pinaguusapan nila nang malampasan ko sila, napabuntong-hininga nalang ako at pumila sa labas.

"Welcome to your second day here at camp, Team 7. For this morning's first activity, I would like all of you to create a single line and stand shoulder to shoulder."

Kahit ilang oras na akong nakatulog, nakakaramdam pa rin ako ng pagod kaya matamlay kong sinunod yung sinabi ng councilor. 

"Great. Now, Ms. Hernandez here will be the first one to start to be followed by the next person to her. All you need to do is to stand in front of the person next to you and tell them what you liked and hated about them. The sequence goes on until the last person on the line gets to speak."

Nataranta ako nang magsimula na silang gumalaw. Tila tatlong tao lang yung nakausap ko rito, so ano naman yung sasabihin ko sa iba? Mabilis silang natapos magsalita hanggang sa oras ko na para harapin yung katabi ko.

"Um, hi. I like the highlights on your hair." Nahihiya kong tinuro yung mga blue higlights sa buhok niya. 

Ngumiti naman yung babae. "Anything you don't like?"

"Nothing, mukha ka namang mabait na tao."

Napatawa yung babae sa sinabi ko pero dahil ubos na ang oras namin ay lumipat na ako sa katabi niya, walang iba kundi si Adri. Pareho kaming napatingin sa isa't isa, wala na rin naman akong takas kaya sinimulan ko na yung sasabihin ko sa kaniya.

"Hi, I always thought you were an annoying person, like that person who follows you around wherever you go, but you followed me everywhere. Adri, you have been on my mind lately and I can't stand you ignoring me the whole day...Just say the words and I won't bother you anymore."

Nang tumingala ako, nakitang nanlambot ang mukha ni Adri na nagtagal lang ng ilang sandali bago bumalik ang mukha niya sa pagiging seryoso. 

"I- uh, excuse me."

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon